Chapter 37

8 1 1
                                    

KIA'S POV

Di ko pa din tapos ang kinakain ko ng mapansin na nakatingin sakin si Liam kaya naman tingnan ko din sya.

"May problema ba?" Tanong ko sakanya at ngumiti lang sya at umiling.

Babalik ko na sana ang tingin ko sa kinakain ko ng bigla syang nag salita. "Wala naman, ikaw ba? May problema ka?" Tanong nya sakin, 'oo meron, pero ayokong mag open sa kakakilala ko palang naman... Ewan, di kasi agad ako nag titiwala basta basta.'

Umiling lang ako kasabay ng pag peke nya ng tawa. "Haha, i know you have a problem. Pero okay lang naman na hindi mo sabihin sakin, basta pag need mo ng makakausap, nandito lang ako." Sabi nya sakin at tumungo naman ako at nag simula na ulit kumain.

"Masarap ba?" Tanong ni Liam at tumungo naman ako. Masarap naman kasi talaga, mukhang professional chef ang gumawa.

"Buti naman nagustuhan mo." Sabi ni Liam kaya nilingon ko sya at nakita kong nakangiti sya.

"Sino nag luto nito?" Tanong ko sakanya na kinalaki lalo ng ngiti nya, mukha syang bata, ang cute.. na gwapo.

"Ako." Proud na sabi nya sakin habang nakangiti, at dahil din sa ngiti nyang yun ay natawa ako.

"Ay?? Pinag tatawanan mo ko? Di ka ba naniniwala na ako ang gumawa nyan?" Kunyaweng malungkot na sabi nya.

Tumawa naman ako ng onti sabay sabing. "Naniniwala naman ako, kaso nadadala ako sa ngiti mo." Nakangiti na ding sabi ko.

"Ahhh, so i should smile more para mapangiti din kita?" Sabi nya sabay tagilig ng ulo nya at pinag masdan ang mukha ko.

Nailang naman ako sa titig nya kaya napaubo ako ng onti, at nagulat na lang ako ng bigla syang mag panick.

"Ay hala, tubiggg!" Nag papanick na sabi nya at kinalkal ang bag nya atsaka nyq nakita ang tubig na hinahanap nya.

"Oh, inom ka muna." Sabi nya sabay abot ng bottle water. "Tsk, dahan dahan lang kasi." Sabi nya at pinainom ako, well di ko kasi tinanggap kanina kaya sya na nag painom.

"Okay na, thank you." Sabi ko, ano ba yan, mukha na tuloy akong may sakit ngayon dahil sa ginagawa nya.

"Kumain ka na nga lang dyan." Sabi nya sakin at pinag masdan na lang sa paligid. Umuulan pa din, at sobrang lakas. Mukhang di kami makakaalis dito ah haha.

Kumain na ulit ako hangang mabusog ako, di ko naubos yung binigay nya sakin actually...

"Ako na mag uuwe nitong lunch box, ako na mag huhugas since ako naman kumain. Thank you ah." Sabi ko kay Liam at nilagay na sa bag yung lunch box.

"No problem, sayo na yang lunch box. Madami ako sa bahay kaya lang naman na mabawasan ng isa." Sabi nya sabay ngiti, nag kasalubong ang mga mata namin and hindi ko alam kung pano. Ang alam ko lang ay nilingon ko sya at sobrang lalim ng titig nya sakin.

Ano ba tong feelings nato? Hindi ko alam pero di ko maalis ang titig mo sakanya... Makalipas ang ilang minuto ay pasalamat ako dahil nakayanan kong i baling sa iba ang tingin ko.

"I like you." Biglang sabi ni Liam na nag pa laki ng mga mata ko. Nilingon ko sya habang ako nandito at nanlalaki ang mata sa gulat, pag ka confuse at kung ano ano pang emosyon.

"Huh?" Ang nasabi ko na lang, seryoso syang naka tingin sakin at paranh matutunaw na ko sa titig nya.

"You heard me, i like you." Sabi nya habang ako ay shock pa din, "Hayst, nagustuhan na kita since first day pa lang... Well i actually have a feelings for you since bata pa tayo pero.. kala ko nawala na yon pero ako ito ngayon... Nag coconfess ng feelings ko para sayo." Sabi nya at tumingin sa mga kamay nya saglit at tinignan ulit ako

"Okay lang naman na ireject mo ko or something. Di ko nga din alam kung bakit ba ako nag confess ngayon sayo ngayon pero i guess na dala lang haha." Sabi nya sabay iwas ng tingin.

Di ko alam ang sasabihin ko or kung ano ba ang gagawin ko.... Kanina lang ay si Zane ang nag tatanong kung pwede nya ba ko ligawan, ngayon naman ay si Liam? Ay hindi, i mean nag confess lang naman sya ng feelings nya para sakin.

"Uhh.." Di ko alam ang sasabihin ko kaya ayan ang lumabas sa bibig ko.

Tinignan nya ko at natawa. "Haha okay lang kung for now on iiwasan mo na ko, naiintindihan ko naman. Sorry nag confess ako, nadala lang ako ng damdamin ko that's why sinabi ko sayo." Paliwanag nya at ngumiti ng matamis.

"Sorry..." Ang sabi ko at tumingin naman sya sakin sabay ngiti.

"Haha okay lang, don't worry di kita guguluhin." Sabi nya at tumingin na lang ulit sa paligid. "Pwede bang request?" Biglang tanong nya sakin at tumungo nmana ako.

"Pwede bang kalimutan mo na lang na umamin ako ngayong araw na to?" Sabi nya at tutungo na sana ako ng pigilan nya ako. "Ay wag na pala haha." Sabi nya at bumuntong hininga.

Naging weird ang atmosphere sa pagitan namin kaya naman pinag masdan na lang namin ang mga ulan na bumabagsak galing sa taas...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend Is A StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon