SA TULONG NI Doña Martha, nahanap namin kung saan nakalagak ang katawan ni nanay. Ipinakolekta namin iyon at itinabi sa himlayan ni tatay.
"Nay... sorry po kung nagalit ako sa'yo—na hindi ko man lang inalam ang dahilan kung bakit hindi mo na kami binalikan." Nang mapahikbi ako'y hinagod ni Raf ang aking likod. "Sisiguraduhin ko pong mabibigyan kayo ni Tatay ng hustisya. Hindi ako titigil sa pag-apela hangga't hindi nabibigyan nang habang buhay na parusa si Señora Olivia." Dagdag ko habang hinahaplos ang kaniyang lapida.
Pinahiran ko ang aking mukha nang magsalita si Raf. "Nay, ito na po ako uh. Ang laki-laki ko na po 'di ba? Huwag po kayong mag-alala diyan ni Tatay, ako na po ang bahala kay Ate. Bukas pupunta na po kami sa america. Kinakabahan nga po ako e, kasi hindi pa po ako nakakasakay sa eroplano." Napapangiting aniya. Maging ako'y napangiti na rin.
"Raf! Czarina!" Humahangos na ani Melissa. Sabay namin itong nilingon ni Raf. "Tumawag si Nanay, dumating daw ngayon sa mansion ang sulat galing sa korte. Naaprubahan ang apela mo. Nakuha natin ang hustisya." Naluluha niyang pag-anunsyo.
Naiyak ako sa magandang balitang iyon. Si Raf nama'y napayakap sa akin sa sobrang tuwa.
"Nay, Tay, narinig nyo po ba 'yon? Nakuha na po natin ang hustisya, makukulong na po nang habang buhay si Señora Olivia." Masiglang baling ni Raf sa harap ng lapida nang aming mga magulang.
Tumakbo si Melissa palapit sa amin at nakisali na rin sa yakapan naming magkapatid.
******
3 YEARS LATER
Nakatapos ako sa kursong Veterinary, habang patuloy na nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Kahit nakalbo na ako dahil sa chemotherapy—masaya pa rin ako, sapagkat tumagal pa nang tatlong-taon ang buhay ko. Natupad ang pangarap kong makapagtapos nang pag-aaral habang itinutuloy ang hilig ko sa pagsusulat. Hindi man ako sigurado kung makikita o mahahawakan ko pa ang sarili kong libro—nakakasiguro naman akong kahit mawala ako sa mundong ito'y magiging panatag ang aking loob, dahil alam kong lumalaki si Raf na isang responsableng tao. Ang dating batang Raf na laging nakadikit sa akin ay mayroon na rin sariling mundo, at mabuting mga kaibigang nakapaligid sa kanya.
Kunti nalang ay malapit nang matapos ang nobelang isinusulat ko. Sa binabasa kong mga nobela'y laging happy ending ang kanilang katapusan, subalit naiiba ang sa akin. Wala man sa tabi ko ang aking prince charming, mayro'n naman akong mapagmahal na kapatid at kaibigan na hindi ako sinusukuan. Nais kong ipabatid sa lahat ng makakabasa nang aking akda, na ang pag-ibig ay hindi lamang para sa dalawang taong nagbabahagi ng matamis na alaala, kundi para rin sa mga taong kayang tiisin ang sakit na magkasama.
"Ate!" Napalingon ako nang marinig ko ang malalim na boses ng nagbibinata kong kapatid. "Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap ni Ate Melissa. Akala ko kung saan kana naman nakarating, tatawag na sana kami nang pulis." Habol ang hiningang aniya.
Itiniklop ko ang laptop na nakapatong sa aking mga binti. "Halika nga rito," anyaya ko sa kanya na umupo sa aking tabi. Agad naman siyang lumapit. "Noon, ako ang hindi mapakali kapag nawawala ka sa paningin ko." Masaya kong inalala ang nakaraan.
Nanulis ang nguso nya. "Akala ko kasi naligaw kana naman," reklamo nya.
"Raf," tawag pansin ko't agad naman nya akong nilingon. "Salamat sa lahat-lahat," sambit ko.
Umusog siya't inakbayan ako. "Ang Ate ko talaga, nagda-drama na naman."
"Hindi ako nagda-drama, seryoso ako."
"Kung mayro'n man dapat magpasalamat sa ating dalawa, ako 'yon." Hindi patalong rason nya
"Gusto ko lang 'yon sabihin sa'yo bago ako umalis."
"Ate! Stop!" Ang masaya niyang mukha'y biglang dumilim.
"Raf... nararamdaman kong hindi na 'ko magtatagal. Ayuko mang umalis at iwan ka, hindi ako ang makakapagdesisyon sa bagay na 'yon." Mahaba kong paliwanag.
"A-ate," garalgal niyang tinig. "Ayuko, hindi pa 'ko handa." Nanunubig na mga mata niyang pahayag.
"Aalis ako, pero hindi ang espirito ko. Lagi kitang babantayan at mananatili ako sa tabi mo hanggang sa maging handa ka."
"Nanakot ka pa talaga."
Hindi ko napigilang matawa. Labing tatlong taong gulang na ito'y takot pa rin sa usaping multo.
"Kapag nami-miss mo naman ako, tumingala ka lang—magpapakita ako sa'yo."
"Ate naman e..." kunot-noo niyang pigil sa mga sinasabi ko.
"Kapag may nang-api sa'yo, isang tawag mo lang—ako na bahala." Natatawa kong pagpapatuloy.
"Tara na nga, umuwi na tayo. Gumawa ng banana shake si Ate Melissa, baka tunaw na 'yon." Pang-iiba nya sa usapan, kapagkuwa'y tumayo at dahan-dahan akong inalalayan pabalik sa aking wheelchair.
Pumikit ako habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Tunay na napakasarap ng tagsibol, sapagkat ito ang panahon ng pag-renew at muling pagsilang, kung saan ang kalikasan ay gumising mula sa pagkakatulog nito sa taglamig. Habang humahaba at umiinit ang araw, ang mga tanawin sa buong paligid ay namumulaklak ng makulay. Napakagandang pagmasdan ang umuusbong na berdeng dahon ng mga puno. Ang mapang-akit na mga bulaklak tulad ng daffodils, tulips, at cherry blossom ay malusog na namumukadkad. Ang kulay rosas na paligid ay nagbibigay ng pag-asa't kagalakan, kung saan ang mundo'y nakadarama ng kaginhawahan—na nag-aanyaya sa lahat na lumabas para magpainit at salubungin ang muling pagkabuhay ng kalikasan.
Sa pagmulat nang aking mga mata'y nakikita ko si Reid, nakalahad ang kamay at inaanyayahan akong samahan sya sa buhay na walang hanggan.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...