Kabanata 2

17 5 0
                                    

"DITO KA LANG HA, huwag kang aalis sa upuan mo. Mamaya lang tatawagin na 'ko, kailangan kong umakyat sa stage." Mahigpit kong habilin kay Raf.

"Opo, ate CC." Masigla niyang tugon.

"Let's call our top student of the year, the Valedictorian of Susana Elementary School for 2004, Czarina Cassandra Alfonso Madrigal." Buong pagmamalaking pagtawag sa akin ng punong-guro.

Agad akong pinangiliran ng mga luha nang marinig ko ang malakas na hiyawan at palakpakan ng lahat ng mga guro, magulang, at kapwa ko mga estudyante. Pumatak ang aking mga luha nang makita ko ang aking kapatid na buong lakas na pumapalakpak, habang nakatayo sa ibabaw ng kanyang upuan.

Nang makarating ako sa taas ng entablado'y agad akong binulungan ng aking teacher, kung bakit hindi ko kasama ang aking Lola sa pag-akyat. Subalit nagbaba lamang ako ng paningin na agad naman niyang naintindihan. Tinawag nya ang aking kapatid at inakay paakyat sa taas ng stage, kapagkuwa'y ibinigay nya kay Raf ang tatlong medalya upang isabit iyon sa aking leeg. Yumukod ako nang mas mababa upang maabot ako ni Raf. Niyakap ako ng aking guro at nagpahiwatig na humarap ako sa camera, sapagkat kukuhanan daw kami ng litrato. Binuhat ko si Raf, at binulungan ko itong ngumiti. Masayang ngumiti si Raf, sapagkat ito ang unang-beses na magkakaroon kami ng isang larawan na magkasama.

"Ladies and Gentlemen, it is with great pride and honor that we introduce the top student of the year, the Valedictorian of Susana Elementary School for 2004. This exceptional student has demonstrated remarkable dedication, hard work, and academic excellence. Let's listen together to the speech of our Valedictorian." Malakas na pag-anunsyo ng aking guro.

Ibinaba ko si Raf sa entablado at inutusang bumalik sa kanyang upuan, na agad naman nitong sinunod.

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa puwesto, kung saan ako dapat na tumayo at ihayag ang aking sasabihin. "Ladies and Gentlemen, before we proceed, I would like to take a moment to thank our dedicated teachers who have guided and inspired us throughout the year. A special thank you to my brother, whose unwavering support and encouragement have given me the strength to keep going and to continue dreaming. Your belief in me has made all the difference." Kabado kong panimula.

"Maraming salamat sa aking mahal na mga guro, na gumabay sa akin sa anim na taon na narito ako sa paaralang ito. Sa aking mga kaklase, na araw-araw bumibili ng aking mga paninda para ako'y matulungan. Walang hanggang pasasalamat sa inyong lahat, dahil kayo ang nagbibigay lakas sa akin sa tuwing ako'y pinanghihinaan ng loob. Salamat sa mga taong nagmalasakit—mairaos ko lamang ang anim na taong pag-aaral sa elementarya. Habang-buhay kong tatanawin na utang na loob ito sa inyo, sapagkat kayo ang nagbukas ng pintuan upang makakita ako ng liwanag. At sa aking mahal na kapatid, Rafael, inaalay ko sa'yo ang mga medalyang ito, mahal na mahal ka ng ate." Luhaan kong tinapos ang aking speech, habang umuugong sa aking pandinig ang malakas na palakpakan.

Muntik na akong mapahagulhol, ngunit natigilan ako nang makita ko ang lahat na napapaluhang pumapalakpak. Umiiyak akong sinalubong ni Raf sa ibaba ng entablado. Binuhat ko sya at inupo sa kanyang upuan.

"Mahal na mahal din po kita, ate." Humihikbi niyang sambit.

Hinalikan ko ito sa noo at niyakap ng mahigpit. "Bakit nakikiiyak ka rin?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"E... kasi po umiiyak rin silang lahat e." Luhaan niyang tugon. Pinahiran ko ang kanyang mga luha at kinalong sya.

Masaya kaming magkahawak-kamay ni Raf, habang kami'y papauwi. Ngunit ang kasiyahang iyo'y agad na napalitan ng kaba, nang papalapit na kami sa aming kubo. Malayo palang ay naririnig na namin ang malakas na boses ng aming Lola, na tila galit na galit. Habang naglalakad papalapit sa bahay ay ikinubli ko sa aking likuran si Raf.

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon