Kabanata 34

18 4 0
                                    

HINDI AKO HINAYAANG umalis ni Doña Martha, bagkus ay sinabi nitong ipapadala nya kami sa america upang doon ako magpagamot. Dahil kay Raf ay hindi na ako nakatanggi pa. Masaya akong makakasama namin si Melissa, kahit paano'y hindi kami gaanong malulungkot doon dahil sa kanya.

Napatitig ako sa susi ng lumang mansion na ibinigay sa akin ni Doña Martha. Muli'y inalala ko ang mga sinabi nya.

FLASHBACK!

"Bakit ka aalis? Hindi naman kita pinapaalis." Kinuha ng Doña ang dalawa kong kamay, atsaka marahang hinaplos.

"Mas mapapalapit po kayo sa apo nyo kapag wala ako sa tabi nya."

"Pero ayukong nalulungkot ang apo ko. At alam kong sobra siyang malulungkot kapag umalis ka." Pangungumbinsing tinig ng Doña.

Dinukot ko sa aking bulsa ang kuwintas na ibinigay sa akin ni Señor Emer. "Ibinabalik ko na po ito sa inyo." Iniabot ko sa kanya ang kuwintas, ngunit isinara nya lamang ang aking palad.

"Kung ibinigay ito sa'yo ng anak ko, isa lang ang ibig sabihin no'n—tinanggap at minahal ka nya na parang sa kanya.At wala akong karapatang bawiin ito sa'yo." Napahikbi ako sa sinabing iyon ng Doña.

Hindi na ako magtataka kung bakit naging mabuting ama sa amin si Tatay, dahil mayroon siyang mabuting ina.

"Noong nalaman kung nagkakagustuhan na sila ng nanay mo, hindi ako umayaw dahil ipinagbubuntis ka nya. Umayaw ako dahil alam kong may ibang mahal si Zandra, at si Renato 'yon na tatay mo. Pero no'ng nakarating sa'kin na ipinagbubuntis na ni Zandra ang magiging apo ko kay Emer, natuwa ako. Unti-unti kong natanggap na baka nga talagang nagmamahalan na sila. Masayang-masaya si Emer nang ibalita nya sa'kin ang tungkol sa pagbubuntis ng nanay mo, kaya sinabi kong umuwi na sila nang mansion. Kung alam ko lang na ang pagpapabalik ko sa kanya rito ang magiging dahilan nang pagkamatay nya, hindi ko na sana sya pinauwi pa." Inilabas ng Doña ang mabigat niyang saloobin. "Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkamatay nya, at ayukong matulad ka sa'kin. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ni Reid, prinotektahan ka lang nya sa sakim niyang ina, dahil gano'n ka nya kamahal." Dagdag niyang nagpahikbi sa akin nang malakas. "Hindi ko lubos maisip kung paano 'to nagawa ni Olivia sa nanay mo, dahil matalik silang magkaibigan." Dismayadong dugtong nya.

Yumuko ako upang ikubli ang malakas kong pag-iyak.

Ginawaran nya ako nang mahigpit na yakap atsaka inaalo na parang bata. "Huwag mong ikulong ang sarili mo sa kasalanang hindi naman ikaw ang may gawa."

Napahagulhol ako dahil pakiramdam ko'y si nanay ang kayakap ko ngayon.

END OF FLASHBACK!

******

Namalayan ko nalang na nasa harap na pala ako nang lumang mansion. Gamit ang susing ibinigay sa akin ni Doña Martha, binuksan ko ang gate at pumasok sa loob. Huminga ako nang malalim habang naglalakad sa pasilyo. Natigilan ako nang tumambad sa paningin ko ang isang pamilyar na painting. Mahigpit akong napahawak sa suot kong kuwintas. Nakikita ko sa painting ang katorse anyos na ako. Muli'y naging sariwa sa isip ko ang araw na ipinipinta ito ni Reid, ngayo'y nakasabit na sa harap ng pasilyo.

Unti-unting pumapatak ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang kuwadro. Isang puting kahon ang nakakuha ng aking atensyon. Dahan-dahan ko iyong nilapitan. May kung ano ang nag-uutos sa akin na buksan at tingnan ang laman niyon, na agad ko namang ginawa. Nabitiwan ko ang takip ng kahon nang makita ko ang napakaraming sobre na pawang hindi pa nabubuksan. Kumuha ako nang isa at sinuri iyon, subalit lalo lamang akong napaluha nang mabasa ko ang pangalan ni Reid sa likod ng mabangong sobre. Ngayon ko lang ulit naalala ang mga sulat niyang hindi nakarating sa akin. Pero bakit nandito ang mga sulat na ito? Maaaring ibinalik ito ni Felix kay Reid at naiwan nya rito, o sinadya nya talagang iwan upang makita ko. Nagbukas ako nang isa. Hindi ko pa nga nababasa ang nakasulat ay bumibilis na ang pagpatak ng aking mga luha. Marahan ko munang hinaplos ang nakatiklop na papel bago ko iyon binuklat.

Day one!

My dearest, Czarina.

I'm a little shaky as I write this—I don't know why. But I know one thing, I miss you so much. Sana ay okay ka lang diyan. Huwag mo 'ko masyadong alalahanin dito. Nag-aaral ako nang mabuti para makauwi agad diyan at makasama ka. Pinanghahawakan ko ang pangako mong hihintayin mo ang pagbabalik ko.

Hindi pa ako nangangalahati sa pagbabasa'y napapahagulhol na ako. Mabilis na bumabagsak ang mga luha sa hawak kong papel. Masakit man basahin ang sulat na ito ngayo'y ipinagpatuloy ko pa rin. Natapos ko ang unang sulat hanggang sa nasundan ulit iyon ng mga sumunod pa.

Day three hundred sixty-eight!

Kumusta kana diyan? Halos isang taon na akong nagpapadala ng mga sulat, pero ni isa ay wala kang sinasagot. Galit ka pa rin ba sa'kin? Sorry na... matatagalan pa yata akong makabalik. Gusto kasi ni Mommy na dito ko tapusin ang high scool. Huwag ka nang magalit, please. Kahit hindi mo sinasagot ang mga sulat ko, hindi ako magsasawang magpadala ng sulat sa'yo. Ang sabi ni Felix, masyado ka raw busy sa pag-aaral mo at sa Hacienda—kaya hindi ka nakakasulat sa akin. Don't worry, I understand. Huwag mong pabayaan ang sarili mo, at huwag mo rin kalimutang magpahinga.

Umuugong ang paghikbi ko sa bawat sulok ng malaking mansion.

Day one thousand forty-six!

Congratulations, my Czarina. Ibinalita sa akin ni Felix na ikaw daw ang Valedictorian. That's my girl. I'm so proud of you. Alam ko namang kayang-kaya mo 'yan. Nag-aaral din ako nang mabuti para maipagmalaki mo rin ako. Alam mo ba, ngayon nga lang ako nakatanggap ng medal sa school. Ganado akong mag-aral kasi ikaw ang inspirasyon ko. Pero nalulungkot ako dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasagot ang mga sulat ko.

Nagusot ang papel nang mahigpit ko iyong hinawakan at inilapit sa aking puso, na para bang sya ang kayakap ko ngayon. Paulit-ulit kong sinasambit ang salitang patawad.

Day one thousand eight hundred twenty-five!

Hindi ko na kayang tiisin na hindi ka makita, kaya nagpa-book na ako nang ticket at sa susunod na linggo na ang uwi ko diyan. Hindi na 'ko mapalagay, dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin ako sinusulatan. Sobra na 'kong nagtatampo sa'yo. Pa'no mo 'ko natitiis ng ganito? Humanda ka sa pagkikita natin dahil kailangan ko nang magandang rason kung bakit hindi mo sinasagot ang mga sulat ko.

Sa pamamagitan nang mga sulat na iyo'y pansamantala kong naramdamang buhay sya at katabi ko lamang. Subalit sa bawat pagsara nang mga pahina'y ibinabalik ako nito sa reyalidad. Para akong niyayakap ng mga karayom at bumabaon iyon sa puso ko. Niyakap ko ang mga sulat na para bang maiibsan niyon ang aking pangungulila. Hindi paawat ang mga luha kong puno nang pagdadalamhati't hinagpis.

TO BE CONTINUED...


Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon