KIA'S POV
Natapos na ang klase pero hangang ngayon ay nacucurious pa din ako bat ganon makatanong yung isa. Like duhh ano ba pake nya? Plus pano nya nalaman eh pag kadating ko palang sa classroom ay mukhang matagal na silang nakaupo sa upuan nila.
Di ko na din kasi nasagot ang tanong nya dahil after nyang tanungin yun ay bigla nalang pumasok ang teacher namin at nag pa quiz, yup tama kayo ng narinig. Nag pa quizzzz sya sa second day of school. Ni wala pa nga kaming lesson pero nag pa quiz na agad? Wowww.
Lunch break na pala ngayon and nagugutom na ko kaya naman bumaba na ako at pumunta sa canteen. Buti nalang talaga at wala pa dito sila Dave kaya di masyadong crowded ang canteen. Pumila na ako at nang makabili ng rice at ulam ay umalis na din agad ako sa canteen, ayoko mag stay dito.
Pero kung minamalas ka nga naman, nang malapit nako sa pinto palabas ng canteen ay nakasalubong ko pa sila Zane.
Well di ko alam kung anong meron sakin ngayon pero parang gusto ko mag tago at wag magpakita sakanila, kaso nakakahiya naman yun if ever na mahuli nila ako no. Plus mukha akong tanga no, pero at the end ang ginawa ko nalang is nag lakad ng deritsyo at nilagpasan lang sila.
Nang medyo makalayo na ko sa canteen atsaka lang ako tumigil at binawi ang aking hininga. Di kasi ako humihinga kanina habang nag lalakad. Tinignan ko ang likod ko kung saan ako dumaan kanina at nakita kong nakatingin si Zane sakin, like what the fuckkk!!!
Binawi ko ang tingin ko ng makasalubong ko ang mga mata nya at nag simula na ulit mag lakad, diko na alam kung saan ba ko pupunta pero ang gusto ko na lang ngayon is makaalis.
'The hell, what's wrong with me. Di naman ako ganto ah? Pero bakit nag iba ngayon?? What the.'
Dumeretsyo lang ako sa pag lalakad at pumikit dahil sa inis, hiya, at kung ano anong nararamdaman ko. Ang weird koooo...
Napahinto na lang ulit ako ng may biglang humarang sa daan ko, or should i say na nabangga ko nanaman!
What a malas day...
"Ay sor-- ikaw nanaman??" Napahinto ako sa pag sosorry ng makita ko kung sino ang nabangga ko. Wait bat parang ako pa malakas ang loob na sigawan sya eh sya nga lagi kong nababangga.
"Ay sorry.." Pag hingi ko ng tawad at natawa naman sya.
"What a coincidence, kanina lang ay nabangga moko dahil nakatingin ka sa phone mo, ngayon naman dahil naka pikit ka? Haha." Sabi nya habang natatawa, well ang gwapo pa din po nya opo.
"Uhmm may iniisip lang, sorry na bangga nanaman kita." Sabi ko at ngumiti lang sya sakin.
"Uhh una nako." Sabi ko at nag lakad na ulit. Habang nag lalakad ay nararamdaman ko na pinag mamasdan nya ko, di ko na lang pinansin at nag patuloy na sa pag lalakad.
Dahil nga di ko alam kung saan ako pupunta ay nag lakad na lang ulit ako pa balik. Kaso nang pag lingon ko ay may nakita akong upuan at lamisa sa di kalayuan, di ko alam na meron pa lang ganto dito. Di ko din kasi masyadong kabisado tong school na to sa sobrang laki, basta alam ko lang kung saan ako pupunta.
Lumapit ako dun sa upuan na nakita ko at umupo, dito nalang siguro ako pepwesto hangang mag 3:30. Nilapag ko ang bag ko sa upuan at ang pag kain ko naman ay nasa mesa.
Nag start na kong kumain pero habnag kumakain ay naisipan kong buksan phone ko. Pag ka open ko palang ng data ay nagulat na ako sa sobrang daming chats, pero di dun na punta ang atensyon ko, kundi doon sa nag text sakin na unknown number.
From: 0918.......
- Don't talk to any other guys, I'm jealous...
...
Blank... Ayan ang laman ng utak ko ngayon...
Tulala ako at iniisip kung sino ba yun, pero nagulat na lang ulit ako ng may tumawag nanaman sakin na unknown number.
"Hello?" Tawag ko pero wala nanamang nag sasalita, ano ba to? Tinignan ko ang screen ko at ito yung number na tumawag din sakin kagabi at hindi nag salita.
Mag kaiba yung nag text kanina sa tumatawag sakin ah.
Pinatay ko na lang ang tawag kasi naiinis nako, ang lakas ng tama ng may ari ng number na yon. Nagulat nanaman ako ng nag vibrate ang phone ko, di dahil may tumatawag ah, dahil may nag text nanaman.
From: 0967.......
- Don't talk to any other guys.
Anong trip nila sa buhay?!?!?
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Stalker
Teen FictionGumagamit ka ba ng mga dump acc or rp? Nag kabf or gf kaba dun? Pano kung meron kang naging bf dun na.. na mahal na mahal ka.. pero.. pero hiniwalayan mo sya... Pano kung... Pano kung yung taong yun na hindi mo kilala.. hanapin ka... "This story is...