Reid P.O.V
DUROG NA DUROG ang puso ko habang pinagmamasdan si Czarina. Medyo kalmado na sya, pero halata pa rin ang matinding takot sa kaniyang mukha. Ibinilin ko kay Melissa na samahan muna ang magkapatid sa quarter ng mga ito.
Kuyom ang aking mga palad na tinungo ang silid ng aking ina. Hindi na ako kumatok pa, bigla ko nalang iyong binuksan. Gulat itong lumingon na tila nakakita ng multo. Nabuhay ang kinikimkim kong galit nang makita kong may kinakausap ito sa telepono.
"Reid... anong nangyari sa'yo? Bakit basang-basa ka? Saan ka ba nanggaling?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Did you do it?" Pinagkadiin-diinan ko ang bawat salita.
"What?" Naguguluhan niyang tanong. Inilapag nya ang telepono bago lumapit sa akin. "Ano bang sinasabi mo?"
Tumingala ako upang pigilan ang pagpatak nang namumuo kong mga luha.
"Magbihis kana muna, baka magkasakit ka." Mungkahi niyang hindi ko pinagtuunan ng pansin.
"Sabihin mo ang totoo, Momma. Ikaw ang nag-utos na saktan si Czarina?" Deretso kong tanong.
Rumehistro sa mukha nya ang matinding pagkabigla. Naramdaman kong kinabahan sya sa tanong kong iyon, ngunit nakuha niyang makabawi. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Dahil sya ang tunay na anak ni Daddy!" Para akong sinasakal habang binibigkas ko ang mga katagang iyon, nahihirapan akong makahinga dahil sa pagpipigil na huwag maiyak.
"Reid..." Nag-iwas sya nang paningin, pilit na itinatago ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata.
"Hindi nya ako tunay na anak! Tama ako, 'di ba?" Humihigpit ang pagkakakuyom nang aking mga kamao.
Namumula ang mukha niyang humarap sa akin. "Saan mo narinig 'yan?" Natutuliro niyang tanong.
"Alam kong 'yon ang dahilan kung bakit tayo iniwan ni Daddy." Unti-unting nababasag ang boses ko, na kahit hindi naman ako sumisigaw ay namamaos ako.
"Hindi totoo 'yan!" Mariin niyang pagtanggi.
"Momma!" Nagsisimula na akong mapasigaw. "Huwag mo nang itanggi—dahil hanggang ngayon malinaw pa sa pandinig ko ang lahat ng kasinungalingan mo! Alam kong inagaw mo lang naman sya kay Tita Zandra, 'di ba?! Ang masaganang buhay na 'to... ang lahat nang mayro'n tayo, alam kong kinuha mo lang lahat ng 'to sa nanay ni Czarina! At hindi ko kayang tanggapin na ako ang ginamit mo para magkahiwalay sila ni Daddy—kahit pa alam mong ipinagbubuntis na ni Tita Zandra noon si Czarina!" Halos mapatid na ang ugat ko sa leeg maipahayag lamang ang katotohanang iyon.
Isang malakas na sampal ang nagpatabingi sa aking ulo. Nanginginig ang mga kamay ni mommy, halatang nagpipigil ng matinding galit. "Kung hindi ko ginawa 'yon, wala sana ang lahat ng 'to sa'yo!" Garalgal niyang tinig.
Sa mga sandaling ito'y hindi ko na kaya pang pigilan ang likidong nahuhulog sa aking mga mata. Tila ba may sarili silang buhay na kusa nalang pumapatak. "Hindi ko naman hiningi ang lahat ng 'to," namamaos kong sambit. Lumingon ako sa kanya, "sabihin mo sa'kin ang totoo... ang lalakeng inutusan mong manakit kay Czarina, sya ba ang tunay kong ama?"
Napaupo sya sa paanan ng kama. Sapo ang sariling mukha'y umiyak sya ng umiyak. Hindi man sya deretsong makasagot, alam kong isang kasinungalingan na naman—kung sasabihin niyang hindi. Ang pananahimik at pag-iyak niya'y mas makapangyarihan nang sagot.
"Alam ko ring may kinalaman ka sa pagkamatay ni Tito Emer." Basag ko sa pananahimik nya.
Nanlaki ang mga mata niyang nag-angat nang paningin sa akin. "Where did you get that?" Mahina niyang tanong.
"Nakita at narinig ko lahat nang pinagtalunan nyo bago sya nahulog sa hagdan." Napagtagumpayan kong masabi iyon ng deretso.
Agad siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Reid."
Sinalubong ko ang matalim niyang mga tingin. "Alam ko Momma, nakita ko kung paano mo tinulak sa hagdan si Tito Emer."
Binitiwan nya ako't bahagyang tumalikod, kapagkuwa'y humarap siyang muli sa akin. "Hindi totoo 'yan! Aksidente lang ang lahat!" Sigaw nya.
"Yong pagsabog ng sinasakyang bus ni Tita Zandra? Aksidente lang din ba ang lahat ng 'yon?"
"Reid!" Pinagkadiin-diinan nya ang pagbigkas sa aking pangalan.
"Sagutin mo 'ko, Momma!" Nanginginig na mga kamao kong sigaw.
"H-hindi ko alam ang s-sinasabi mo, anak." Utal niyang tugon.
"Gusto mo ipaalala ko sa'yo, huh?" Naghahamon kong tono. "No'ng araw na pinuntahan ka ni Tita Zandra sa Hacienda para pakiusapan na bigyan sya ng trabaho, anong ginawa mo? Pinagtabuyan mo lang sya at pinagbantaang ipapapatay mo ang mga anak nya kapag bumalik sya." Nanginginig kong boses. "Hindi ka pa nakuntento sa masasakit na salitang sinabi mo sa kanya, tinotoo mo pa ang banta mo!" Dugtong ko.
"Reid! Hindi totoo 'yan!" Patuloy niyang pagtanggi.
"Nang marinig kong may kinakausap ka sa telepono, hinabol ko si Tita Zandra—pero huli na ang lahat. Bago pa ako dumating sa terminal, sumabog na ang bus na sinasakyan nya. Hindi lang isang tao ang pinatay mo, nandamay ka pa ng mga inosenteng tao!" Hindi ko na kaya pang kontrolin ang galit na matagal kong itinago sa aking sarili. "Hindi na ako papayag na may masaktan ka ulit," dagdag ko.
Hinawakan nya ang aking mga kamay. "Reid, anak—makinig ka... ako ang mommy mo." Nagsusumamo niyang tono.
Mabilis kong binawi ang mga kamay ko atsaka umatras palayo sa kanya. "Kapag may nangyaring masama kay Czarina at sa kapatid nya, baka makalimutan kong ina kita." Pagkasabi niyo'y mabilis ko siyang tinalikuran.
"Reid! Pakinggan mo muna ako!" Habol nya sa akin.
Nagmadali akong lumabas ng kuwarto nang marinig ko ang kalabog na nanggagaling sa labas ng pinto. Mabilis ko iyong isinara at ikinulong sa loob si mommy. Pilit niyang itinutulak ang pinto, ngunit isinandal ko roon ang aking bigat upang pigilan siyang makalabas. Ayukong makita niyang nasa labas ng pintuan si Czarina.
"S-sorry, ikukuha nalang k-kita ng bagong tsaa." Utal na boses ni Czarina. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang dinadampot ang basag na piraso ng tasa.
Hindi ako sigurado kung mayroon siyang narinig, pero isa lang ang kaya kong tiyakin—handa na akong sabihin at ipagtapat sa kanya ang lahat nang aking nalalaman. Ano man ang mangyari handa na akong harapin ang lahat ng posibleng ibato nya sa akin.
Gustuhin ko man siyang lapitan, ngunit hindi ko puwedeng alisin ang pagkakadagan nang aking likod sa pintuan. "Magpahinga kana," saad ko.
"Igagawa kita nang tsaa para hindi ka sipunin." Pilit man niyang itago ang panginginig ng kaniyang boses ay hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig.
"Okay lang ako. Bababa nalang ako mamaya sa kusina pagkatapos kong maligo," giit ko.
"S-sige ikaw ang bahala." Tugon nya, sabay tayo atsaka tumalikod.
Parang hinihiwa ng matalas na blade ang aking puso, dahil hindi man lang ako nito nagawang tingnan o lingunin. Gayunpaman, nakahinga ako ng maluwang nang makita ko siyang pababa ng hagdan. Nang masiguro kong wala na ito sa aking paningin ay mabilis akong umakyat sa aking silid.
Pabagsak kong isinara ang pintuan at dumeretso sa banyo. Binuksan ko ang shower at pinagsusuntok ang naka-tiles na dingding. Ilang-beses akong sumigaw ng malakas upang ilabas ang sakit na nadarama ng aking puso. Sinalubong ko ang malakas na tubig at nakayukong umiyak. Inilabas ko lahat ng luhang matagal kong pinigilan. Naninikip ang aking dibdib habang pinagmamasdan nang nanlalabo kong paningin ang dugong umaagos sa aking kamao. Hindi ko kayang tanggapin na ginamit akong kasangkapan nang sarili kong ina, upang makuha at maisakatuparan ang lahat ng gusto nya.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...