Chapter 5

49 0 0
                                    

KIA'S POV

"Okay class!!" Biglang sigaw ni Sir kaya nawala ako sa iniisip ko dahil sa gulat sa sigaw nya. "Ehemm* Ano okay na tayo??? Wala na kulang?? Wala ng papasok dit--" Naputol nanaman ang sasabihin ni Sir ng biglang may isa pang student ang pumasok sa classroom.

"Sorry sir late, naligaw po kasi ako eh." Sabi nung kakapasok lang na istudyante, i think new student lang din sya. Ngayon kolang sya nakita eh, ni hindi nga pamilyar yung mukha nya sakin.

"Haystttt, pasalamat kayo may mabait kayong teacher." Sabi ni Sir at lahat naman kami ay natawa sakanya. Mukhang di nadin sya natutuwa pero dahil tumawa kami ay natawa nadin sya.

''yeshhh ang swerte naman namin sa prof HAHAHHAHA.'' Biglang sigaw ng isa kong kaklase na mas lalong ikinangiti namin at ni sir.

"Of course, kaya wag nyo kong pag papalit saiba katulad ng ginawa nya ah??" Biglang sabi nya na ikinatawa naming lahat. Ako naman ay napailing nalang habang natatawa kasi bigla bigla nalang syang humuhugot sa kung saan about sa pag ibig.

"Hulaan ko broken ka sir no?" Natatawang tanong ko kay sir, pati ako nagulat ng tanungin ko yon dahil di naman ako yung type ng student na madaldal maliban nalang if close ko yung tao.

"Haha well past is past, tara na at mag start na tayo." Sabi ni sir saamin at tumingin dun sa kakapasok palang na student "Ikaw dun kana umupo sa likod nung babaeng yun." Sabi ni sir at tinuro ako, wow ang harst dun sa part na tinawag nya kong babae ah haha.

Nag lakad naman ng straight line yung new student papunta sa likod ko, and habang tinitignan ko sya ay parang napapansin ko yung awra nya.

Well I don't know pero may something, parang ang lakas kasi ng dating nya. Ewan basta, basta ang gwapo nyaaaa. Opo ang gwapo nya, ang lakas ng dating nya pero parang nerd naman sya. Yung hot na nerd? Nakasalamin sya and nakakatunaw yung presence nya katulad nung tatlo dito. Well ngayon apat na.

"Sana all nalang sakanila."

"Sana dun nalang tayo naupo behh."

"Shit nakakaingit, nag sama sama ang apat huhu."

"Kahit sobrang ilap ni Nathan sa mga tao sobrang gwapo nya padinnn."

"Much better nang umiiwas sa mga tao, para pag naging boyfriend ko sya, alam kong ako lang talaga."

"Asa ka b*tch."

Naririnig kong mga bulungan ng mga tao, kala ko ako lang nakakapansin ng kagwapuhan nung isa, sila din pala. Diko nalang pinansin yung iba pang mga nag bubulungan dahil nag salita na ulit si sir.

"Oh ano???" Tanong nya samin at feeling ko matatawa naulit ako haha.

"Wala na sir, ubos na upuan sa likod oh." Natatawang sabi ng isa kong classmate at tinuro pa ang likod.

"Oh buti naman, ano makakapag start naba ako??" Tanong nya ulit samin at nag si tunguhan naman kami.

"Yan!!! Buti naman, thank godddd!!" Sabi nya na ikinatawa naming lahat.
















Time travel...

Char time skip lang...













"Class dismiss!!" Sabi ng last prof namin, hayst buti naman lunch break na ulitt.

"Hayst." Buntong hininga ko at nilingon si Eya.

"Tara na." Sabi ko sakanya at tumayo na.

"Saan kayo pupunta?" Biglang tanong ng katabi ko, by the way di ko padin pala alam name nila, si Dave lang kilala ko.

"Ewan, kung saan trip namin bakit??" Takang tanong ko sakanya, well ewan ko bat ganto ako makipag usap sakanila samantalang halata namang mas mataas sila saakin.

"Haha wow." Bulong nya pero rinig ko padin. "Wala naman, just asking." Sabi nya at tumungo naman ako at lumingon ulit kay Eya.

"Tara na, may utang kapa sakin." Sabi ko sakanya at pinanliitan ulit sya ng mata.

"Hehe sowwie, tara na." Sabi nya at kinuha na ang bag nya.

"Alis na kami, bye." Paalam ko kala Dave at nag lakad na, sumunod naman sakin si Eya at nang makalabas na sa classroom ay bigla syang kumapit sakin.

"Kiaaaa." Tawag nya sa name ko habang nakapout.

"Ehh?? Anyari sayo??" Nag tatakang tanong ko sakanya.

"Hehe wala lang, good mood ako and alam mo kung bakit hehe." Sabi nya habang sobrang laki ng ngiti sa labi.

"Tsk, ano nga??" Tanong ko ulit.

"Punta muna tayo sa locker, may kukunin lang ako." Sabi nya at tumungo naman ako.

"Ayon lang pala eh, tara na check ko din locker ko kung okay pa haha." Sabi ko, 'yes meron kaming kanya kanyang locker sa school pero diko naman masyadong ginagamit kaya diko alam kung okay pa. Diko na nga din alam kung saan ba naka pwesto locker ko eh, tanungin ko nalang si Eya haha.

Nang makarating na kami kung saan dapat kami pupumunta ay nilibot ko na ang mga mata ko.

"Beh naaalala mopa saan yung locker ko?" Tanong ko kay Eya nung nalapitan na nya locker nya at tumingin sakin.

"Ito." Sabi nya sabay turo sa tabing locker nya.

"Ehh? Alam ko mag kahiwalay tayo ah??" Takang tanong ko sakanya.

"Well, syempre pinalipat ko hehe." Sabi nya at napailing nalang ako.

Binuksan ko yung locker gamit susi ko and nabuksan ko nga yun so it means na akin nga to, pag kabukas ko ay biglang may bumungad saking note na kulay pink at may stickers pa.

"Hoy ano to?" Tanong ko kay Eya at pinakita sakanya yung papel.

"Aba malay, pinalipat kolang mga gamit mo pero wala akong nilagay na kahit ano." Sabi nya sakin at biglang napatigil at tumingin saakin.

"Wait, may secret admirer ka???" Nanlalaking matang tanong nya sakin at mukhang sisigaw nanaman kaya pinigilan ko na...

My Boyfriend Is A StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon