Kabanata 15

20 5 0
                                    

FIVE YEARS LATER

LIMANG-TAON NA ANG NAKAKALIPAS mula nang bumalik si Reid sa america, pero ni katiting na balita tungkol sa kaniya'y wala akong nasasagap.

Kumusta na kaya sya? Naaalala nya pa kaya ako? Kasi ako... ni minsan hindi sya nawala sa isip ko.

Itiniklop ko ang pahina ng libro na aking binabasa, kapagkuwa'y sumandal sa punong-mangga at tiningala ko ang langit. "Tay... malapit na pong matupad ang pangarap kong makapagtapos. Sa susunod na pasukan, second year college na po ako. Si Raf naman, isang-taon nalang matatapos na sa elementarya." Nangingiti kong pagkausap sa mga ulap, na para bang kaya ako nitong pakinggan. "Sana masaya po kayo diyan. Huwag ka pong mag-alala, mag-aaral ako nang mabuti at tutuparin ko ang mga pangarap natin." Dagdag ko.

Isinilid ko sa bag ang hawak kong libro at akmang tatayo, ngunit napalingon ako sa taong humaharang sa mataas na sinag ng araw. Pilit kong inaaninag ang mukha nito, sapagkat hindi ko iyon masyadong makita—dahil nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa nakatirik na araw. Awtomatiko akong napapikit nang tumama sa aking mga mata ang mainit na sinag ng araw. At nang magmulat ako'y tinakpan nya ang araw, gamit ang kanyang malapad na kamay. Napako ang aking paningin sa pamilyar na mukha, na matagal kong pinanabikang muling makita.

Parang kailan lang ay isang inosenteng binatilyo ang nakikita ko noon, ngunit ngayo'y isang guwapong lalake ang nagpapakita ng kumpiyansa at alindog nang walang kahirap-hirap. Matangkad na may proporsiyon at matipunong pangangatawan, gumagalaw siya nang may natural na kagandahan at poise. Ang kanyang mukha ay kapansin-pansin, na may mga chiseled features na kinabibilangan ng isang malakas na jawline at matataas na cheekbones. Ang kaniyang mga mata ay mapang-akit, sumasalamin sa katalinuhan, ang kulay ng kaniyang balat ay matingkad at malinaw.

Malusog at naka-istilo ang kaniyang buhok na nababagay sa kanyang personalidad, ito man ay maayos na ginupit, kaswal na ginulo, o naka-istilong mahaba. Ang kaniyang ngiti ay isa sa kanyang pinakakaakit-akit na katangian, maliwanag at tunay—na may kakayahang magpailaw sa isang silid at magpakalma sa iba.

"Kumusta?" Nangilid ang mga luha ko, nang marinig ang tinig niyang kailanma'y hindi ko nakalimutan. Lumaki at lumalim man ang kaniyang boses, alam kong pagmamay-ari pa rin iyon nang nag-iisang lalakeng hinahangaan ko. "Tititigan mo nalang ba ako?" Malawak na pagkakangiti niyang na-miss ko ng sobra.

"Reid..." Nanunubig ang mga mata kong sambit.

"Ako nga, mabuti naman at hindi mo 'ko nakali—" Hindi nya naituloy ang kaniyang sasabihin, sapagkat bigla ko nalang siyang sinunggaban nang mahigpit na yakap.

"Bakit ang tagal mong nakabalik?" Naiiyak kong tanong, habang nakayapos pa rin sa kanya.

Narinig ko ang pigil niyang pagtawa, kaya nama'y agad akong kumalas at inayos ang aking sarili. Ngunit hindi ko magawang tumingin ng deretso ngayon sa kanya, sapagkat bigla akong nilukob ng matinding kahihiyan sa aking ginawa.

"Look at you, lalo kang gumanda." Baritono at malalim niyang tinig.

Yumuko ako't pinahiran ang mga luhang kumawala kanina sa aking mga mata. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Pasensya kana, sinunod ko kasi ang gusto ni Mommy—na doon tapusin ang pag-aaral ko."

"Hindi ka man lang nakaalalang sumulat, o tumawag." Paglabas ko nang hinanakit.

"Wala ka bang natatanggap na mga sulat?" Gulat na tanong nya.

"Wala, puro sama ng loob lang." Nanunulis na mga nguso kong pag-irap sa kanya.

"Hey, look at me." Nag-uutos niyang tono.

"Ayuko nga," pag-iinarte ko.

Pilit niyang sinisilip ang nakayuko kong mukha, ngunit panay naman ang pag-iwas ko sa kanya. Natigilan ako nang hulihin nya ang baba ko, at iniangat ang aking paningin. Kakaibang kaba ang aking nadarama, nang mapako ang paningin namin sa isa't-isa. Napalunok ako nang bumaba ang paningin nya sa aking mga labi. Binitiwan nya ang baba ko, at pareho kaming naglihis ng paningin. Hinabol ko ang malalim kong paghinga, at lumanghap ng hangin upang pakalmahin ang aking sarili.

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon