Chapter 12

34 0 0
                                    

KIA'S POV

"Wala gagala lang sa labas, mag lalakad." Sabi ko at binalik ang tingin kay Eya at tinaasan ito ng kilay.

"Ano?" Tanong ko ulit dahil hindi ito nag sasalita.

"Tara, may ikekwento din ako." Sabi nya sakin at tumayo na. Tumayo na din ako at tinignan silang lahat.

"Alis na kami, babye." Sabi ko at kinuha na ang bag, pero bago pa man ako makatalikod ay naalala ko si Nate. "Ay Nate alis na kami ah." Paalam ko dito at ngumiti naman ito at tumungo. "Thank you sa treat babye." Last na sabi ko at nag lakad na kami ni Eya paalis.

Bago paman makalabas ay nakita ko na mag kaharap si Nicole and Zane at nag uusap pero diko nalang pinansin at nag patuloy na. Diko nga din alam bat ko pa pinansin yun eh.

"Hey." Panimula ni Eya at napalingon naman ako dito.

"Wow hey??? Himala, di ako sanay ah. Nahawa ka na ba kala Dave??" Sabi ko dito at natawa, namula naman sya at naningkit ang mata ng marinig ang pangalan ng crush nya.

"Epal ka." Sabi nya sabay irap, natawa naman ako dito at nag salita na ulit.

"Ay beh ano pala yung ikekwento mo??" Tanong ko dito at nag isip naman sya.

"Well actually, wala talaga ako kekwento." Sabi nya sabay ngiti sakin, habang ako naman ay tinignan sya ng masama habang naka busangot.

"Eh bat sabi mo may kekwento ka??" Tanong ko naman sakanya at natawa lang sya.

"Wala lang, wala ako ikekwento pero may tatanong ako." Sabi nya sakin kaya naman na curious ako.

"Ano yun?" Tanong ko dito at inantay ang tanong nya dahil nag isip pa sya.

"Ano..." Pabitin na sabi nya.

"Pusit ka beh, wag ka pabitin kung gusto mong ikaw ibitin ko." Sabi ko dito at natawa naman sya.

"Wait lang kasi, iniisip kopa if tatanong ko ba or wag na?" Tanong nya sa sarili nya at mukhang nakikipag debate pa si oa.

"Tanong mo na, sinabihan mo na ko na may itatanong ka eh, so itanong mo na." Sabi ko sakanya at tumungo naman sya.

"Hmm okay, bakit di ka lagi on sa fb mo? Like bakit di ka active eh lagi naman kitang nakikita na nag phophone minsan." Sabi nya pero imbis na sagutin yun ay iba ang naisip ko.

"Lagi pero minsan??" Tanong ko dito at napatunganga naman sya. Natawa ako sa reaksyon nya, ang sarap picturan hahha.

"Bwesit ka beh, sagutin mo nalang, ano nga?" Tanong nya ulit at nag isip pako if sasabihin ko ba or no. Pero syempre dahil bestfriend ko sya and ayaw ko naman mag sinungaling sakanya ay sinabi ko na.

"Well actually meron akong RP acc." Sabi ko sakanya and nanlaki naman ang mata nya at di makapaniwala.

"Ay weh?? Bakit di mo sinabi?? Sana inadd kita! Baliw ka talaga, meron din ako eh." Sabi nya sakin at mukhang nag tatampo kasi ngayon kolang sinabi. Nakasimanggot nya akong tinignan pero bigla iyong napalitan ng pag aalala.

'Ano nanaman?' tanong ko sa isip ko, 'Don't tell me natulo nanaman luha ko?' sabi ko ulit sa isip ko and kinapa ang mukha, and yes di ako nag kakamali.

"Beh, sabihin mo nga, may problema kaba?" Nag aalalang tanong sakin ni Eya. Di ako sumagot sakanya at tumingin sa baba, tumigil nadin kasi kami sa pag lalakad.

Ayoko na mag salita, ayokong sabihin na wala kasi sure akong di sya maniniwala. Dalawang beses nato, well dalawang beses nya kong nakitang tumutulo ang luha. Pero nung nasa bahay ako ay buong magdamag akong naiyak, ewan ko ba. Ang sakit eh, di ko alam bakit pero online lang naman yun diba? Bakit ako nasasaktan ng ganito, o oa lang talaga ako?

"Beh." Tawag ulit sakin ni Eya at nilapitan ako, niyakap nya ako at hinawakan ang buhok ko. "If you have a problem just tell me, kaibigan mo ako right? Bestfriend mo ako, and i promise na lagi akong nandito pag may problema ka. Pero right now if ayaw mo talagang sabihin then okay lang, pero if ready kana or need mo ng masasandalan, nandito lang ako. I promise di ako mawawala and lagi akong nandito para sayo." Sabi nya saakin and those words makes my heart warm, dahil sa sinabi nya lalo akong naiyak.

"Thank you.." Ang nasabi ko nalang at pinunasan na ang mga luha. Tinignan ko sya at nag salita.

"Duon tayo sa tahimik and walang masyadong tao, mag open up ako." Sabi ko at tinignan nya naman ako at napa nguso ako ng bigla syang matawa. Alam kona bakit sya natatawa, namumula nanaman ilong ko.

"Bwesit ka talaga, wag mokong tawanan." Sabi ko at nauna nang mag lakad, buti talaga walang masyadong tao dito sa hall dahil lahat sila nag papahinga na...

My Boyfriend Is A StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon