LALO AKONG HUMANGA kay Reid, dahil hindi alintana para sa kanya ang estado ng kabuhayan, upang makipaghalubilo sa mga manggagawa ng Hacienda. Malapit sya sa mga ito, indikasyong maayos at mabuti ang pakikitungo nya sa lahat. Maging ang mga bata'y malapit ang loob sa kanya, lalo na si Raf. Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit sa kanya ipinagkatiwala ng Doña ang pamamahala sa Hacienda. Mayroon siyang mabuting puso para sa mahihirap na katulad namin, lalo na sa mga bata. Hindi ko na ipinagtataka kung bakit mahal na mahal sya ng mga ito, dahil parang pamilya ang turing nya sa kanila. Sa murang-gulang niya'y nirerespeto at mataas ang paggalang sa kanya ng mga manggagawa.
"Maam Czarina, huwag ka pong mahihiya sa amin. Kapag kailangan mo po ng tulong—isang tawag mo lang po, agad naming gagawin." Pahayag ni Manong Oscar, ang pinuno ng kanilang grupo.
"Czarina nalang po ang itawag nyo sa akin," nakangiti kong tingin sa kanya. "Maraming salamat po," dugtong ko.
"Masaya po kami na ikaw ang papalit kay Señorito Reid, kapag bumalik na sya ng america."
"Oo nga po, magaan po ang pakiramdam namin sa'yo." Sabad naman ng isang Ginang, na tingin ko'y hindi tataas sa kuwarenta ang gulang.
"Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap nyo sa'kin dito. Hindi man po ako kasing-galing ni Reid, gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko—para magawa ng maayos ang trabaho ko." Mahaba kong pahayag.
"Naku, sa tingin nga po namin mas magaling ka pa kay Señorito Reid." Pabirong saad ni Manong Oscar.
"Manong Oscar, akala ko ba sa akin lang ang katapatan mo." Pigil ang ngiting sabad ni Reid.
Nagtawanan ang lahat, dahilan para ako'y mapatawa rin. Tumingin ako sa ibang direksyon, nang sumulyap sa akin si Reid.
"Kung papayag ka, ako na ang magtuturo sa'yo kung paano sumakay sa kabayo." Mungkahi naman ng anak ni Manong Oscar.
"O—"
"Ako na ang bahalang magturo sa kanya." Putol ni Reid sa aking pagsang-ayon. Kapagkuwa'y inakbayan nya si Ollie, at tila mayroong ibinulong.
"Sige na, magsibalik na kayo sa mga gawain nyo—para makauwi tayo ng maaga." Baling ni Manong Oscar sa lahat.
Hinawakan ni Reid ang aking pulsuhan, "let's go."
"Huwag mong pakikialaman ang may tantos na." Dinig kong sinabi ni Manong Oscar sa anak, habang natatawa.
"Teka, sandali... bakit mo ba 'ko hinihila?" Nagrereklamo kong tono.
Nang makalayo kami'y kusa nya rin namang binitiwan ang aking kamay. "Ayukong tumatanggap ka ng tulong, lalo na kay Ollie."
"Bakit? Eh... 'di ba kababata mo sya, at kaibigan pa?" Kunot-noo kong pang-uusisa.
"Basta... makinig ka nalang sa'kin." Tila naiirita niyang tono.
"Mabait naman sya eh..."
Matalim nya akong tiningnan, na para bang may nasabi akong mali. "Mabait din naman ako 'di ba?"
"Oo naman," sagot ko.
"E... bakit kapag ako ang tumutulong sa'yo, tumatanggi ka?" Tumataas na boses niyang tinuran.
"Iba naman kasi—" hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin, sapagkat napansin ko ang pamumula ng kaniyang tainga, senyales na tila nagagalit sya sa aking mga sinasabi.
"Ano namang pinagkaiba naming dalawa?"
"I-ikaw, apo ng amo namin. S-si Ollie, anak ni Manong Oscar." Nautal kong paliwanag.
"Ano naman ngayon?!" Nagulat ako sa mataas niyang boses.
"G-galit ka ba?" Napapaisip kong tanong.
"Oo!" Singhal nya sa akin, atsaka ako mabilis na tinalikuran.
"Teka, bakit?" Habol ko sa kanya, ngunit nagpatuloy sya sa malaking paghakbang—kaya bahagya akong napapatakbo upang maabutan sya. "Sandali lang, bakit ba? May nasabi ba 'kong mali? Parang wala naman ah..." habol hininga kong pagsasalita.
Bigla siyang huminto at lumingon sa akin, kaya naman nauntog ang aking noo sa kanyang dibdib. Nawalan ako nang balanse, ngunit nahawakan nya ako sa siko—kung kaya't napako ang paningin namin sa isa't-isa. "Ayukong ngumingiti ka sa ibang lalake. Gusto ko... sa akin ka lang humihingi ng tulong." Ang galit niyang tinig ay naging malamyos at banayad.
Tila ba bumagal ang mga sandaling iyon na kami'y magkaharap. Natagalan ko ang mga tingin niyang nakakatunaw. Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.
Binawi ko ang aking sarili, nang marinig ko ang tumikhim mula sa aking likuran. Nahihiya kong nilingon ang nagmamay-ari sa tinig. "N-nandito k-kna pala," utal kong saad.
"Oo, kanina pa." May panunudyong tugon ni Melissa.
"Tara na, tutulungan na kitang kumuha ng gatas." Anyaya ko sa kanya. Pumihit ako upang tingnan si Reid. "Tutulungan ko muna si Melissa," paalam ko.
Sabay kaming napatingin sa paparating na si Ollie, habang hila si Snow. "Heto na ang kabayo mo," nakangiting baling nito kay Reid, atsaka iniabot sa kaibigan ang tali ng kabayo.
"Salamat," ani Reid. "Ollie, puwede bang humingi ng pabor?" Dagdag nya.
"Oo naman, ikaw pa ba." Masigla namang sagot ng isa.
"Tulungan mo muna si Melissa manguha ng gatas ng baka. Tuturuan ko lang mangabayo si Czarina."
Nagkatinginan kami ni Melissa, "ano?!" Sabay naming bulalas ni Melissa.
Hindi ako nakakilos nang buhatin ako ni Reid, at isinakay sa kabayo. "H-hindi ako marunong mangabayo. Ibaba mo 'ko rito, b-baka mahulog ako." Nag-aalala kong tinig.
"Okay lang, sasaluhin naman kita." Napapangiting pagtitig nya sa akin.
"Tara na nga Ollie, kanina pa 'ko kinakagat ng mga langgam dito." Ani Melissa, habang pinapadyak ang kaniyang mga paa sa lupa.
"Langgam? Saan? Wala naman a..." kamot-ulong ani Ollie, habang iginagala ang paningin sa lupang kaniyang inaapakan. "Mag-iingat kayo," baling nya muna sa amin bago sya sumunod kay Melissa.
"Czarina, hihintayin pa ba kita mamaya pag-uwi?" Lingon sa akin ni Melissa.
"Hindi na, kasama naman nya 'ko. Isama mo nalang si Raf mamaya pag-uwi mo." Si Reid ang sumagot.
Kunot-noo kong binalingan si Reid. "Anong sinasabi mo? Sa atin sasabay si Raf, pauwi." Mariin kong sinabi.
"Kinausap ko na ang kapatid mo, pumayag naman siyang sumabay kay Melissa." Tugon nya, kapagkuwa'y mabilis na sumampa sa kabayo.
Kinuha nya ang dalawa kong kamay at inilagay iyon sa kanyang baywang. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya, nang bigla niyang pinatakbo si Snow.
"Mag-iingat kayo," kaway sa amin ni Melissa.
Ipinikit ko ang aking mga mata, sa pangambang baka ako'y mahulog.
"Open your eyes," suhestiyon ni Reid.
Unti-unti kong ibinubukas ang aking mga mata. "Pa'no mo nalamang nakapikit ako? May mata ka ba sa likod?" Kabado kong tanong.
Natawa sya. "Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang mahulog ka. Atsaka hindi mo dapat pinaparamdam sa kabayo na natatakot ka. Kailangan... ipakita mo sa kanila na ikaw ang superior, para kusa silang susunod sa'yo." Nangangaral niyang litanya.
"Gano'n ba 'yon?"
"Oo, at kapag napamahal kana sa kanila—hindi ka nila hahayaang mahulog, o masaktan." Makahulugang tugon nya.
Napawi ng mga salitang iyon ang naghuhumiyaw kong takot. Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko'y ligtas ako sa anumang kapahamakan—kapag kasama ko sya. Ang tanging ikinatatakot ko'y baka mas lalong lumalim ang nararamdaman kong paghanga sa kanya, na hindi ko dapat maramdaman dahil hindi ako ang babaeng nararapat para sa kanya.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Tears in the Rain
RomanceWARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Cza...