Kabanata 32

23 4 0
                                    

"ANONG NANGYARI?" Gulat na napatingin ang lahat sa dumating na Doña. Agad nitong tinakbo si Raf at sinuri. Hinaplos nya ang mukha ng batang naguguluhan. "Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" Makikita ang matinding takot at pag-aalala sa matandang Doña, habang kinakapa ang katawan ni Raf.

Ang lahat ay nagtaka sa ikinilos ng Doña, dahil imbis na si Reid ang hanapin nito'y dumeretso ito sa kapatid ko na puno ng pangamba.

Bumaling sa akin si Doña Martha. "Magpagaling ka, pupuntahan ko lang si Reid." Anitong tila wala pang alam sa sinapit ng apo.

Unti-unti na naman akong napapaiyak. Marinig ko lang ang pangalan ni Reid, nagkukusa nang tumulo ang aking mga luha.

Nilingon ni Doña Martha ang nananahimik na si Melissa. "Nasa'n ang kuwarto ni Reid?" Walang ideya nitong tanong.

Sumabog ang mga luhang hindi ko na kayang pigilan. Napayuko nalang ang lahat at tahimik na umiyak. Humihigpit ang pagkakahawak ko sa bedsheet. Para bang gusto ko nalang maglaho at mawala sa harapan nilang lahat.

"Nasa'n si Olivia? Hindi nya man lang dinalaw ang anak nya rito?" Tila naiinis na tono ng Doña. "Melissa! Titingnan nyo nalang ba ako?" Nawawalan ng pasensyang dugtong nito.

"N-nasa police station po. K-kaninang madaling araw pa po sya nando'n." Nauutal na sagot ni Melissa.

"Ano?! Anong ginagawa nya ro'n?" Tumataas na boses ng Doña.

Kinutkot ni Melissa ang kaniyang mga daliri, natataranta sa kawalan ng maisasagot sa matanda.

"Ini-interview po sya ng mga pulis tungkol sa nangyaring aksidente kila Czarina kagabi." Si Felix ang sumagot.

"Anong kinalaman ni Olivia do'n?"

Napatingin kaming lahat sa telebisyon nang mag-flash ang balita ukol sa aksidenteng kinasangkutan namin ni Reid.

"Magandang hapon, mga kababayan. Samahan natin si Ava na maghatid nang natatampok na balita sa oras na ito." Panimula ng newscaster.

"Magandang hapon naman sa inyo diyan, Zeny. Nandito ako ngayon sa harap ng kulungan, kung saan nga nakapiit itong suspect sa pagkamatay ng anak ng dating Chief of Police, na si Renato Dela Torre. Ngayon nga'y nasa ilalim nang kanilang protection itong suspeck, dahil sa pag-amin nitong sagkot daw sa krimeng ito ang anak ng isang kilalang negosyante dito sa bansa, na dati rin palang asawa nitong si Sir Renato." Dere-deretsong litanya ng tagapag-ulat.

"Ava, hindi mo ba puwedeng pangalanan ang mga suspect na ito?" Tanong ng newscaster.

"Oo, Zeny. Dahil nakiusap nga itong mga imbestigador, na kung maaari ay huwag muna tayong magbigay o magbanggit ng mga pangalan—hangga't hindi pa tumatakbo ang kaso nang mga ito sa korte."

"Kailan naman kaya natin malalamang naiakyat na sa korte ang kasong ito, Ava?"

"Zeny, nangako naman itong mga pulis na magbibigay sila nang sapat na impormasyon, kapag natapos nga ang pag-iimbistiga nila dito sa sinasabing mastermind ng krimen."

"Sa tingin mo Ava, ano kaya ang motibo sa krimeng ito?"

"Zeny, napag-alamang hawak daw nitong biktima ang mga ebidensya sa nasabing pagsabog ng isang bus, ilang-taon na ang nakakalipas. Ang sabi sa ulat ay nakonsensya daw itong pangunahing suspect kaya sya umamin sa nagawang krimen, at itinuturo ang mastermind na kilalang galing sa isang maimpluwensiyang angkan dito sa lungsod. Ito nga ang masusing tinitingnan ngayon ng ating kapulisan, dahil anak pala nitong mastermind ang namatay na biktima."

"This is so heartbreaking, Ava."

"Yes, Zeny. At napakasakit nang pangyayaring ito doon sa mga naiwang mahal sa buhay ng kawawang biktima."

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon