MAAGA PALANG AY naghahanda na ang lahat para ihatid si Reid sa huli nitong himlayan.
Halos lumipad ang kaluluwa ni Melissa nang makita nya akong nakaupo sa isang sulok, sa tabi ng kabaong ni Reid. "Czarina..." lapit nya sa akin. "Hindi ka natulog nuh?" Buntong-hiningang aniya, atsaka umupo sa tabi ko. "Huwag mo naman sanang pahirapan ang sarili mo. Naiintindihan naming nagluluksa ka, sino bang hindi? Lahat naman tayo nalulungkot sa pagkawala ni Reid, pero kailangan nating magpatuloy dahil may mga tao pang nangangailangan ng pagmamahal natin." Nangangaral niyang tono. "Kapag nagkasakit ka, paano nalang si Raf?" Dagdag nya.
"May sakit nga ako," walang gana kong tugon.
"A-ano?" Gulat niyang baling sa akin.
"Sabi ni Doc. Arwin, may leukemia daw ako... stage four. At hindi na raw ako aabot ng isang taon." Tulala kong tinuran.
"Czarina, huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan." Pananaway nya.
Seryoso ko siyang nilingon. "Mukha ba 'kong nagbibiro?"
Hindi nakasagot si Melissa, bigla nalang nya akong niyakap at tahimik na umiyak. Tila ba naging matigas ako ngayon, sapagkat hindi man lang ako nadala sa pag-iyak nito, na pawang natuyuan din ako ng mga luha. Hindi lang puso ko ang namamanhid, kun'di pati ang buo kong pagkatao. Para bang tinurukan ako nang maraming dosage ng anesthesia, kung kaya'y halos wala na akong maramdaman.
Kumalas sa akin si Melissa at pilit na pinipigil ang kaniyang pag-iyak. "Pagkatapos ng libing ni Reid, pupunta agad tayo kay Doc. Arwin. Sasamahan kitang magpatingin ulit, baka nagkamali lang sila nang findings." Masugid niyang mungkahi.
"Sayang lang ng pera, mamamatay lang din naman ako." Tuwid kong saad.
"Czarina, huwag ka namang magsalita ng ganyan. Porque ba wala na si Reid, susukuan mo nalang ng ganyan ang buhay mo? Paano naman kaming mga nagmamahal sa'yo? Paano na si Raf? Sa tingin mo susukuan ka nang kapatid mo?" Gising nya sa isipan kong nawawalan na nang pag-asa. "Nasa'n na 'yong dating Czarina? Nasa'n na 'yong malakas at puno ng pag-asa kong kaibigan?" Dugtong niyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Muling tumulo ang mga luhang inakala kong natuyo na. "Natatakot ako, Melissa."
Niyakap nya ako ulit. "Nandito kami, sasamahan ka namin hanggang sa huli. Gagawin natin ang lahat para gumaling ka. May awa ang diyos." Pagpapalakas nya sa loob ko.
******
Dinaluhan nang malalapit na kaibigan ni Reid ang huling sandali bago ito ilagak sa huli niyang himlayan. Ang iba'y sumadya pa talagang umuwi galing ng america, makita lamang ito sa huling pagkakataon. Isa-isang nagbigay ang lahat ng kanilang mga saloobin o mensahe bago tabunan ng lupa ang kabaong. Pilit kong pinipigil ang aking pagluha, dahil ayukong magpaalam kay Reid nang umiiyak.
"Czarina, tinatawag ka sa unahan. Hindi ka ba magbibigay ng message?" Bulong sa akin ni Melissa.
Hindi ko namalayang tinatawag na pala ako upang magbigay ng huling mensahe. Tumayo ako't pumunta sa unahan. Wala pa man akong sinasabi'y sumasakit na ang lalamunan ko. Kinuha ko ang kapirasong papel sa bulsa ng aking pantalon at binuksan iyon. Nahihirapan akong makatulog kagabi, kaya gumawa nalang ako nang tula para kay Reid.
"Reid... mahal ko, alam kong naririnig mo 'ko. My biggest regret in life is—hindi ko nasabi sa'yo agad ang mga bagay na alam kong gusto mong marinig mula sa'kin. Sorry, kung ngayon ko lang ito sasabihin." Sinikap kong makapagsalita na hindi nababasag ang boses at napagtagumpayan ko naman iyon. "I realized that what meets my eyes isn't everything after I met you. You are my first incredible love that came to me by chance. Every time I start to think of a good day, it always ends with you. At first, the word love was still so hard to understand—but I learned more and more next to you. You are like the moon behind the clouds and the stars I see during the day, watching and protecting me." Pinutol ko ang tula, sapagkat nabigo ako sa misyon kong huwag umiyak sa harap ng kabaong ni Reid. Huminga ako nang malalim at sinikap na tapusin ang mensaheng magdamag kong binuo. "When you look at me, I can't move. Every time our eyes meet, my heart feels like it's going to explode. In those moments, it feels like something out of a new novel. You came to me, filled my days, and became a wonderful dream. Those memorable moments of ours, I'll start to write and create an amazing story to look back on in the future. My love, these are the words I've never told you before. I wish I could have said it when I could still hear your sweet voice." Natapos ko ang tula, ngunit kasabay niyo'y ang pagsabog ng mga luha kong hindi paawat at nag-uunahang bumagsak.
Agad akong inalalayan ng mga kaibigan ko, at si Raf—nang makita nilang para akong mabubuwal. Gamit ang holywater ay binasbasan ng pari ang kabaong habang unti-unti itong ibinababa sa hukay.
"I love you so much. Till we meet again, mahal ko." Mahina kong wika't inihulog ang puting rosas sa bumababang ataul.
******
Nang makauwi sa mansion, nagdesisyon akong ipagtapat kay Raf ang tungkol sa nakaraan ng aming mga magulang, hinggil sa tunay naming pagkatao. Alam kong walang madaling paraan para sabihin ito sa kanya. Ngayo'y mas naiintindihan ko na kung bakit ibinigay sa akin ang mabigat na sitwasyong ito, upang ihanda ako sa mas mabigat pang pagsubok.
"Ate, ano po 'yong sasabihin mo?" Nakatingalang tingin sa akin ni Raf.
Bahagya akong umupo para pababain ang sarili ko't matingnan sya ng deretso sa mga mata. "Raf... pakinggan mo nang mabuti ang sasabihin ng ate, ha." Ayon palang ang nasasabi ko'y nahihirapan na akong magsalita.
"Opo," pagtango nya.
"Bago minahal ni nanay si tatay, may una siyang minahal—at 'yon ang tatay ko." Panimula ko.
"Ano pong ibig sabihin no'n, Ate?" Nalilitong tanong nya.
"Magkaiba tayo ng tatay," deretso kong sagot.
"P-po? Pa'no po nangyari 'yon?"
"Buntis na si nanay sa akin nang magpakasal sila ng tatay. Ibig sabihin no'n, anak ako ni nanay sa ibang lalake." Paliwanag ko.
"E... sino po ang tatay mo?"
Natagalan akong makasagot dahil nahihirapan akong isatinig ang naaangkop na salita para sa katanungang iyon. "Sa tamang panahon ipapakilala kita sa kanya." Iyon nalang ang nasabi ko.
"Sige po," inosente niyang sagot.
"Lahat ng naabot ng paningin mo rito—hanggang doon sa Hacienda, lahat nang iyon ay sa'yo." Pinilit kong ngumiti.
Kumunot ang noo nya. "Hindi ko po maintindihan ang sinasabi mo, Ate."
"Si Tatay... anak sya ni Doña Martha, at ikaw ang apo na matagal na niyang hinahanap." Nag-uumpisa nang mabasag ang boses ko. Kunti nalang ay tuluyan nang tutulo ang mga luha ko.
Lumamlam ang kaniyang mga mata, halatang nagpipigil maiyak. "Alam ko na po ang ibig mong sabihin, Ate. Gusto mo po akong iwan dito, tama po ba?"
Nahulog ang mga luha ko. "H-hindi sa g-ganon, Raf. Sinasabi ko lang ang totoo dahil 'yon ang alam kong tama. Mas magiging maayos at maganda ang buhay mo kung kasama mo si Doña Martha, dahil lola mo sya."
"Pero hindi po ako magiging masaya kung hindi kita kasama." Tuluyan na siyang naiyak. "Higit mo po akong kailangan ngayon dahil may sakit ka." Dugtong nya habang kinukusot ang mga mata.
"Paano mong?" Hindi ko natapos ang tanong, sapagkat pinutol nya agad iyon.
"Narinig ko po kayo ni Ate Melissa kaninang umaga." Nagtatampo niyang tono. "Ang sabi mo hindi tayo magtatago ng secret sa isa't-isa, pero bakit hindi nyo po sinabi sa'kin?" Nagrereklamong aniya.
"Raf..." Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. "K-kasi, ayukong masaktan ka."
"Hindi ka po mamamatay. Pakikiusapan ko si Doña Martha na ipagamot ka. Hindi ko po hahayaang mamatay ka na hindi mo pa natutupad ang mga pangarap mo." Mahaba niyang sinabi na lalong nagpalakas sa mga luha ko. "Inalagaan at minahal mo po ako nang higit pa sa buhay mo, kaya ngayon ako naman po ang mag-aalaga sa'yo."
Awtomatiko ko siyang nayakap atsaka napahagulhol.
"Mahal na mahal po kita, Ate." Humihikbi niyang sambit.
Kung mayro'n man akong nagawang tama at maganda sa buhay ko, iyon ay inalagaan at minahal ko nang buo ang kapatid ko. Ang isa't-isa ang aming lakas upang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay. Hindi kami buo kung wala ang isa sa amin.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...