KIA'S POV
"No, but i know Zane and i like him." Sabi nya habang nakatingin sa kamay na hinuhugasan nya.
"Ohh.. then??" Takang tanong ko, kasi para saan naman talaga? Eh ano naman kung gusto nya si Zane?? Pake ko???????
"Hmm..." Panimula nya at tinignan ako mula ulo hangang paa. "I just want to tell you na iwasan mo na sya for now on." Sabi nya sakin at tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Why??" Tanong ko pabalik kasi why would i???? Sino ba sya duhh.
"Madaming mag seselos." Sabi nya sakin at lalong tumaas ang kilay ko, yung tipong mawawala na sa place nya.
"Pake ko??" Prangkang tanong ko sakanya, wala naman kasi talaga akong pake plus diko naman nilalandi yun no.
"Do you like him?" Biglang tanong nya sakin sabay titig sa mata.
"No." Deretsyong sagot ko habang nakikipag eye to eye sa kanya.
"Are you sure??" Pag coconfirm nya, tumungo lang ako and bumalik na sa ginagawa.
"Oki, madali naman ako kausap." Sabi nya at nag punas na ng kamay.
"By the way, I'm Nicole." Sabi nya at nilahad ang kamay habang may ngiti sa labi.
Nag punas naman ako ng kamay ko, but imbis na kunin ang kamay nya ay tinignan kolang ito. Ewan ko, wala ako sa mood na makipag kaibigan sakanya plus diko type yung dating nya. Maganda naman sya and mukhang mabait, but dahil dun sa unang pag uusap namin ay hindi ako natuwa.
"Ow haha, that's okay." Sabi nya na lang ng marealize nya na diko tatanggapin ang kamay nya at binawi iyon. "I just want to be friends with you, sorry kanina, gusto kolang talagang malaman if you like him or not." Paliwanag nya at tinignan ko lang naman ito.
"By the way babalik kapa ba duon?" Tanong nya saakin at tumungo naman ako.
"Sabay nako, gusto ko din makita si Zane." Sabi ni sabay ngiti sakin.
"Wait, gusto mo talaga sya?" Tanong ko ulit dito kasi i just want to confirm it.
"Yup." Sabi nya sakin at ngumiti ulit. Mukhang di naman sya nag sisinungaling, pero diko alam kung bakit pero parang nalungkot ako bigla. Wala naman akong pake dun but why?? Why am i feeling like this?? Just why?
"Wala naman sigurong babae ang hindi mag kakagusto sakanya, first ang gwapo nya, second if totoong makikilala mo sya, super bait nya." Sabi nya sakin at nakita kong kumikinang ang mga mata nya na parang hinahangaan nya nga ito.
"Whatever, tara na sumabay kana sakin." Sabi ko sakanya, yes nalungkot ako kanina pero parang gumaan din loob ko sakanya. Ano ba to, diko din maintindihan sarili ko eh.
Nang makabalik kami sa upuan namin kanina at dumuretsyo nako sa upuan ko.
"Beh san ka galing?" Takang tanong sakin ni Eya kaya naman tinignan ko ito.
"Wala, nag hugas lang ng kamay saglit." Sabi ko sakanya at tumungo naman ito.
"Wait di mo na talaga uubusin to??" Dagdag na tanong nya pa at tinuro ang cake na binili kanina ni Nate para samin.
"Hmm, kainin ko nalang habang nandito tayo at nag kekwentuhan." Sabi ko sakanya at tumungo naman sya.
"Hi." Biglang singit ni Nicole, ay oo nga pala kasama ko sya.
"Sino sya?" Bulong na tanong sakin ni Eya, diko ito pinansin at tumingin kay Nicole.
"Ay, h-" Naputol ang sasabihin ko ng unahan ako ni Sean.
"Oh Nic bumalik kana pala??" Gulat na tanong nito kaya naman napunta sakanilang dalawa ang atensyon ko.
"Yup, kakabalik kolang and nag pa enroll na din agad ako dito sa school nyo." Sabi nya kala Sean, Dave and Zane habang may ngiti sa mga labi. She looks like an angel dahil dun.
"Ahhh, anong balak mo ngayon?" Tanong ulit ni Sean sakanya, at sa tingin ko ay nag isip naman si Nicole saglit bago sumagot.
"Well hangang grumaduate ako ay dito muna ako sa pinas mag iistay, pero i think pag katapos nun ay susunduin ulit ako ni dad papuntang Canada at dun ulit pag aaralin." Sabi nya at bakas ang lungkot sa boses nya dun sa dulong sinabi nya pero binawi din nya naman ito at ngumiti samin.
"By the way can i sit in?" Biglang tanong nya, ay oo nga pala wala syang upuan dito kasi sagto lang to para samin, ngunit dahil gentleman tong si Sean ay bigla itong tumayo at ibinigay sakanya ang kanyang upuan at kumaha ng bago.
"Upo kana." Sabi sakanya ni Sean at umupo naman ito. Tumingin ako kay Eya at nagulat ako ng nakatingin din ito saakin, hmm i think parihas kami ng iniisip about Sean and Nicole.
"Uhmm hi?" Biglang singit ni Nicole sa pag tititigan namin ni Eya.
"Uhm hello?" Bati din sakanya ni Eya at nag bigay na awkward na ngiti kay Nicole.
"Soo, can i join?" Biglang sabi ni Nicole na pinag taka ko, i mean saan eh nakaupo naman na sya sa upuan namin. I mean table pala, ano bayon, basta yun.
"Where?" Takang tanong din ni Eya sa kanya at ako naman ay nakatingin lang at nag tataka din.
"Uhmm whatever, nevermind." Sabi nya samin at ngumiti, actually dahil dun sa tanong nya ay biglang umawkward ang atmosphere dito...
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Stalker
Teen FictionGumagamit ka ba ng mga dump acc or rp? Nag kabf or gf kaba dun? Pano kung meron kang naging bf dun na.. na mahal na mahal ka.. pero.. pero hiniwalayan mo sya... Pano kung... Pano kung yung taong yun na hindi mo kilala.. hanapin ka... "This story is...