KINABUKASAN AY SABIK akong makita si Reid, sapagkat gusto kong ikuwento sa kanya ang nobelang isinusulat ko. Simula nang dumating siya'y araw-araw na akong nakakapagsulat, kunti nalang ay matatapos ko na iyon. Ganito pala ang pakiramdam kapag motivated at mayroong inspirasyon, bumibilis ang lahat.
"O... nasa'n ang saklay mo?" Bungad nya sa akin. Agad nya akong inalalayan papasok sa loob ng kotse.
"Okay na 'ko, hindi na masakit ang paa ko."
Umupo sya at inayos ang seatbelt sa aking katawan. "Sigurado ka? Wala nang masakit sa'yo?" May pag-aalala niyang tono.
Tumango ako, "oo."
Banayad nya akong hinalikan sa noo, atsaka bumaba iyon sa aking labi. "I love you," bigkas nya.
"I love you too," mahina kong tugon.
Umayos sya nang upo at nagsimulang magmaneho.
Sa loob nang maraming taon, ngayon lang ako kumuha nang pahinga. Salamat sa matalik kong kaibigan na si Melissa at sa kapatid kong si Raf, dahil kusang-loob silang nagpresenta para magbantay sa Hacienda, nang sa gayo'y mabigyan ko naman nang oras ang aking sarili. Sa matagal na paninilbihan ko sa Hacienda, ngayon lang ako pumayag magday-off.
Masigla akong bumaling kay Reid, habang abala naman ang mga mata nito sa paligid. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Ngumiti sya. "Relax ka lang diyan, malapit na tayo."
Ilang-sandali pa'y inihinto nya ang sasakyan. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at nagmamadali akong bumaba ng kotse. Lumuwa ang mga mata ko habang iginagala ang aking paningin. Ang buong paligid ay napapalibutan ng hitik sa bulaklak na sunflower. Sa ganda at tingkad ng kulay nito'y tila nagiging ginto ang aking paningin. Pakiramdam ko'y nasa loob ako nang isang paraiso. Ang mga bulaklak ay umiindayog sa simoy ng hangin. Ang mga nakahilerang sunflower ay nakaunat patungo sa langit, ang kanilang matingkad na dilaw na talulot ay nakababad sa init ng araw. Ang bawat bulaklak ay nakatayong matangkad at mapagmataas, may matibay na berdeng tangkay na nakasuporta sa malaki't masayang mukha ng bulaklak—na umaasa sa liwanag.
Pigil ang mga luha kong nilingon si Reid, na nakangiting nakamasid sa akin. "Paanong?" Hindi ko naituloy ang pagsasalita dahil mabilis siyang nakalapit sa akin.
"Nagustuhan mo ba?" Nakapamulsang tanong nya.
"Oo... gustong-gusto." Naluluha kong sagot.
"Alam mo bang ganito ang nakikita ko, sa tuwing nagsusulat ako." Emosyonal kong pahayag.
"I'm glad na itinuloy mo ang pagsusulat."
"Mula nang dumating ka, nagkaro'n ako nang lakas para ituloy ang kuwentong nasimulan ko." Nahulog ang butil ng luha sa aking mga mata.
Inilang hakbang nya ang pagitan namin at pinahiran ang basa kong pisngi. "Don't cry... alam mo naman ayukong nakikita kang umiiyak, nasasaktan ako."
Iniyapos ko ang aking mga braso sa kanyang baywang, atsaka ko sya tiningala. "Thank you," garalgal kong tinig.
Mahigpit nya akong niyakap, kapagkuwa'y kumalas at hinawakan ang aking kamay. Magkahawak-kamay kaming naglakad sa gitna ng malulusog na sunflower. Maingat na hinahawi ng mga daliri ko ang talulot ng mga bulaklak. Huminto kami sa ilalim nang malaki at mayabong na punong acacia. Napapikit ako nang maamoy ko ang matamis at sariwang amoy ng mga bulaklak nito. Sinalo ng aking palad ang bulaklak na nahulog mula sa puno. Pakiramdam ko'y nasa ibang lugar o bansa ako, sapagkat tila nahuhulog na niyebe ang mga puting bulaklak ng acacia na tinatangay ng hangin.
"Parang gusto ko na rito tumira," pabiro kong wika.
"Tingnan mo 'yon." Sinundan ko ang daliri niyang nakaturo sa malawak na lupaing napapaligiran ng mga dilaw na bulaklak. "Diyan ko itatayo ang palasyo natin," aniya.
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...