DAHAN-DAHAN KONG IBINUKAS ang aking mga mata, kinusot ko iyon upang makatiyak na si Reid nga ang nakikita ko ngayon sa aking harapan.
"Ate!" Dinig ko sa boses ni Raf. Tumakbo ito palapit sa akin at niyakap ako sa leeg.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Nagtataka kong tanong.
"Hinimatay ka po kanina." Umiiyak niyang sagot.
Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Lumapit sa amin sila Melissa, Ollie, at Felix. Pilit kong inaalala ang mga nangyari, pero sumasakit lang ang ulo ko. Ang huli kong natatandaan ay nakita ko pa si Raf bago ako nawalan ng paningin.
Kinalas ko ang pagkakayakap ni Raf sa akin at hinarap sya. "Huwag ka ng umiyak, ayos lang ako." Pang-aalo ko rito. Pinahiran ko ang mga luha nya, kapagkuwa'y iniupo ko ang aking katawan.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Namamaos na boses ni Reid.
"Ikaw? Kumusta ka?" Imbis na sagutin ang tanong niya'y ibinalik ko lang iyon sa kanya.
Lumapit sya sa akin. "Ang tanong ko ang sagutin mo," halos hindi marinig niyang tinig.
"Okay naman ako," tipid kong sagot.
Napangiwi ako nang hampasin ako ni Melissa sa braso, at bigla nalang umalingawngaw ang iyak nito sa buong silid. "Kapag masama ang pakiramdam mo, magsasabi ka kaagad—hindi 'yong sinasarili mo." Umiiyak niyang wika.
"Tapos na po ang summer class ko, matutulungan na po ulit kita sa Hacienda." Kalmado nang ani Raf.
Hinaplos ko ang buhok nya at sinenyasang umupo sa tabi ko, na agad naman niyang sinunod. "Huwag ka ng mag-alala, lagnat laki lang 'yon." Nakangiti kong saad, upang kahit paano'y maibsan ang kaniyang pag-aalala.
"Sa tingin mo may ilalaki ka pa niyan ha," siring naman sa akin ni Melissa habang pinapahiran ang sarili niyang luha.
Tumaas ang sulok ng labi ko at tinapunan ko sya nang masamang tingin.
Napalingon kaming lahat sa pinto nang pumasok si Doctor Arwin, kasama ang isang nurse. "Czarina, kumusta na ang pakiramdam mo?" Malawak na pagkakangiti nito sa akin.
"Okay naman po ako. Puwede na po ba akong makauwi?"
"Puwede na, pero kailangan mong bumalik para sa follow-up check-up." Kalmadong tugon ng doctor.
"Check-up? Bakit?" Malakas na sabad ni Reid, kahit pa halatang may iniinda itong sakit sa kanyang lalamunan.
"I just need to review the findings of her blood test, to make sure everything is alright." Paliwanag nito.
"Kailan po ako puwedeng bumalik?" Tanong ko.
"It's up to you. The sooner, the better." Maikli nitong sagot, kapagkuwa'y lumapit sa akin. Dinukot nya sa bulsa ng puti niyang gown ang isang bagay na parang ballpen, ngunit mas malaki ng kaunti. "Titingnan ko lang ulit ang mga mata mo," aniya atsaka umilaw ang kaniyang hawak. Pinalaki nya ang mga mata ko at isa-isang sinuri. "Puntahan nyo lang ang cashier number eight to sign the discharge paper. Puwede ka ng makauwi." Mungkahi nya.
"Salamat po Doc.," sambit ko.
"You're welcome, see you soon." Anito't tumalikod at lumabas ng silid kasama ang nurse.
Nagbaba ako ng paningin nang makita kong pinagmamasdan ako ni Reid. "Magpalit kana ng damit, iuuwi na kita."
Tumikhim si Melissa at bumaling kay Reid. "Kami Señorito? Hindi mo po ba kami iuuwi?" Pabirong aniya. Tiningnan nya ako ng masama dahil binato ko sya ng unan, atsaka pinaningkitan pa ako ng mga mata—na tila nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...