ANG MGA SUMUNOD NA ARAW ay pawang ordinaryo lamang, ngunit hindi ko namamalayang pahirap na pala nang pahirap ang aking mga gawain—magmula nang dumating sila Señora Olivia. Mas lalo pang bumigat dahil halos sa mansion na tumira si Charlotte, na tila guwardiya sibil na laging nakabantay kay Reid.
"Czarina!" Palahaw na pagtawag sa akin ni Señora Olivia.
"Po..." mabilis kong tugon.
"Pakilabhan itong maruruming damit ni Charlotte." Taas-kilay niyang ibinagsak ang mga labahin sa aking harapan. "At pagkatapos... plantsahin mo na rin itong damit ko, ayusin mo dahil kailangan ko 'yan bukas." Nanunuyang aniya sabay-abot sa akin nang pulang bistida, na agad ko namang kinuha.
Bago pa ako makasagot ay pumagitna si Melissa. "Señora Olivia, hindi na po sakop ni Czarina ang mga gawaing bahay dito sa mansion. Ako nalang po ang gagawa ng inuutos nyo."
Pekeng natawa ang Señora, at bumaling kay Melissa. "Hangga't dito sya nakatira at kumakain, gagawin nya lahat ng ipag-uutos ko!" Nanlilisik na mga mata nitong bulyaw.
"P-pero... ibinilin po ni Doña Martha, hanggang Hacienda lang daw po ang mga gawain ni Czarina." Giit ni Melissa.
Bago pa muling sumigaw si Señora Olivia, ay sumagot na ako. "Okay lang Melissa, kunti lang naman 'to." Pilit na ngiti ko, upang hindi na sya magmatigas pa. "Gagawin ko na po, iaakyat ko nalang po sa taas—pagkatapos ko pong plantsahin ang damit nyo." Nakayukong baling ko sa Señora. Umirap lang ito atsaka mabilis na tumalikod sa amin.
"Sigurado ka bang ayos ka lang? Gabi na, dapat nagpapahinga kana—dahil bukas maaga ka pang pupunta sa Hacienda." Nanlulumong tono ni Melissa.
"Okay lang ako, saglit lang 'to." Positibo kong lingon sa kanya.
Kinuha ko ang palanggana at bangkitong gawa sa kahoy. Umupo ako't sinimulan ko ang paglalaba.
Natigilan ako nang makita ko si Melissa, na umupo sa aking harapan. "Tutulungan na kita," nakangiti niyang tingin sa akin.
"Matulog kana, maaga ka pa gigising bukas." Pangtataboy ko sa kanya.
"Okay lang, pareho naman tayong gigising ng maaga eh." Aniya, habang inuumpisahang sabunin ang basang mga damit.
Tinapunan ko sya nang malawak na ngiti, "salamat."
"Kapag nakauwi na si Doña Martha, isusumbong ko talaga lahat nang pagpapahirap sa'yo nang bruha niyang ampon." Nanlalaki niyang mga matang sambit.
"Woi... hinaan mo lang ang boses mo, mamaya marinig ka no'n—malalagot ka." Nanunuway kong tono, habang sinisipat ang paligid.
"Wala akong pake sa kanya! Napakasama ng ugali! Palibhasa walang dugong Madrigal ang dumadaloy sa mga ugat nya." Naririnig ko ang pagkikiskisan nang mga ngipin ni Melissa, indikasyong nanggigigil sya sa sarili niyang sinasabi.
"Relax ka lang... dahan-dahan lang sa pagkusot niyang damit—baka mapunit. Wala tayong ipambabayad diyan, mukhang mahal pa naman." Pangkakalma ko sa kanya.
"Eh... bakit kasi ayaw mo pang isumbong kay Señorito Reid, ang ginagawa sa'yo nang impakta niyang nanay?" Mariin niyang suhestiyon.
"Kung gagawin ko 'yon, parang pinag-away ko na rin ang mag-ina." Buntong-hininga kong saad.
"Paano ka naman? Tatanggapin mo nalang—na pagkatapos nang mahabang oras na pagtatrabaho mo sa Hacienda, aalilain ka pa nya rito?"
"Ayos lang... ang mahalaga, mayro'n kaming bubong na nasisilungang magkapatid." Tugon ko.
Nalukot ang mukha ni Melissa, nang mag-angat sa akin nang paningin. "Masyado kang mabait, kaya inaabuso ka."
"Hindi ako mabait, nilalagay ko lang ang sarili ko sa tamang lugar." Seryoso kong sagot.
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...