Chapter 17

29 1 0
                                    

KIA'S POV

Kakauwe ko lang, by the way ako na pala ang nag drive ng kotse ni Eya dahil hangang makadating ako dito ay di pa din sya matigil sa pag wawala dahil dun sa nangyari kanina.

"Hi ma." Sabi ko ng maabutan ko si mama na nag luluto ng ulam. I think sinigang.

"Oh kakauwe mo lang pala, nagugutom ka ba? Gusto mo na kumain? Oh sya umupo kana dun at ipag hahain kita." Sunod sunod na tanong at sabi nya habang ako di naman nag sasalita, haha swerte ko naman.

"Di pa po ako gutom eh, mamaya na po ako kakain, dun muna ako sa kwarto ko." Sabi ko at umakyat na.

Nang makarating sa kwarto ay nahiga na ako, tumulala ako saglit tapos tinignan ang phone ko. Namimiss ko nanaman..

Kinuha ko ang phone ko and nag patugtog, kaso puro pang broken heart naman mga songs ko kaya pinatay ko nalang. Binuksan ko nalang yung FB ko and nag scroll kaso bat ganon? Puro sad post ah. Naiinis nako kasi bawat basa ko ay naaalala ko sya kaya naman inalis ko nalang yun and pumunta sa tiktok, baka dun masaya pa. Kaso bat ganon? Lahat nalang na aalala ko sya, yung mga times na lagi kami mag ka usap, yung mga times na nag lalaro kami... Bat ba ganto mga socmed ko, di naman ganto to dati to ah.

Binaba ko nalang ang phone ko dahil tinatamad na ko.. kaso makalupas ang ilang minuto ay na bored nanaman ako. Ayoko na ng ganito, kinuha ko ulit ang phone ko and binuksan ang wattpad. Nag basa nalang ako ng tahimik...

"Ate." Tawag sakin ni Mia, nakababatang kapatid ko. Lumapit sya saakin and biglang hinawakan ang mukha ko na ikinagulat ko.

"Ate bakit ka umiiyak?" Inosenteng tanong nya sakin kaya naman pinakiramdaman ko ang sarili ko and umiiyak nga ako.

"Ahh wala, dahil lang yan sa story na binabasa ko." Sabi ko and tinignan ang story. Sa masayang part na yon ng story and happy ending, pero bakit ako umiiyak?

"Hayst sige po, pero if may problema ka po sabihin mo sakin or kay mama ah. Nandito lang po kami, by the way handa napo pala yung pag kain sa baba. Sabi ni mama kain na daw po tayo para sama sama na." Sabi nya sakin at tumungo naman ako.

"Una kana, sunod si ate sayo." Sabi ko at tumungo naman sya at lumabas na ng kwarto ko at bumaba. Inayos ko ang sarili ko at nag hilamos ng mukha para di halata ang pamamaga ng ilong at mata ko. After that bumaba nako and nag start na kaming kumain.

After kumain nag suggest nako kay mama na ako nalang ang mag huhugas dahil wala naman akong ginagawa. After ko mahugasan ang plato ay nag pahinga lang ako saglit at umakyat na ulit, nag linis nako ng katawan ko and nag diretsyong tulog na...

2am ay bigla akong nagising, di ko alam bakit pero nagising ako. Nag try akong matulog ulit pero nabigo ako, umupo nalang ako at binuksan ang phone ko. Nakita ko na nag chat sakin si Eya, well yeah yung main acc ko na yung ginagamit ko ngayon.

Nakita ko na sobrang dami ng chat sakin ni Eya kaya nagulat ako, pinindot ko iyon at ayon. Puro spam lang naman pala ang babaita, di ko nalang pinansin ito at inoff na ulit ang phone.

''Wait i think may nakalimutan ako." Sabi ko at inalala kung ano yun, "ay oo nga pala yung letter." Sabi ko at kinuha yun sa bag ko.

Ang ganda ng balot nito and mukhang mamahalin din yung ginamit na papel. Like yung tipong papel na di mo lang mahahanap sa national bookstore. Binuksan ko ito at kinuha ang letter, grabe ang ganda, parang ang hirap buksan o madumihan kasi mang hihinayang ka talaga.

Tinignan ko ang sulat and handwriting ito at cursive din. Parang babae ang nag sulat kung titignan mo pero if titignan mo ng maayos ay parang lalaki.

"Hi Kia my love, i like you since you were just 12 years old and until now wala pa ding nag babago dun. I tried to ignore my feelings for you kaso laging bumabalik yun... Right now di ko alam kung pano ba talaga mag coconfess sayo kaya nag sulat nalang ako ng letter at nilagay yun sa locker mo. I just hope na makita mo to kasi alam ko din naman na di mo madalas na pinupuntahan ang locker mo. I still don't want you to know my name for now but i promise, sasabihin ko din sayo if nag karoon na ko ng courage para aminin ang nararamdaman ko sa harapan mo. Right now I'm just watching you from afar, please don't be scared, i know na nakakatakot tong ginagawa ko but wala akong magagawa kasi naduduwag ako. I just want to tell you na i really like you... no, i think i love you and i  know that one day you can finally be mine."

                                                         -♥︎L♥︎M♥︎

My Boyfriend Is A StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon