NANG SUMUNOD NA ARAW, binilisan ko ang paghahanda upang hindi naman mainip sa paghihintay si Felix. Nabalot ng mga samo't-saring katanungan ang aking isipan nang makita kong kinakausap ni Reid si Felix. Nakikita ko sa mga mukha nila ang matinding pagkadismaya sa mga salitang ibinabato nila sa isa't-isa. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang namumulang mukha ni Reid, indikasyong matindi ang galit nya sa kaharap.
Napahinto ako sa paglapit sa kanila nang marinig ko ang basag na boses ni Reid. "Ang sabi ko sa'yo, bantayan mo. Hindi ko sinabing pormahan mo!" Singhal nya kay Felix.
"Sorry talaga, Reid. Hindi ko naman ginustong mahalin at magustuhan si Czarina. Kusa ko lang din 'yong naramdaman." Napapahiyang pahayag ni Felix.
"Of all people... bakit ikaw pa? Kaibigan kita Felix, at hindi lang basta kaibigan—dahil itinuring na kitang pangalawang kapatid." Kumawala sa bibig ni Reid ang pekeng pagtawa, atsaka muling bumaling sa kausap. "Nang bumalik ako sa america, alam kong hindi ako makakauwi agad—kaya ipinagkatiwala ko sa'yo ang nag-iisang babaeng mahal ko." Pinutol ni Reid ang kaniyang sinasabi, kapagkuwa'y saglit siyang tumingin sa langit bago ibinalik ang paningin kay Felix. "Kaya pala wala kang masabi sa tuwing nagtatanong ako kung bakit hindi nya sinasagot ang mga sulat ko, 'yon pala may ginagawa kana—behind my back." Gigil niyang dugtong.
"Kaya nga paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa'yo." Mahinang saad ni Felix.
"Saan mo dinala ang mga sulat ko sa kanya?" Nakakuyom na kamaong tanong ni Reid.
Natutop ko ang aking bibig sa labis na pagkabigla nang marinig iyon.
"Patawarin mo 'ko, Reid." Pahina nang pahina ang boses ni Felix, na tila ba namamaos ito.
"Alam mong hindi ko puwedeng i-direkta ang sulat na 'yon kay Czarina, dahil alam nating pareho na haharangin lang 'yon ni Mommy. Ang hindi ko alam ikaw lang pala ang haharang." Hindi makapaniwalang wika ni Reid.
"Patawarin mo 'ko kung minahal ko rin ang babaeng mahal mo. Maniwala ka man o hindi, sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko... pero natalo ako."
"E... 'yong pagkakaibigan natin? Anong halaga no'n sa'yo?" Mapait na tanong ni Reid, na ikinabagsak naman nang balikat ni Felix. "Binigay ko ang buong tiwala ko sa'yo, tapos ta-traydurin mo lang pala ako. Para akong nag-alaga ng ahas na tutuklaw sa akin." Mabigat niyang dagdag.
Pumihit si Reid, upang talikuran ang kausap. Subalit ikinagulat nya nang makita akong nakatayo sa kanyang daraanan. Tila ba nakakita sila nang multo.
Bago pa ako makapagsalita'y nahulog na sa aking mga mata ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "A-anong ibig sabihin ng mga narinig ko?"
"Czarina... let me explain." Garalgal na tinig ni Felix.
"Explain what? Na pinaglaruan nyo 'ko? Na ginawa nyo 'kong tanga?!" Hindi ko napigilan ang magtaas ng boses.
"H-hindi sa gano'n," sabad ni Reid.
Tinapunan ko nang nag-aapoy na tingin si Reid. "Eh... ano? Bakit kailangan mo pa 'kong pabantayan? Bakit? Para ano?" Sunod-sunod kong tanong.
"Dahil bata lang ako noon, at hindi ko pinag-iisipan ng maigi ang mga bagay na gagawin ko. Masakit mang isipin, pero wala akong kayang gawin noon nang mag-isa." Paliwanag ni Reid.
Bumuga ako nang marahas na hininga. "Kung gano'n, bakit hindi nyo inamin agad na magkakilala pala kayo? At magkaibigan pa?"
"Dahil natakot akong mawala ka sa'kin." Si Felix ang sumagot.
"No'ng nagdesisyon kang magsinungaling sa'kin, para mo na ring sinira ang tiwala ko sa'yo." Mariin kong saad, kapagkuwa'y pinahid ko ang aking mga luha at mabilis na tumalikod sa kanila.
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...