Epilogue

42 4 0
                                    

7 YEARS LATER

Raf P.O.V

MUGTO AT NANGINGITIM ang gilid nang aking mga mata, magdamag ko kasing binasa ang nobelang isinulat ni Ate Czarina. Inabot ako nang alas-tres ng madaling araw dahil hindi ko iyon magawang tigilan. Ilang-beses ko na itong nabasa pero hanggang ngayo'y pinapaiyak pa rin ako. Sa dalawang daan at limampu't anim na bilang ng pahina nito'y naipahayag nya ang masalimoot at magandang bahagi ng aming buhay. Pitong-taon na ang nakakalipas pero parang sariwa pa rin ang sugat sa puso ko dahil sa pagpanaw nya. Inuwi ni Ate Melissa ang abo ni Ate Czarina sa Pilipinas, alinsunod na rin sa kanyang kahilingan.

Kinuha ko ang cellphone atsaka hinanap sa contact list ang numero ni Ate Melissa. Nag-ri-ring palang ay excited na akong magsalita.

"Hello," boses nito sa kabilang linya.

"Ate Melissa! Kumusta?" Napapangiti kong panimula.

"Raf? Ikaw ba 'yan?" Puno nang pananabik niyang tono.

"Opo."

"Kailan ka ba uuwi? Ikaw nalang ang hinihintay namin para sa launching ng CC Press. Ang Lola mo nagmamaktol na naman, kasi hindi na sya pinayagan ng doctor niyang bumiyahe." Mahaba niyang litanya.

"Mamaya na po ang flight ko."

"Naku! Bakit ngayon mo lang sinabi? Ikaw talagang bata ka. Nag day-off pa naman ngayon si Manong Basti, walang magda-drive."

"Okay lang po, magta-taxi nalang ako."

"Naku! Hindi! Delikado na ang panahon ngayon, lalo na kung madilim ka pang darating. Hayaan mo, tatawagan ko ang anak ni Manong Basti, marunong mag-drive si Alex."

Kumawala ang malawak na ngiti sa aking mga labi. Para pa rin akong paslit kong itrato nito. "Alex?" Napapaisip kong sambit.

"Oo, ang bunsong anak ni Manong Basti. Basta, huwag kang sasakay ng taxi, ipapasundo kita. Anong oras ba ang flight mo?"

"Four o'clock ng hapon," deretsong tugon ko.

"Oh sige, bago ka dumating nando'n na ang magsusundo sa'yo. Tawagan mo 'ko agad pagkalapag ng eroplano, ha." Naniniguradong aniya.

"Opo, basta huwag mo munang sasabihin kay Lola na pauwi ako—para surprise."

"Oo sige, basta tawagan mo 'ko agad."

"Opo, salamat. Bye, Ate Melissa. See you tomorrow."

"Mag-iingat ka," paalala nya.

Pagkatapos nang aming pag-uusap ay inayos ko ang mga gamit na aking dadalhin. Sinigurado kong handa ang lahat ng mga kakailanganin para sa launch ng ipinatayo kong publishing house sa Pilipinas. Si Ate Melissa at Kuya Ollie ang inatasan kong mag-asikaso ng lahat habang tinatapos ko naman ang pag-aaral ko rito sa kolehiyo. Ngayo'y isa na akong ganap na arkitekto at handa na akong harapin ang panibagong yugto na aking tatahakin.

Muli kong tiningnan ang manuscript na magdamag kong binasa at inayos para pagdating sa Pilipinas ay handa na ito para sa opening ng CC Press. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin maiwasan ang mapahanga sa pagkakasulat ni Ate Czarina sa nobela niyang Tears in the Rain. Ngayon palang ay nasisiguro kong marami ang tatangkilik sa kaniyang akda. Kung paano ko hinangaan at tinitingala ang Ate ko, alam kong gano'n din ang sambayanang mambabasa. Nararamdaman kong papatok ito sa masa, dahil marami ang makaka-relate sa bawat salitang nakapaloob sa nobelang ito.

Napangiti ako nang masilayan kong muli ang pangalan ni Ate Czarina sa copyright page. Inilagay ko rin doon ang aking pangalan bilang cover art designer. Sabik na akong mahawakan ang libro na magkasama naming binuo.

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon