NANG MAKAUWI SI FELIX, ay naging mas abala ako sa pagsagot sa mga inquiries at reservations. Halos hindi ako makatayo sa aking puwesto sa dami nang natatanggap kong mga tawag tuwing linggo.
Natigilan ako sa aking ginagawa, nang mamataan ko si Reid na nakaidlip na pala sa katabi kong upuan. Dahan-dahan kong inilapag ang telepono, upang hindi makagawa nang ingay. Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa ibabaw ng mesa, at nakapangalumbaba ko siyang pinagmasdan. Hinaplos ko ang aking labi na dinampian nya nang halik kaninang umaga. Sya ang unang lalakeng nakatikim sa aking mga labi. Magkahalong lungkot at saya ang nadarama nang aking puso, sapagkat alam kong mali na tinanggap ko nang buong puso ang halik na iyon. Subalit anong gagawin ko? Kahit anong pag-iwas ang aking gawin ay natatalo ako nang aking nararamdaman para sa kanya. Batid naming lahat na ikakasal na sya sa iba, pero sa tuwing nandiyan na siya'y nahihirapan na akong umiwas pa sa kanya.
Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi, nang magmulat sya nang mga mata. Palakas nang palakas ang pagtibok nang aking puso nang masalubong ko ang kaniyang paningin.
Tumikhim ako't tumingala sa nakasabit na orasan. "Umuwi kana kaya, para makapagpahinga ka nang maayos." Suhestiyon ko.
"Hihintayin na kita," agad naman niyang tugon.
Lihim na nagdiriwang ang aking puso sa kakaibang saya na umaakyat sa buo kong sistema. Pakiramdam ko'y mayroong mga paru-paro ang lumilipad sa loob nang aking sikmura.
"Kumusta naman pala ang pag-aaral mo?" Biglang tanong nya.
"Okay naman, second year college na 'ko sa susunod na pasukan." Masaya kong sagot.
"I'm happy for you, dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo." Sinsero niyang pahayag. "So, you pursue writing?" Dugtong nya.
Nakangiti ko siyang nilingon, "hindi."
Kumunot ang noo nya, "Why?" Naguguluhan niyang sambit. "At bakit parang masaya ka pa na hindi? Sabi mo 'yon ang gusto mong gawin."
"Oo... pero naisip kong puwede ko pa rin naman gawin ang pagsusulat, kahit ibang propesyon ang kinuha ko." Positibo kong tugon.
"What course did you take, then?"
"Veterinary," masigla kong baling sa kanya.
Nalilito nya akong pinagmasdan, "bakit?" Tila hindi makapaniwalang aniya.
"Bago ako magtapos nang high school, may kumalat na virus sa mga hayop. Malaki ang naging epekto no'n sa mga alagang hayop dito. On that day, I decided to be a veterinarian—para handa ako... in case na magkasakit ulit ang mga hayop." Mahaba kong paliwanag.
"Aysus! Sabihin mo lang, sobrang natakot ka dahil akala mo ikamamatay 'yon ni Snow." Sabay kaming napalingon ni Reid sa bungad ng pintuan, nang marinig namin ang boses ni Melissa.
"Anong ginagawa nyo rito? Akala ko ba may date kayo?" Baling ko sa kanila ni Ollie.
"Inutusan ako ni Nanay—kumuha ng gatas ng baka. Ang arte kasi nang impaktang Charlotte na 'yon, gusto daw ng sariwang gatas." Nagmamaktol niyang sagot. Pinanlakihan ko sya nang mga mata, binibigyang senyales na itikom ang kaniyang bibig, na agad naman niyang nakuha. "Pasensya na po, Señorito Reid." Nakayuko niyang baling sa isa.
"That's okay," tipid na ani Reid. "Ano nga 'yong sinabi mo?" Tanong nya kay Melissa.
"Ang alin po?" Ramdam ko ang nginig sa boses ni Melissa. Marahil ay kinakabahan ito, na baka pagalitan sya ni Reid—dahil sa binitiwan niyang salita tungkol kay Charlotte.
"Tutulungan na kitang manguha ng gatas, pauwi naman na kami." Sabad ko, upang malihis ang paksa nang usapan.
"Yong sinabi mong natakot si Czarina na mamatay si Snow." Deretsong saad ni Reid.
"Ah... 'yon po?" Tila nabunutan naman nang tinik sa dibdib si Melissa. "No'ng nahawa po kasi si Snow nang virus sa ibang mga hayop, halos dito na 'yan matulog si Czarina sa Hacienda. Hindi nya po iniwan hangga't hindi gumagaling. Tapos umuwi nalang nang mansion... biglang gusto nya na maging beterinaryo." Dere-deretso at pawang hindi humihingang pagkukuwento ni Melissa.
"Kaya pala... thank you for taking care of Snow. Your effort means a lot to me." Baling sa akin ni Reid. "Pero sana ituloy mo pa rin ang bagay na gusto mong gawin—kung saan ka masaya." Sinsero niyang dagdag.
Naantig ang puso ko sa mga sinabi niyang iyon. Masaya naman akong alagaan ang mga hayop dito. Sa katunayan nga mayroon na akong isinusulat, ngunit hindi ko pa iyon gaanong mapagtuunan nang pansin—dahil sa dami ng aking mga ginagawa. Kapag nagkakaroon ako nang bakanteng oras ay paunti-unti ko iyong dinudugtungan.
Inakbayan ko si Melissa, nang makita kong magsasalita pa sana itong muli. Pinihit ko sya patalikod, atsaka inakay palabas ng opisina. "Ikaw talaga, masyado kang makuwento. Sa susunod mag-aaral ako—kung paano lalagyan nang preno 'yang bunganga mo." Mariin kong bulong sa kanya.
"Nagtatanong eh... syempre sasagot ako." Natatawa niyang siring sa akin.
"Kapag hindi mo nilagyan nang preno 'yang bibig mo, sasabihin ko sa boyfriend mo—na niligawan mo noon si Felix." Nang-aasar kong paghahamon.
"Ito naman parang hindi kaibigan... sorry na, patawarin mo na 'ko." Nang-aalo niyang yakap sa akin.
"Si Ollie lang pala ang kahinaan mo," natatawa kong tinuran.
"Aba! Nagsalita ang malakas. Mas marupok ka nga kaysa sa'kin." Nang-aasar niyang ganti. "Ipapaalala ko lang ha... sinabi mong hindi lang paghanga ang nararamdaman mo para kay Señorito Reid, kun'di mahal mo na sya. Anong tawag mo do'n? Kahinaan din 'yon." Nakapamaywang niyang litanya.
"Totoo ba 'yon?" Pinamulahan ako ng pisngi, nang marinig ko ang boses ni Reid mula sa aking likuran. Hindi ako nakagalaw, hindi malaman kung lilingon ba ako sa kanya o hindi.
Samantala, kagat-labing iminuwestra ni Melissa ang dalawa niyang daliri—senyales nang pakikipagbati o peace sign. Bumibilis ang pagtibok nang aking puso, habang nararamdaman ko ang papalapit na mga paa ni Reid.
Nakita ko sa gilid nang aking mata ang pagdaan ni Ollie sa aking tabi. Inakbayan nya ang nobya at pinihit patalikod. "Ikaw talaga, napakadaldal mo." Dinig ko sa nanunuway na tinig ni Ollie.
"Eh... kayo itong nakikinig sa usapan nang may usapan." Tugon naman ni Melissa sa nobyo.
Humakbang ako upang sundan ang nagtatalong magkasintahan, ngunit napahinto ako nang biglang humarang si Reid sa aking harapan. "Totoo ba 'yong narinig ko?" Seryoso niyang panimula.
"W-wala 'yon, kalimutan mo nalang kung anong n-narinig mo." Napasinghap ako nang bigla akong sininok.
Tumaas ang sulok nang kaniyang labi, "your lying..." napapangiti niyang sambit.
Hindi ako makapagsalita, sapagkat pinipigil kung makawala ang pagsinok na bumabara sa aking lalamunan.
Pinababa nya ang kaniyang sarili at pilit na sinisilip ang nakayuko kong mukha. "Bakit hindi ka makatingin sa akin?"
Hinawakan ko ang aking dibdib, dahil ayaw paawat nang nagwawala kong puso. Kumawala ang sinok na pilit kong pinipigilan, nang hawakan ni Reid ang aking baba. Iniangat nya ang mukha ko upang magpantay ang aming mga paningin. Tatakpan ko sana ang aking bibig, ngunit mabilis nya akong siniil ng halik.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...