KINABUKASAN AY MAS MAAGA akong gumising katulad nang aking nakagawian. Naligo muna ako at kumain nang kaunting almusal, bago nagpasyang lumabas sa quarter namin ni Raf. Napangiti ako nang makita ko itong mahimbing pa ring natutulog, at humihilik pa. Kapag araw nang linggo ay hinahayaan ko talaga siyang matulog nang mas mahaba, kahit isang-araw man lang ay masulit nya ang pahinga—nang sa gayo'y mapawi naman ang pagod na ginugugol nya sa pag-aaral.
Kinuha ko sa garahe ang bisikletang ibinigay sa akin ni Doña Martha. Labis kong ipinagpapasalamat iyon sa Doña, sapagkat hindi ko na kailangang maghintay pa nang tricycle para makarating sa Hacienda. Sinubukan ko noon lakarin ang Hacienda, dahil iniipon ko ang pamasaheng ibinibigay sa akin nang mabait na Doña, ngunit kinagabihan ay hindi ako pinatulog nang kumikirot kong mga binti. Mataas na kasi ang araw na dumadaan ang mga tricycle, kaya naisipan kong maglakad nalang upang mas maagang makapagsimula nang trabaho sa Hacienda. Nang matuklasan iyon ni Doña Martha, ay niregaluhan nya ako nang isang bisikleta—noong ikalabin-lima nang aking kaarawan.
"Saan ka pupunta?" Labis kong ikinagulat ang tinig na iyon mula sa aking likuran. Muntik ko pang mabitiwan ang sinusulong kong bisikleta palabas sa garahe.
"Ano bang ginagawa mo riyan, papatayin mo 'ko sa gulat." Humihingal na lingon ko kay Reid.
"Nagiging magugulatin kana yata ngayon," natatawa niyang wika. "Umiinom ka ba ng kape?" Dugtong nya.
"O-oo, bakit?" Seryoso kong sagot.
"Kaya pala... huwag ka masyadong magkakape." Pigil ang tawang mungkahi nya.
Inirapan ko sya, at pinihit ang bisikleta patalikod sa kanya atsaka ako sumampa. Muli ko siyang nilingon nang maramdaman kong tila mayroong humihila sa likod nang aking bisikleta.
"Bitiwan mo," kunot-noo kong siring sa kanya.
"Mamaya kana umalis, madilim pa." Deretsong tingin nya sa aking mga mata.
"Ano naman kung madilim pa?" Pagtataray ko.
"Delikado, madilim ang daan at nakabisikleta ka lang." Kumukunot ang noo nya habang nagsasalita.
"Limang-taon na 'kong nakabisikleta lang na umaalis, at mas madilim pa kumpara ngayon. Wala naman masamang nangyari sa'kin." Pinagtaasan ko sya nang kilay.
"Hihintayin mo pang may mangyaring masama sa'yo, bago ka makinig sa'kin—gano'n?" Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.
"Eh... bakit naman ako makikinig sa'yo?" Muli ko siyang inirapan, kapagkuwa'y nagsimula akong ipadyak ang aking mga paa sa pedal ng bisikleta.
Napahinga ako nang malalim nang mapagtanto kong hindi nya pa rin binibitiwan ang dulo ng bisikleta. Lilingunin ko sana siyang muli, ngunit natuod ako nang magsalubong ang aming mga mukha. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manebela ng bisikleta, at ang isa naman ay sa dulo—na para bang ikinulong nya ako sa pagitan nang kaniyang mga braso.
"You're nervous, huh." Sambit nya habang nakatutok sa aking mga mata.
Klinaro ko ang aking lalamunan at sinikap na makapagsalita. "H-hindi kaya," mariin kong pagkakaila.
"Bakit ka nauutal?"
"K-kasi nanunuyo ang lalamunan ko, n-nauuhaw ako." Napapikit ako sa pagkadismaya sa sarili kong sinabi.
Hindi ko nagawang imulat ang aking mga mata, nang maramdaman kong lumapat ang mga labi nya sa aking labi. Pakiramdam ko'y gustong kumawala nang aking puso, sa mala-tambol na kabog nito. Hindi maawat ang dibdib ko sa pagwawala, kahit pa binitiwan nya na ang aking mga labi. Umiiwas akong tumingin sa kanya, sapagkat batid kong labis na namumula ngayon ang aking mga pisngi.
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...