YESHA'S POV
"Grabe namang quiz yan, monday na monday nag ququiz tapos 30 items pa huhu. Di man lang tayo pinag review nor nag sabi man lang sila na merong quiz." Naiiyak na sabi ko, pano ba naman naka 11 out of 30 ako dahil di ako naka pag review, plus yung mga tanong pa ni sir ang hihirap. Mga nag advance reading lang ata makakasagot nun eh.
"Haha okay lang yan, first time makakuha ng 15 pababa na score hahha." Sabi ni Kia at natawa dahil kahit sya bagsak.
By the way lunch break na pala and papunta na kami sa building ni Mia para sunduin sya, well lunch na rin kasi nila and balak namin ni Kia na isabay sya saamin.
Nagulat ako ng biglang tumigil si Kia kaya naman na patigil din ako. "Layo ng building ng kapatid ko, baka gusto mo mauna ka na sa canteen para di na tayo mag aantay mamaya. Order ka na din." Sabi nya sakin at nag isip isip naman ako and mukhang magandang idea nga yun.
"Sige, antayin ko na lang kayo." Sabi ko kanya at nag separate na kami ng landas, char daan lang.
Habang nag lalakad ay nagulat ako nang may biglang mang hatak sakin papunta sa likod ng building.
"Hoy ano ba!!!" Sigaw ko, malakas ang boses ko kaya naman alam ko na narinig ako ng ibang tao, pero kamalas malasan nakalimutan ko na bibihira lang pala dumaan ang mga tao dito. Bat dito ko ba kasi naisipang dumaan huhu.
"Hey stop, I'm sorry okay??" Sabi ni-- edi sino pa ba edi yung magaling nyong Dave.
"??? Bakit ka naman nang hahatak aber?!?!?" Nakataas ang kilay na sigaw ko sakanya at napatakip naman sya bahagya ng tenga. Pake ko kung mabingi sya, ilang araw nya ko pinaiyak pero ngayon kaya ko na no.
"Hayst, i just want to talk to you. Lagi mo kasi ako iniiwasan, i just want to ask why?" Tanong nya sakin at napaisip naman ako ng isasagot, ayaw kong sabihin yung totoo kasi nakakahiya. Plus anong karapatan ko mag selos???
"Wala, di naman kita iniiwasan ah?" Pag kukunwari ko at napabuntong hininga naman sya.
"Hayst, if nag ooverthink ka kung ano yung nang yare nung night nayon..." Sabi nya at tumigil, ang ibig nyang sabihin dun sa 'night nayon' is yung ano, basta alam nyo na yon. "Hayst, wala nang yare satin, I'm just drunk that day and nainitan ako kaya ayon, pero promise alam ko na wala." Sabi nya at mukhang nag sasabi naman sya ng totoo.
"Hmm okay." Ang nasabi ko na lang kaya naman napatingin sya sakin na parang di makapaniwala.
"Okay? Ayon lang???" Takang tanong nya sakin na pinag taka ko din.
"Bakit? May iba ka pa bang reaction na gusto mong makita?" Tanong ko sakanya at umiling naman sya.
"Ano.." Panimula nya at tinaasan ko naman sya ng kilay. "So ayon ba yung reason kung bakit mo ko iniiwasan, o may iba pa?" Tanong nya ulit sakin.
"Ahh wala naman, di naman kita iniiwasan eh." Pag sisinungaling ko. "Plus bakit ba concern kapa dun? Eh alam ko may gf kana ah?" Sabi ko, tinutukoy ko yung babaeng kahalikan nya nung nasa party kami.
"Huh? Gf? Wala ako nun haha." Pag tanggi nya.
"Eh sino yung babaeng kahalikan mo nung nasa party ka nung wednesday??" Nakataas ang kilay na tanong ko, naalala ko tuloy yung babaeng yun. Sya yung nakabunggo kay Kia nung nakaraan, and sya din yung kahalikan ni Dave nung wednesday kaya gigil na gigil ako sakanya. Kakagg.
"Ahh you mean Sam?" Tanong nya sakin at nag salubong naman ang kilay ko.
"Malay ko ba sa name nun, basta yun." Sabi ko sakanya at alam ko na halata ang inis sa boses ko.
"Ahh haha, well... Wala akong sapat na rason para eexplain yon but again, i know that i am wrong but I'm drunk that time too." Sabi nya at napatungo na lang ako, wala ayoko na sakanya ang red flag. It's a big NO.
"Ahh sige na, pwede na bang umalis? Inaantay na ako nila Kia eh." Sabi ko sakanya at napatingin naman sya sakin.
"Ay oo nga pala, don't worry di pa na kakagalaw yun ngayon." Sabi nya sakin na ipinag taka ko.
"What do you mean?" Mag kasalubong ang kilay na tanong ko sakanya at napakamot naman sya ng ulo.
"Ahh wala, sige na una nako, byeee." Sabi nya at nauna nang umalis, anong trip nya?
Nag simula na din akong mag lakad at pumunta na sa canteen na parang walang nang yare at nag order... Ang bagal ni Kia ah...
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Stalker
Teen FictionGumagamit ka ba ng mga dump acc or rp? Nag kabf or gf kaba dun? Pano kung meron kang naging bf dun na.. na mahal na mahal ka.. pero.. pero hiniwalayan mo sya... Pano kung... Pano kung yung taong yun na hindi mo kilala.. hanapin ka... "This story is...