KIA'S POV
"Omg behhhhhhhhhh!!!" Kinikilig na sigaw ni Eya kaya napatakip nako ng tenga, wala nako pake sa paligid basta ma protect kolang eardrum ko.
"Ano nanaman ba iniisip mo?? Sabi ko wala yun." Sabi ko sakanya, by the way nandito kami sa labas ng library. May mga upuan dito kaya dito nalang kami nag stay since bawal maingay sa loob and alam nyo naman tong kasama ko, sya lang naman ang pinaka maingay na tao sa buong mundo.
"Kinikilig talaga ako huhu, buksan mo na kasiiii." Sabi nya sakin, nacucurious ata kung ano nakalagay dun sa papel. Well wala akong balak buksan yun lalo na kung nandyan sya dahil alam kong makikichismis lang to.
"Hoy nababasa ko minsan iniisip mo, fake friend ka ah, dun ka sa far away wag mo ko kausapin hmp." Sabi nya at nag pout pa.
"Ehhh??" Ang nasabi ko nalang.
"Ayan nanaman si ehh oh." Sabi nya kaya natawa ako.
"Fine." Sabi ko at nag liwanag naman ang mga mata nya.
"Dalii." Excited na sabi nya.
"Pero bukas na, nakakatamad basahin ngayon eh." Sabi ko at nanlumo naman sya hahahha.
"Sama mo talaga." Sabi nya sakin at inukot ang mata. Aba nananaray pa haha.
"Tuloy mo muna kwento mo kanina." Sabi ko sakanya at mukhang naalala naman nya.
"Ay oo nga pala, saang part naba tayo dun??" Tanong nya sakin.
"Uhh, diko nadin maalala eh." Sabi ko at tinry i recall yung pinag usapan namin kanina.
"Ahh ayon, yung kinikilig na part ka." Sabi ko sakanya at tumungo tungo naman sya.
"Well alam mo naman na pero since dimo gets kanina sasabihin ko padin. So yung sinasabi ko kanina na kinikilig na part ako is yung dito na sila mag aaral. But sisssss omg huhu, i didn't expect na kaklase natin sila and not only that!! Seatmate pa natinnnnn!!" Kinikilig na sigaw nya habang naka pikit ang mga mata sa kilig.
"Hoy tigil na pinag titinginan na tayo oh." Natatawang sabi ko sakanya at hinawakan sya para pakalmahin.
"Oa mo talaga hahaha." Natatawang sabi ko sakanya pero nagegets ko naman sya, sino ba namang hindi kikiligin kung ganon yung mga seatmate mo no?
"Hi." Bigla akong nagulat ng may lalaking nag salita sa tabi ko. Tinignan ko sya and behh si Nathan huhu. Narinig ko kanina name nya kaya nalaman ko.
"Uhh hi?" Takang patanong na hi ko sakanya.
"H-hi?" Nag tataka ding sabi ni Eya kay Nathan.
"Ahh haha sorry bigla bigla nalang akong sumusuloot dito. My name is Nathan and i just wanna ask if can i seat with you guys?" Tanong nya samin.
"Ahh sure?" Sabi ni Eya at tumingin pa sakin para iconfirm, well nakakahiya namang tumanggi right?
"Uhh sure, pwedeng pwede." Sabi ko sabay ngiti. Apat kasi ang upuan dito sa inuupuan namin and dalawa lang ang nagagamit namin since dalawa nga lang kami ni Eya.
"Okay lang naman na tumanggi kayo if hindi kayo comfortable around me." Sabi nya, mukhang napapansin nya action namin ah haha.
"No, it's okay promise, we don't mind." Sabi ko at tumungo naman sya at umupo na. I think mag babasa sya ng book since may hawak syang tatlong libro.
Sinimulan na nya ang pag buklat ng libro and kaming dalawa naman ni Eya ay natahimik kasi di namin alam ang gagawin namin.
Kung mag chichismisan kami ngayon edi malalaman nitong isa pinag uusapan namin? Nakakahiya naman yun eh hindi nga namin to kilala. Buti kung sadyang random na tao lang to eh pero classmate namin? Tapos sikat din? No thanks.
"Uhh.." Awkward na pag sisimula ulit ni Eya.
"Ay oo nga pala, ano yung kinikwento mo??" Tanong ko sakanya at parang na black out yung utak nya hahah.
"Ewan, nakalimutan ko." Sabi nya sabay awkward na ngiti.
"Haha sige mag simula ulit tayo." Sabi ko habang nakangiti at nang matandaan ko kung ano nangyari kanina ay lumiit nanaman ang mga mata ko.
"Oh??? Anyari sayo?? Bat ganyan ka makatingin??" Sabi nya sakin habang nanlalaki pa ang mga mata at medyo umaatras, 'oa ah kala mo naman kakainin.
"Bakit hindi mo sinabi sakin kanina na lumipat pala tayo ng building ha?!? Nag kaligaw ligaw pako dahil sayo, updated ka naman ni hindi mo man lang sinabi sakin and ang mas malala pa nun iniwan mo pakooo." Nang gigigil na sabi ko sakanya at sya naman ay parang napaisip pa saglit at naalala yung nangyari kanina.
Ngumiti sya sakin at nag peace sign sabay sabing. "Sorry na beh, diko naman alam na dimo alam eh. Atsaka kasalanan mo din di ka nag oon ng mess mo, nag chat ako sayo pero di ko alam kung sineen mo." Sabi nya sakin sabay ngiti ulit kaya pinanliitan ko nalang ulit sya ng mata kasi may point naman sya.
Well nag oopen naman talaga ako ng messenger and facebook pero dun nga lang sa rp ko. Lagi akong online dun since lagi ko ding inaantay ang chat ni Zane pero ngayon wala na huhu.
"Uy anyari sayo??" Biglang tanong ni Eya kaya nagulat ako.
"Bakit?" Takang tanong ko at nakita ko ang mga mata nya na parang nag aalala. Ehh???
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Stalker
Teen FictionGumagamit ka ba ng mga dump acc or rp? Nag kabf or gf kaba dun? Pano kung meron kang naging bf dun na.. na mahal na mahal ka.. pero.. pero hiniwalayan mo sya... Pano kung... Pano kung yung taong yun na hindi mo kilala.. hanapin ka... "This story is...