Kabanata 10

25 6 0
                                    

"SAAN KA NANGGALING? At bakit kasama mo ang katulong na 'yan?" Taklesang bungad sa amin ni Señora Olivia, ang nanay ni Reid.

Imbis na sagutin ang tanong ng ina ay lumingon ito sa akin. "Gawin mo na ang mga gagawin mo. Salamat sa pagsama sa'kin mamasyal."

"O-opo," nakayuko kong tugon.

Pipihit na sana ako nang magsalita si Señora Olivia. "Walang tatalikod kapag hindi pa ako tapos magsalita." Matalim na tingin nito sa akin.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at nanatiling nakayuko.

"Ano bang gusto mong marinig, Momma?" Tila nawawalan nang pasensyang baling ni Reid sa kanyang ina.

Tumataas ang tensyon sa pagitan ng kanilang pag-uusap. Pakiramdam ko'y naiipit ako sa masikip na dingding sa pagitan nilang mag-ina.

"Huwag mo 'kong kinakausap ng ganyan, Reid!" Nagsisimula nang magtaas ng boses ang Señora.

"Matagal na tayong ganito mag-usap, Momma—what's new?"

Huminga ako ng malalim, pakiramdam ko'y kinakapos ako ng hininga habang pinapakinggan ang maanghang na sagot ni Reid sa sarili niyang ina. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang relasyon nilang mag-ina.

"Ikaw na hampaslupa ka, tigil-tigilan mo ang pagsama sa anak ko, naiintindihan mo?!" Bulyaw sa akin ni Señora Olivia.

"Momma! Hindi ako papayag na pagsalitaan mo ng ganyan si Czarina sa harapan ko, or even behind my back." Mariing sabad ni Reid.

"Nagagalit ka sa'kin dahil sa babaeng 'yan?" Hindi makapaniwalang anang Señora.

"Hindi porque kasambahay lang sya rito ay puwede mo na siyang maliitin ng ganyan." Patuloy na pagsagot ni Reid.

Pekeng natawa ang Señora, at nag-aapoy ang mga matang tumingin sa akin. "Huwag mong ambisyunin na mapabilang sa pamilya namin, dahil hindi mangyayari 'yon. Over my dead body!"

"Momma, stop it." Panunuway ni Reid sa kanyang ina.

"Akala mo ba, hindi ko alam na kinukuha mo ang loob ng Mam-ma. Para ano? Gold digger!" Tila umuusok ang ilong nito sa galit.

"H-hindi po t-totoo 'yan," naiiyak kong pagkakaila.

"Kahit itago mo diyan sa maganda mong mukha ang mabaho mong ugali, aalingasaw ka pa rin dahil isa ka lang basahan. At ang basahan tinatapak-tapakan lang."

"Momma! I said, stop it!" Mataas na tinig ni Reid.

Mabilis na nahulog sa aking mga mata ang mga luhang hindi ko kayang pigilan. Pinagsaklop ko ang aking mga palad, upang pakalmahin ang nagpupuyos kong damdamin. Sumasakit ang aking lalamunan sa matinding pagpipigil na huwag mapahagulhol sa kanilang harapan.

"Anong kaguluhan ito?" Nagmamadali kong tinuyo ang naliligo kong mukha sa luha, nang marinig ko ang boses ni Doña Martha.

"Mam-ma..." bigla'y naging malumanay ang tinig ni Señora Olivia, nang makita ang Doña.

"Hanggang sa taas ay abot ang palengkera mong bunganga." Tila galit na sambit ng Doña.

"Mam-ma, pati ba naman ikaw kakampi sa katulong na 'to?" Nagsisimula na namang magtaas ng boses ang Señora.

"I do not allow or tolerate unacceptable behavior inside my household, kahit ikaw na anak ko. Huwag mong dalhin ang ugaling mayro'n ka sa america, dahil nasa loob ka ng aking pamamahay." Istrikto at punong-puno ng awtoridad na anang Doña. "Masanay ka nang makita siyang kasa-kasama ng anak mo, dahil si Czarina ang naatasan kong mamahala sa Hacienda Madrigal." Pahayag ng Doña na ikinagulat naman ng isa.

Lalong nag-alab ang galit ng Señora sa kaniyang narinig. "Mam-ma! Alam mong matagal ko nang gusto i-manage ang Hacienda na 'yon, tapos... sa isang katulong mo lang ipagkakatiwala?"

"Ang mga negosyo natin sa america ang asikasuhin mo." Kalmadong tugon ng Doña. "Czarina, bumalik kana sa gawain mo." Nag-uutos na tinig ng Doña.

Yumukod muna ako, atsaka nagmadaling umalis sa kanilang harapan.

"Anong nangyari?" Lukot na mukhang tanong ni Melissa, nang makita niyang pinapahiran ko ang aking mga mata. "Nakita nyo ba si Señora Olivia? Kanina pa nya hinahanap si Señorito Reid, wala naman kaming maisagot." Matulis na ngusong dagdag nya.

"Oo," garalgal kong sagot.

"Umiiyak ka ba?" Pang-uusisa nya.

"Hindi," tanggi ko. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya, sapagkat ayukong makita nya ang nanunubig kong mga mata.

"Pinagalitan ka ba?" Muli niyang tanong.

"Okay lang, may karapatan naman siyang magalit. Atsaka hindi naman kasi talaga dapat ako sumasama kay Señorito Reid." Mabigat man sa aking loob na sabihin iyon ay agad ko rin namang natanggap ang katotohanan.

"Ate, pinagalitan ka po ng bruha?" Sabad ni Raf.

"Ssshhh..." tinakpan ko ang bunganga ni Raf, nang makita kong gusto pa niyang dugtungan ang kaniyang sinabi. "Ano bang sinasabi mo? Sinong bruha?" Pabulong kong tanong.

"Sabi po kasi ni ate Melissa, bruha daw po 'yong nanay ni kuya Reid." Deretso niyang sagot.

Hinawakan ni Manang Anita sa tainga si Melissa, at piningot ito. "Ikaw talaga kung anu-ano ang tinuturo mo sa bata."

"Aray po, Nay... totoo naman po eh." Napapangiwing reklamo ni Melissa.

"Huwag mo nang sasabihin 'yon ulit ha? Masama 'yon, atsaka hindi mo dapat tinatawag nang gano'n ang mga amo natin?" Paliwanag ko kay Raf.

"Opo, hindi na po mauulit." Sinsero niyang sagot.

"Narinig mo 'yon, ha?" Muling pingot ni Manang Anita sa kanyang anak.

"Opo, Nay... bitiwan nyo na po ang tainga ko. Sige kayo, mababawasan ang ganda ng anak nyo kapag natanggal 'tong kaakit-akit kong tainga." Pabirong hirit pa ni Melissa.

"Puro ka talaga kalokohan." Siring ni Manang Anita sa anak bago ito binitiwan. "Raf, huwag kang nakikinig dito sa ate Melissa mo, walang maidudulot na mabuti sa'yo ang mga sinasabi nito." Baling naman ni Manang Anita sa aking kapatid.

"Ouch! Grabe ka naman, Nay. Tagos sa atay balun-balunan ko 'yon ah." Nanunulis na nguso ni Melissa.

"Tumahimik ka diyan," lingon ni Manang Anita sa nagmamaktol na anak.

Sabay kaming natawa ni Raf, habang pinapanood mag-asaran ang mag-ina.

TO BE CONTINUED... 

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon