KINAUMAGAHA'Y TINUPAD NI FELIX ang sinabi niyang susunduin ako. Madilim pa'y nakita ko na ang kotse niyang nakaparada sa labas ng mansion. Tipid akong napangiti nang makita ko itong nakatayo at bahagyang nakasandal sa gilid ng sasakyan, itinataboy ang mga lamok na kumakagat sa kanyang mga binti.
Agad siyang ngumiti at lumapit sa akin nang makita akong papalabas ng gate. "Good morning," magiliw niyang pagbati.
"Good morning..." tugon ko naman. "Ang aga mo naman yata. Kanina ka pa ba naghihintay diyan?" Patanong kong dugtong.
"Hindi naman, kani-kanina lang." Pagdadahilan nya.
Inalalayan nya akong maglakad, hanggang sa makapasok sa loob ng sasakyan. Nagtagpo ang aming mga paningin nang umupo sya sa driverseat. Tumikhim siya't lumapit sa akin, upang siguraduhing nakakabit nang maayos ang seatbelt sa aking katawan.
"Ako na... salamat," nahihiya kong sambit.
"Tara na?" Bigay senyales nya, atsaka pinatakbo ang sasakyan.
Nakakabinging katahimikan ang naglalakbay sa loob ng kotse, sapagkat wala sa aming dalawa ang gusto maunang magsalita. Nagkatinginan kami nang biglang tumunog ang teleponong ibinigay sa akin ni Reid. Dinukot ko iyon sa loob nang aking bag, tumambad sa aking paningin ang pangalan ni Reid.
Ang aga-aga pa, bakit kaya tumatawag sya?
"Sagutin mo, baka importante 'yan." Pukaw ni Felix sa nalilito kong isipan.
Klinaro ko muna ang aking lalamunan bago ko sinagot ang tawag. "B-bakit?"
"Please don't make me jealous," kahit sa telepono lang ay naririnig ko ang pagbabanggaan ng kaniyang mga ngipin.
Bago pa ako makasagot ay nakita ko na ang kulay asul niyang sasakyan. Tumabi iyon sa sasakyan ni Felix. Bumukas ang bintana ng kotse ni Reid, napalunok ako nang tumambad sa akin ang lukot niyang mukha—habang nakadikit sa tainga nito ang telepono. Nakasarado man ang katabi kong bintana'y nakikita kong nakatingin ito nang deretso sa akin.
"Tell him, open the window next to you." Nag-uutos niyang tinig.
Lumingon ako kay Felix, hindi pa man ako nakakapagsalita'y bumukas na ang bintana sa aking tabi, tila ba nabasa nya sa aking mga mata ang gusto kong sabihin. Napansin kong humihigpit ang pagkakahawak ni Felix sa manebela, halatang nagpipigil ng sarili niyang emosyon.
"Okay ka lang?" Malumanay kong tanong.
Nakangiti man siyang lumingon sa akin, alam kong hindi sya okay. "Oo naman, basta para sa'yo." Pilit na ngiting tugon nya.
Bigla'y nakaramdam ako nang matinding awa kay Felix. Binigyan ko nga sya nang pagkakataong pumasok sa buhay ko, ngunit iba naman ang laman ng isipan ko. Gusto ko siyang papasukin sa buhay ko, pero kapag nandiyan na si Reid ay nalilito na ang puso ko. Ayukong dumating ang araw na mayroon akong masasaktan na isa sa kanila. Bumuga ako nang marahas na hininga.
"Think slowly, pakinggan mo ang tunay na nararamdaman ng puso mo." Tinig ni Felix na ikinalingon ko sa kanya. "Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. Handa akong sumugal, because you're worth fighting for." Lingon nya sa akin.
Sa sobrang ganda nang sinabi ni Felix, ay hindi ko napigilan ang pagpatak nang aking mga luha.
"Don't cry, ayukong nakikita kang umiiyak."
Agad kong pinahiran ang nahulog kong mga luha at umayos sa pagkakaupo. "Pasensya na, napakababaw lang talaga ng luha ko." Pagpapalusot ko.
"Don't rush things, kapag hindi sya nakapaghintay... ibig sabihin hindi ka nya deserve. Always remember and know your worth. Kung handa siyang ipaglaban ka sa nanay o pamilya nya, handa akong bumitaw at ipaubaya ka sa kanya."
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...