NAGULANTANG ANG TAHIMIK NA GABI dahil sa malakas na boses ni Señora Olivia, kinakalampag nito ang pintuan nang aming quarter. Naguguluhan ko itong pinagbuksan, ngunit isang malakas na sampal ang sumalubong sa aking mukha. Halos mabingi ako sa lakas nang pagkakasampal nya sa akin.
"How dare you seduce my son! Anong gayuma ang ginamit mo, para umatras si Reid sa kasal nila ni Charlotte!" Malakas na palahaw ng Señora.
"H-hindi ko po alam ang s-sinasabi nyo," pigil na mga luha kong pahayag.
"Gold digger! Hampaslupa! Malandi!" Bulyaw nya mismo sa aking mukha.
Awtomatiko akong napapikit, nang muli niyang iangat ang kaniyang kamay at inambaan ako nang sampal. Hinintay kong dumapo ang mabigat nitong kamay sa aking mukha, ngunit hindi iyon nangyari.
"Momma, stop!" Tinig ni Reid.
Nang imulat ko ang aking mga mata'y nakita kong mahigpit na hawak ni Reid ang pulsuhan ng ina.
"Sinusuway mo na 'ko ngayon, dahil sa babaeng 'yan!" Nanggagalaiting baling ng Señora sa anak.
"Momma... you know from the very beginning, na hindi ko gusto si Charlotte. Sinubukan ko namang sundin ang gusto mo, pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang mahalin ang babaeng gusto mo para sa'kin." Matapang na sagot ni Reid.
Nakakuyom ang mga palad na tinapunan ako nang nag-aapoy na tingin ni Señora Olivia. "I will make sure na gagawin kong impyerno ang bawat araw mo rito sa mansion." Pinagkadiin-diinan nya ang mga salitang iyon, atsaka mabilis na umalis.
Naiipon sa sulok ng aking mga mata ang pinipigil kong mga luha. Bumagsak lamang iyon, nang yakapin ako ni Reid. Impit akong umiyak at isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko, upang pigilan ang malakas na paghikbi.
"In a world where I standalone, I will protect you at all costs." Malamyos na tinig ni Reid, na lalong nagpabuhos nang malakas sa aking mga luha. "I'm so sorry... I promise, hindi na mauulit 'to. Hindi ko hahayaang may manakit, o makapanakit pa sa'yo." Dugtong nya.
******
Mugto ang mga matang dumating ako sa Hacienda, mabuti nalang at abala ang lahat—kaya hindi nila gaanong napapansin ang namumula kong mukha.
"Ate..." Agaw-pansin na tinig ni Raf. Nakangiti ko siyang nilingon. Nagmartsa ito papalapit sa akin, "nandito ka lang pala." Malungkot niyang dagdag.
"Bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ko. "Halika... maupo ka rito," anyaya ko sa kanya. Gamit ang aking kamay ay pinagpagan ko ang bakanteng puwesto nang kinauupuan kong gawa sa kawayan.
Umupo sya sa aking tabi, at inilabas ang isang bagay na kanina pa nya ikinukubli sa kanyang likuran. Napangiwi ako nang ilapat nya ang ice pack sa aking mukha. "Tiisin mo lang po, maganda raw 'to sa balat."
Tumingala ako upang pigilan ang nagbabadya kong mga luha. Hindi man nya nakita ang mga pangyayari kanina, alam kong may alam sya sa ginawa sa akin ni Señora Olivia. Hinaplos ko sya sa ulo, "salamat..." tipid kong sambit. Kinuha ko sa kamay nya ang ice pack, kapagkuwa'y iminasahe iyon sa namumula kong pisngi.
"Ate, sorry... hindi kita naipagtanggol kanina."
Napatitig ako kay Raf, masakit man ang aking mukha'y hindi ko maiwasang mapangiti. Parang kailan lang ay binubuhat ko pa sya, ngayon ay hindi ko na iyon kayang gawin—dahil malapit na nga nya akong matangkaran. Sampung-taon palang ito'y kitang-kita na sa kanyang pangangatawan ang mataas na postura.
"Huwag ka pong mag-alala, simula ngayon... hindi na po ako papayag na saktan ka ulit ni Señora Olivia. Mula ngayon, ako naman po ang magtatanggol sa'yo." Masigasig niyang tinuran.
Lihim akong natawa kaya nayakap ko nalang sya bigla. Sinuklian nya rin ako nang mahigpit na yakap.
"Tara mangabayo tayo," mungkahi ko.
"Talaga po? Isasakay mo po ulit ako sa kabayo?" Masigla at nagniningning niyang mga mata sa tuwa.
"Oo... tara na." Tumayo ako't nagmartsa patungo sa kuwadra ni Midnight, habang napapalundag naman sa saya si Raf—na nakasunod sa aking likuran.
Habang lumalaki ay nakakahiligan na rin ni Raf ang pagsakay sa kabayo. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkahalina, tuwing pinapanood ang mga kliyenteng nag-aaral mangabayo. Sa murang-edad ay kaya niyang pasunurin at paamuhin ang mga kabayo. Sa pamamagitan lamang nang pagmamasid ay pinag-aaralan nya na pala iyon sa kanyang isip, kung kaya't mabilis niyang nakukuha ang mga itinuturo ko sa kanya. Hindi ko sya nakikitaan nang takot, o kaba man lang sa tuwing isinasampa ko sya sa kabayo. Masyado siyang kalmado, kaya panatag din ang loob ng mga kabayo sa kanya. Si Midnight ang paborito niyang kabayo, dahil suwabe itong tumakbo at laging kalmado. Naikuwento sa akin ni Manong Oscar, na anak daw si Midnight nang kabayong pag-aari nang anak ni Doña Martha—na si Señor Emer. Namatay daw si Noir, ang inang-kabayo ni Midnight dahil na rin sa katandaan.
******
Matapos naming mag horseback riding ni Raf, ay nakatulog ito sa aking opisina—habang nagpipinta. Habang tumatagal ay nakikitaan ko ito nang pagkahilig sa pagguhit. Huminga ako nang malalim, atsaka binuhat ito pahiga sa maliit na foldingbed—na aking higaan tuwing nagpapahinga. Kinuha ko ang manipis na kumot at itinakip iyon sa kalahati niyang katawan. Inikot ko ang electricfan paharap sa kanya upang hindi ito pagpawisan.
Kinuha ko ang papel at pinagmasdan kung ano ang iginuhit nya roon. Napapangiti akong umupo sa swivel chair, at masayang pinagmasdan ang larawang iginuhit ni Raf, habang iniikot-ikot ang aking kinauupuan. Habang lumilipas ang mga araw ay paganda nang paganda ang kaniyang mga iginuguhit. Kinuha ko sa drawer ang walang laman na picture frame at gunting. Ginupit ko ang sobrang bahagi nang papel, upang magkasya iyon sa kuwadrong parihaba. Itinayo ko ang kuwadro sa tabi nang computer, dahil gusto kong lagi iyong mahahagip nang aking paningin. Ipinapaalala sa akin ng larawang iyon kung gaano ko kamahal ang Hacienda.
Araw-araw akong napapahanga ni Raf, sa paraan nya nang pagguhit. Hindi ko sukat-akalain na maipipinta nang isang sampung-taong gulang na bata ang Hacienda—nang detalyado, makulay, at punong-puno ng kahulugan. Makikita sa larawang iyon ang matingkad na luntiang burol at malalawak na bukirin. Ang malawak na Hacienda ay naglalabas ng walang hanggang kagandahan at rustikong alindog. Ang pangunahing bahay, isang engrandeng adobe na istraktura—na may mga pulang baldosadong bubong at puting-puti na mga dingding. Buong pagmamalaking nakatayo iyon sa gitna ng ari-arian. Ang malawak na verandas nito na pinalamutian ng makulay na bougainvillea ay tinatanaw ang magandang hardin, na puno ng makulay na mga bulaklak at luntiang halaman. Sa kabila ng hardin, ang malawak na pastulan ay makikita sa ilalim ng mainit at ginintuang sinag ng araw sa hapon. Isang banayad na simoy ng hangin ang humahampas sa matataas na damo, dala ang matamis na amoy ng namumulaklak na jasmine at ang malayong tunog ng mga cicadas.
Sa isa sa mga pastulan, isang kahanga-hangang itim na kabayo na kumikinang na parang makintab na onyx, ay nakatayo nang maganda. Nakasakay sa likod nito ang isang batang lalaki, ang kanyang mga mata'y nanlalaki sa pananabik at kasiyahan. Nakaupo sa likuran nya ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae, hawak ang renda ng kabayo habang maingat na nakaalalay sa kanya. Ang kanyang presensya ay nakaaaliw at nakakapanatag, ang kanyang mahabang buhok ay malayang umaagos sa hangin—habang sila ay gumagalaw nang magkasama sa perpektong pagkakatugma sa kabayo.
Sa paligid nila, ang tanawin ay natatakpan ng mga sinaunang puno ng oak at nagpapastol ng mga baka—na nakadaragdag sa kaakit-akit na katahimikan ng tanawin. Ang malayong mga bundok ay nakabalangkas sa abot-tanaw, ang kanilang mga taluktok ay hinahalikan ng malambot na kulay ng papalubog na araw.
Habang sila ay nakasakay, ang ugnayan sa pagitan ng magkapatid at ng kanilang matapat na kabayo ay lalong tumitibay. Bawat sandali na magkasama ay bumubuo ng mga hindi malilimutang alaala. Ang Hacienda na may masaganang kasaysayan at nakamamanghang kagandahan ay tumatayo bilang isang tahimik na saksi sa kanilang pinagsasaluhang pakikipagsapalaran, at walang hanggang pagmamahal bilang isang pamilya.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...