PAGKATAPOS KONG UMIYAK ay gumaan ang aking pakiramdam. Nakakagaan pala ng kalooban ang pag-iyak ng malakas, bagay na iniiwasan kong gawin dahil ayukong nakikita ako ni Raf na umiiyak. Kapag kasi umiiyak ako ay mas malakas pa ang iyak nya sa akin, ayukong nakikita siyang nasasaktan at umiiyak.
"Are you okay now?" Pigil ang ngiting tanong ni Reid.
Gamit ang aking kamay ay pinunas ko ang aking mga luha, at tumango. "Salamat," sambit ko.
"For what?" Walang-ideya niyang tanong.
"Dahil sa painting mo gumaan ang pakiramdam ko." Nangingiti kong sinabi.
"Really? E... dahil nga diyan para kang bakang umiiyak." Natatawang aniya.
"Gano'n ba 'ko kapangit umiyak?" Sumisinghot-singhot ko pang tanong.
"No, I mean, Um... nevermind."
"Tatapusin ko na ang pagwawalis." Wika ko't kinuha ang walis na nakasandal sa puno.
Inipon ko ang mga tuyong-dahon at sinigaan, dahil iyon ang bilin sa akin ni Manang Anita—upang maitaboy daw ang mga lamok. Tuwing hapon ay iyon ang bagay na hindi ko raw dapat makalimutan, sapagkat iyon ang kabilin-bilinan ng Doña. Habang abala ako'y panay naman ang pagsulyap ko kay Reid, na noo'y inaayos na ang mga kagamitang pangpinta. Natigilan ako nang matanaw ko ang magandang babae na patakbong paparating.
"Reid!" Palahaw nito habang nagmamadaling makalapit. "Sabi ko na nga ba, uuwi ka eh." Masiglang anito.
Awtomatiko akong naglihis ng paningin, nang makita kong yakapin nya si Reid at halikan sa labi. Dali-dali kong tinapos ang aking ginagawa para makaalis. Pinagpag ko ang walis at mabilis na pumihit patalikod.
"Czarina," tawag sa akin ni Reid.
"P-po? May kailangan po ba kayo?" Nakangiti kong baling sa kanila.
Patagilid akong tiningnan ng babae. "Ipagtimpla mo kami ng malamig na maiinom," taas-kilay nitong utos sa akin.
"Opo," nakayuko kong sambit.
"Umuwi ka sa inyo, do'n ka magpatimpla ng maiinom." Sabad ni Reid na tila galit. "Czarina, tulungan mo 'kong bitbitin 'tong mga gamit ko, sabay na tayong pumasok sa loob." Baling nya sa akin.
Dali-dali kong kinuha ang mga paintbrush na nakalagay sa iisang lagayan, habang si Reid naman ay binitbit ang kuwadro na kaniyang ipininta.
"Reid, nagpunta ako rito para sa'yo—tapos babaliwalain mo lang ako?" Nadidismayang anang babae habang nakasunod sa amin.
Huminto si Reid at hinarap ito. "Umuwi kana, Charlotte. Hindi kita kailangan dito." Deretsong tinuran ni Reid, na ikinangilid ng luha ng kaniyang kaharap.
"Hanggang kailan mo ba 'ko tatanggihan?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Charlotte.
"Hanggang kailan ko rin ba ipapaintindi—na parang kapatid lang ang tingin ko sa'yo, huh?" Tugon naman ni Reid.
Bigla'y nakaramdam ako ng pagkailang sa kanilang pag-uusap, kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad.
"Czarina, hintayin mo sabi ako!" Napabuntong-hininga ako't natigilan sa malakas na boses ni Reid.
Bakit ba sya nagpapahintay? E... kaya naman niyang pumasok sa mansion ng mag-isa.
Inilang-hakbang ni Reid ang aking kinatatayuan. "Bakit ba nagmamadali ka, huh?" Kunot-noong tanong nya.
"E... kasi—" Hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin, sapagkat bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinila.
"Reid!" Habol sa amin ni Charlotte.
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...