Kabanata 7

17 5 0
                                    

"SI CZARINA PO?" Tumayo ako mula sa pagdadamo, nang marinig ko ang boses ni Reid.

"B-bakit po?" Tinanggal ko ang rubber gloves sa aking kamay at lumapit sa kanya.

"Samahan mo 'ko," nakangiti niyang baling sa akin.

"P-po? Saan po?"

"Sa Hacienda Madrigal," deretso niyang tugon. "Nasa kabilang distrito lang 'yon," dugtong nya.

"Baka hanapin po ako ni Doña Martha," dahilan ko.

"Pinaalam na kita kay Lola, at sya mismo ang nagsabing ikaw ang isama ko." Paliwanag nya.

"Sumama kana Czarina, mamaya doon din ang punta ko—para kumuha ng gatas ng baka." Masiglang sabad ni Melissa.

"Ate, puwede po ba akong sumama?" Tanong ni Raf, na nakahawak sa dulo ng aking uniporme.

"Kapatid mo?" Tanong ni Reid, na ibinaling ang paningin kay Raf.

"Opo," maikli kong tugon.

Isiniksik ni Raf ang kaniyang sarili sa akin, habang lihim na inaabot ng paningin si Reid.

"Sure, puwede kang sumama." Nakangiting wika ni Reid, na ikinatuwa naman ng aking kapatid.

"Mag-iingat po kayo," Paalala ni Manang Anita.

"Diyan po ba tayo sasakay?" Walang mapagsidlang saya na tanong ni Raf, habang napapaawang ang bibig na nakatingin sa magarang kotse na kulay asul.

"Yeah, at dito ka mauupo." Binuhat ni Reid ang bata at inupo sa likuran ng driverseat. Kapagkuwa'y ikinabit nya ang seatbelt sa katawan ni Raf, upang siguraduhing ligtas ito at hindi mahuhulog sa upuan.

Bubuksan ko na sana ang kabilang pintuan ng sasakyan, nang mag-angat sa akin ng paningin si Reid. "Sa unahan ka umupo," suhestiyon nya.

"P-po?" Paninigurado kung tama ba ang narinig ko.

"Ayukong magmukhang driver niyong magkapatid," natatawa niyang wika.

Isinara nya ang pintuan sa tabi ni Raf, at humakbang papalapit sa akin. Bahagya kong ikinagulat nang ilapit nya ang kaniyang mukha sa akin. "Sakay," aniya habang hawak ang nakabukang pintuan ng sasakyan.

Agad akong pumasok sa loob upang iwasan ang kaniyang mga mata. Kabado ako, kasi ito ang unang beses na makakasakay ako sa isang kotse, at sa unahan pa. Nasalubong ko ang paningin ni Reid, nang pumasok sya at umupo sa driverseat. Halos pigilin ko ang aking hininga, nang muli na naman itong lumapit at nagtama ang aming mga braso. Inabot nya ang strap ng seatbelt na nasa aking tabi.

"A-ako na po," utal kong sambit. Ngunit hindi nya ako pinakinggan at nagpatuloy lamang.

Nakahinga ako ng maluwang, nang lumagatok ang seatbelt at nagsimula siyang paandarin ang sasakyan.

"Salamat po," tinig ni Raf sa aming likuran.

"Salamat saan?" Tanong ni Reid.

"Dahil isinakay nyo po kami sa maganda niyong sasakyan. Ngayon lang po kami nakasakay sa ganito, ang lamig-lamig po atsaka ang bango-bango." Mabilis na pagsasalita ni Raf, na halos hindi na humihinga.

"You are welcome," napapangiting baling ni Reid sa aking kapatid.

******

Nag-unat ako ng katawan, nang makababa kami ng sasakyan. Labis kaming namangha ni Raf sa aming nakikita. Napakalawak ng lupain ng Hacienda, at nakakatuwang makakita ng iba't-ibang uri ng mga hayop—katulad ng baka at kabayo.

"Puwede po bang lumapit sa mga kabayo?" Matutunugan ang kakaibang excitement sa tinig ni Raf.

"Sure, huwag ka lang pupunta sa likuran nila." Tugon ni Reid.

Tears in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon