KIA'S POV
Lumipas na ang araw at Friday na din sa wakas, lumipat pala ako ng upuan ko sa bandang gilid para mapalayo kala Zane and Nathan, and buti na lang sumunod si Eya sakin at hindi sumunod si Dave kay Eya.
By the way after kong matanggap ang mga text na yon dun sa LM ay hindi na ulit ako pumunta sa locker. And hindi ko na din binuksan yung nakita kong letter nung Tuesday kundi tinapon ko na.
After kong gawin yun ay nag tetext and call pa din sya sakin kaya no choice ako kundi i block sya, kaso after a few hours ay may nag tetext nanaman sakin and alam na kung sino yun. Nag palit na lang ako ng number pero di ko alam anong nang yayari kasi nalaman nya pa din??
Then yung isang number pa na 0918 ay nag tetext din sakin, i thought nung una iisang tao lang ang nag hahawak nung mga number na yon pero nag kakamali ako, mag kaiba sila. Ang alam ko lang ay yung isa ay yung LM, pero yung isa ay hindi ko na kilala, at wala akong clue kung sino man sya.
But isa lang ang nakikita kong pag kakapariha nila, parihas silang alam kung anong ginagawa ko...
Break na ngayon and kasama ko si Eyang kumakain dito sa labas ng library kung saan lagi kaming tumatambay. Buti na lang talaga at hindi na madalas lumapit samin sila Dave, na syang pinag tataka ko.
"Eya." Tawag ko dito at tumingin naman sya sakin, nanonood pala sya sa phone nya habang kumakain.
"Ano yun?" Sabi nya habang may laman pa ang bibig.
"Wag ka nga mag salita ng may laman ang bibig." Sabi ko dito at tumungo naman sya at nilunun ang kinakain.
"Panong di mag sasalita eh tinatawag mo ko." Sabi nya ng malunon na nya lahat ng nasa bibig nya at uminom ng tubig.
"Edi meow, oh by the way napapansin ko lang na this past few days ay di na lumalapit sila Dave satin, anong nang yari?" Tanong ko, ginawa ko na lang satin ang word na ginamit ko dahil baka kiligin nanaman to o ano.
"Ewan." Sabi nya at bumalik ang tingin sa pinapanood nya.. hmm.. somethings off... Char.
Di ko na lang ulit sya pinansin at nag patuloy na lang sa pag kain... Habang kumakain ay bigla nya kong tinawag.
"Kia." Tawag nya sakin at nilingon ko naman sya.
"Bakit?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Yung letter." Sabi nya at natawa naman ako, nung Wednesday kasi nung pumasok sya ay di nya na naaalala yung letter. Di ko na pinaalala kasi ayoko na pag usapan pa yon
"Anong meron sa letter?" Parang walang alam na tanong ko at pinanliitan nya naman ako ng mata.
"Anong nakalagay dun sa letter na nakuha mo sa locker mo?" Tanong nya sakin at nag panggap naman ako na inaalala ko.
"Wala lang, love letter? Nag confess kasi sya sakin eh." Sabi ko at tumungo naman sya. "Bakit?" Tanong ko, di ko alam bakit tinanong ko pa pero tinanong ko pa din.
"Wala, nakareceived din kasi ako, look oh." Sabi nya sakin at may binigay na box. Kinuha ko iyon at tinignan.
"Ano to?" Tanong ko habang tinitignan ang box.
"Ewan, nang binuksan ko ang locker ko ay nakalagay na yan dun, tapos may note na ibigay ko daw sayo. Then na alala ko yung secret admirer mo na nag iiwan ng letter sa locker mo." Sabi nya habang na nunukso pa ang mga tingin.
"Maya ko na buksan, baka makichismis ka nanaman eh." Sabi ko at natawa sa naging reaksyon nya ng mag pout sya.
"Whatever bala ka dyan." Sabi nya at umirap sabay balik ng tingin sa pinapanood nya.
Tinignan ko muna ang box na ibinigay nya sakin tsaka nilagay yun sa bag ko. I know na yung LM ang nag bigay nito, pero ge tatanggapin ko muna sa ngayon dahil alam ni Eya na binigay nya sakin to.
After a few minutes ay nagulat na lang ako ng may biglang lalaki ang tumigil sa harapan namin. Tiningala ko ito dahil matanggad ito at sya yung lagi kong na babangga nung nakaraan.
"Uy Liammmmm!!" Magiliw na tawag ni Eya dito, wait what? Liam???
"Hi Eya." Nakangiting bati nya sa kaibigan ko, what the? Mag ka kilala sila? Bakit di ko alam??
Sabay naman silang tumingin sakin habang ako at naguguluhan pa din.
"Hoy teh?" Takang tawag sakin ni Eya, pati ako nag tataka eh.
"Ano? Bakit?" Tanong ko at natawa naman yung Liam sakin.
"Di mo na ba kilala si Liam???" Takang tanong ni Eya na lalong pinag taka ko.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Sya yung kaibigan natin datiiii."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Stalker
Teen FictionGumagamit ka ba ng mga dump acc or rp? Nag kabf or gf kaba dun? Pano kung meron kang naging bf dun na.. na mahal na mahal ka.. pero.. pero hiniwalayan mo sya... Pano kung... Pano kung yung taong yun na hindi mo kilala.. hanapin ka... "This story is...