Kabanata 16

15 5 0
                                    

"TOTOO BA 'YONG SINABI MO KANINA?" Mapang-usisang tanong ni Melissa, nang makauwi kami sa mansion.

Bumuntong-hininga ako't lumingon sa kanya. "Oo," malamya kong sagot.

Natutop ni Melissa ang kaniyang bibig, at gulat na tumingin sa akin. "What the heck!" Bulalas nya—pero agad din namang nakabawi, nang makita nya akong nakasimangot. "Ayos ka lang?" Malumanay niyang tanong.

"Magsisinungaling ako—kung sasabihin kong hindi." Sunod-sunod akong nagpakawala nang malalim na hininga.

Hindi lingid sa kaalaman ni Melissa, na ang nararamdaman ko noon para kay Reid ay hindi nagbago. At saksi sya sa araw-araw na paghihintay ko sa pagbabalik nito. Bumalik nga sya, ngunit hindi para sa akin. Parang dinudurog nang pinong-pino ang aking puso, kapag nakikita ko siyang iba ang kausap at katabi. Nasasaktan akong hindi ko na puwedeng sabihin ngayon sa kanya ang tunay kong nadarama.

"Czarina..." niyakap ako ni Melissa, sapagkat hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha.

"Sa tingin mo, ito na 'yong sagot sa hinihingi kong sign?" Sumisinghot kong tanong.

Kinalas ni Melissa ang pagkakayakap sa akin. "Hindi naman masama kung bibigyan mo rin ng chance si Felix, 'di ba? Halos limang-taon na rin siyang nanliligaw sa'yo, at consistent 'yon ha." Seryoso niyang mungkahi.

"Hindi mo ba narinig 'yong sinabi ni Reid, kanina? Hangga't nandito raw ako sa mansion, bawal daw akong magpaligaw." Nanunulis kong mga nguso.

"Susmaryusep naman! Wala naman siyang magagawa, atsaka nasa tamang-edad ka na rin naman. Isa pa... alam mo naman ang tama at mali, wala namang masama kung magkaka-boyfriend ka." Mabilis na pagsasalita ni Melissa, habang nakapamaywang pa.

Napangiti ako sa hitsura nya, kahit paano'y gumaan ng kaunti ang kalooban ko dahil sa presensya nya. "Salamat, lagi kang nandiyan para sa akin."

"Wala 'yon, nagpapasalamat din naman ako dahil lagi mo 'kong tinutulungan sa mga assignments ko." Natatawa niyang tinuran. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo, kasi simula nang naging kaibigan kita—tumaas ang mga grades ko." Napahalukipkip niyang dugtong.

"Matalino ka naman eh, nauuna lang ang kalokohan." Natatawa ko na ring sinabi.

"Anak nang!" Sabay kaming nagulat ni Melissa, nang bigla nalang sumulpot si Reid sa aming likuran.

"What? Tiyanak?" Matiim nitong tingin sa akin.

"Wala po kaming sinasabing ganyan." Mahina kong tugon, habang si Melissa naman ay napapatango sa aking tabi.

"Ipaghanda mo 'ko nang makakain sa taas, sa kuwarto ko mismo." Nag-uutos niyang wika.

"Señorito... ako nalang po ang gagawa, hindi na po kasi 'yan gawain ni Czarina ngayon. Ang bilin po ng Lola nyo, sa Hacienda lang sya magtatrabaho." Mahabang paliwanag ni Melissa.

"Pa'no 'yan? Sya lang ang gusto kong maghahain sa'kin ng pagkain." Deretsong sagot nito.

"Sige na, ako na ang gagawa." Baling ko kay Melissa.

"Sigurado ka? Baka pagalitan ako ni Doña Martha, kapag nalaman niyang ginawa mo ang trabaho ko." Pabulong na lapit sa akin ni Melissa.

"Akong bahala, atsaka apo naman nya ang nanghihingi ng pagkain." Pabulong ko ring sagot.

"Hihintayin kita sa taas, bilisan mo." Ani Reid, at mabilis na tumalikod.

Bumuga ako nang marahas na hininga, at nag-umpisang ihanda ang meryenda na hinihingi ni Reid. Si Melissa nama'y kumuha ng yelo sa refrigerator, para sa gagawin niyang smoothie.

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon