Kabanata 12

27 6 0
                                    

NANG SUMUNOD NA ARAW ay naghanda ako, simula kasi ngayong araw ay sa Hacienda na ako magtatrabaho. Naging mas masaya ako dahil pumayag si Doña Martha, na makasama ko si Raf doon—basta huwag ko lang daw pababayaan ang aking mga gawain.

"Ready na kayo?" Nakangiting bungad sa amin ni Reid.

"Opo," masiglang sagot naman ni Raf.

Pinababa ko ang aking sarili upang magpantay kami ni Raf. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat. "Raf, pagdating natin do'n huwag ka masyadong malikot ha. Magiging busy ako sa trabaho, kaya hindi kita masyadong matitingnan. Gusto kong mangako ka sa'kin na hindi ka lalayo sa paningin ko." Malumanay kong pagkausap sa kanya.

"Opo, ate CC... pangako." Mabilis niyang sagot.

Nakangiti ko siyang hinaplos sa ulo, "very good."

Isinakay ko si Raf sa nakahanda nang sasakyan, kapagkuwa'y nilingon ko si Reid. "Puwede bang sa tabi nalang ni Raf ako umupo?" Nahihiya kong mungkahi.

"Um... you will set next to me." Humaba ang nguso ko sa sagot niyang iyon. "Ayaw mo ba 'kong katabi?" Tanong nya.

"Ate, kay kuya Reid kana tumabi. Maboboring sya mag-drive kapag wala siyang katabi." Pagsabad ni Raf na aking ikinagulat.

"Oo, tama sya. Mabuti pa ang bata marunong makaintindi." Pagsang-ayon naman ni Reid.

Kunot-noo akong bumaling kay Raf. "Saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?"

"Nabasa ko po doon sa comics," naniningkit na mga mata niyang pagngiti.

Nasapo ko ang aking noo at napapailing habang pinagmamasdan ang nagpapa-cute kong kapatid. Umikot ako sa unahan ng kotse at umupo sa tabi ni Reid. Agad kong ikinabit ang seatbelt sa aking katawan, habang si Reid naman ay nagsimulang patakbuhin ang sasakyan.

******

Nang makarating sa Hacienda ay sinimulan ko agad ang mga dapat kong gawin. Pagkatapos kong paliguan ang mga kabayo ay pinakain ko naman ang mga ito. Sa dami ng mga kabayong dapat kong asikasuhin ay lubos itong nakakapagod kumpara sa mga gawain ko sa mansion. Ngunit hindi ko iniinda ang pagod, sapagkat nag-e-enjoy ako sa aking ginagawa. At isa pa ay katuwang ko si Reid sa ngayon.

Sinilip ko si Raf, na noo'y abala sa pakikipaglaro sa bago niyang mga kaibigan. Iyon ang mga batang dinala ni Reid sa mansion upang makalaro nya. Masaya akong nakikita siyang nakikipaglaro at tumatawa. Kahit paano'y natupad ang isang bagay na gusto kong mangyari, ang magkaroon ng masayang kabataan si Raf.

"Magpahinga na muna tayo, mamaya lang lunch time na." Suhestiyon ni Reid. Tumango ako't sumunod sa kanya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, nang mabunggo ang aking noo sa likod ni Reid, bigla kasi itong tumigil. "Okay ka lang?" Tanong nya habang sinisilip ang aking mukha.

"Oo, ba—" hindi ko naituloy ang aking sasabihin, nang makita ko mula sa aming harapan ang isang Ginoo.

"What are you doing here?" Malamyang tanong ni Reid sa kaharap.

"Galing ako sa mansion, nandito ka raw."

"That's not my question." Napatitig ako kay Reid, sapagkat biglang nag-iba ang tono ng kaniyang pananalita. Tila ba mayroon siyang itinatagong galit sa kausap.

"Syempre gusto kitang makita, anak." Nananabik na sambit ng Ginoo.

Bahagya kong ikinagulat ang aking narinig.

Sya pala ang tatay ni Reid, pero bakit gano'n? Sa tono nang kaniyang pananalita'y pawang hindi nya laging nakikita ang anak? At simula nang dumating si Reid at Señora Olivia, ay hindi ko sya nakikita sa mansion.

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon