PROPERTY II

1.3K 24 0
                                    

PROPERTY II

Naalala niya pa na nagkaroon ng karelasyon ang nanay niya. Si Tito Romenick niya. Masaya siya dahil masaya ito. Matagal na rin magmula nung makita niya ang magandang kislap sa mga mata nito.

Mahal niya ang mama niya. Mahal niya ito kaya hindi siya tututol sa kaligayahan nito. Mabuti na din dahil tinanggap nito ang nanay niya. At kontento na siya doon

“Ano ba naman iyan Ariana?! Ayaw ko nga sa batang iyan!” natigilan siya sa paglalakad nang may marinih siyang parang nagsisigawan

“Hindi ko naman anak iyan! Bakit dito pa titira sa atin?!” Kahit na hindi nito tinukoy kung sino ay alam niyang siya ang pinapahiwatig nito

“Romenick naman…. Maawa ka naman sa anak ko, kailangan niya rin ng matutuluyan” Rinig niya ang malumanay na boses ng Ina

“Hindi ko problema iyan Ariana, wala akong pakialam kung saan mo itatapon iyang anak mo. I wanna build a home with you pero hindi ako papayag na sasali Ang anak mo” hindi niya maiwasang masaktan

Napahawak siya ng mahigpit sa teddy bear na hawak niya. Gusto niyang umiyak. Hindi siya gusto ng Tito Romenick niya.

“A-anak ko rin si Aria. Please Romenick maawa ka naman sa anak ko” rinig niya ang pagkabasag ng boses ng ina niya. Mas lalo siyang nasaktan

“If you really love me Ariana, you'll going to choose me over that kid. Hindi mo naman kilala ang tatay ng batang iyan. I hate her because she reminds me of your struggles. Nasasaktan ako kapag nakikita ang batang iyan dahil alam kong nasaktan ka noon” napakuyom ang kamao niya at agad na umalis

Hindi na siya nakinig pa dahil alam niya na masasakit na salita lang ang maririnig niya tungkol sakanya

“Aria anak, dito ka muna kina tiya Ara mo. Dito muna kita iiwan ha. May gagawin lang si mama, magpakabait ka dito” sandali niyang tinitigan ang Ina

Kahit hindi nito diretsuhin, alam niyang dahil Kay Romenick kaya siya nito iiwan sa tiya niya.

Nagpilit siya ng ngiti. Ayaw niyang maging sagabal sa mama niya lalo pa at magkakaroon ng ito ng magandang pamilya. Medyo nalungkot lang siya dahil hindi siya kasama

“Ingat ka po mama” hinalikan niya ito sa pisngi

“Ikaw din anak. Kumain ka sa tamang Oras. Magpapadala ako ng pera araw araw ha. Mag aral kang mabuti at wag magpasaway Kay tiya Ara mo” tumango lang siya saka tiningnan Ang mama niya na papalayo.

Hanggang sa lumaki siya at magdalaga na, pinanghawakan ni Aria ang pangako ng Ina. Noong una, maayos pa ang lahat. Nagpapadala ito ng pera para sakanya kaya nakapag aral pa siya ng walang ibang iniisip

Binibisita din siya nito kada buwan ngunit makalipas lang ang ilang taon ay madalang na ito kung makadalaw. Hanggang sa hindi na talaga ito nagpakita pa sakanya at nawala na ng parang bula.

Hindi maintindihan ni Aria noong una. Pero umaasa siya na baka babalikan siya ng Ina pero hanggang sa lumaki na siya ay hindi na ito nagpakita at bumalik pa

Doon na rin nagsimula ang pagmamaltrato ng tiyahin at mga pinsan niya sakanya

“Hindi ka na babalikan ng nanay mo Aria! Wag ka nang umasa! Malamang iniwanan ka na nun dahil wala kang kwenta! Nakakainis lang dahil sakin ka pa binilin! Walang kwenta!” Sikmat ng tiya niya sakanya

Tama siya, ilang taon na din siyang hindi dinalaw ng Ina niya pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag asa. Hanggang sa napagod nalang ang puso niya sa kakahintay

Labing siyam na taong gulang na siya ngayon. Siyam na taong gulang siya noong iniwan siya ng Ina niya. Sampung taon ang nakalipas at parang kahapon lang para sakanya

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon