PROPERTY V

5K 58 0
                                        

PROPERTY V

Hindi niya alam pero kinakabahan siya. Hindi niya dapat ito maramdaman

“This is Aria Perez. My adopted. We can use her as a spy in our organization” Saad ni Gavin. Nagulat siya sa sinabi ni Gavin. Spy? Bakit siya gagawing spy? Iyon ba ang trabaho niya?

“Aria, this is Xian, Drax, and Brent. They're also your masters, and you should obey and respect them just like how you respect and obey me. Got it?” Tumango siya habang nakatingin isa isa sa mga lalaking nakatitig sakanya

Napako ang tingin niya sa panghuli. Hindi niya kilala kung sino iyon pero nagawa niyang makipagtitigan dito. Gwapo ang lalaki, at hindi alam ni Aria kung bakit parang may kung ano siyang naramdaman sa loob ng sistema niya habang nakatitig doon

Ngumiti ito sakanya na ikinagulat niya. Bigla kaseng kumabog ng malakas ang dibdib niya sa di malamang kadahilanan. Napaiwas siya ng tingin dito at tumingin kay Gavin

“Ano po bang gagawin ko?” Tanong nalang niya Kay Gavin. Inalalayan siya nitong makaupo at tumabi ito sakanya

“We have an organization called The Viper Kings, Aria. You'll work under us. Magtatrabaho ka pero hindi basta bastang trabaho” tumigil si Gavin at humithit ng sigarilyo

“We have many enemies, and we'll use you as a spy–

“I think he can't do that Gavin” napatingin siya sa lalaking nagsalita. It was him, the man who smiled at her earlier. Natigilan siya ng tumingin ito sakanya

“What do you mean Brent?” Nakatitig pa rin si Brent sakanya

“She's a girl. Hindi niya kakayanin ang—

“I can do. Kaya ko naman po” sagot niya saka tumingin kay Gavin

“P*p*tay po ba ako?” Tanong niya dito. Narinig niya ang pagsinghap ng dalawa pa nitong kasama na para bang gulat at di makapaniwala

“She's really something huh”

“San mo ba napulot yan? Bakit ang tapang masyado?” Tanong ng isang lalaki at nginisihan siya. Ngumiti lang din siya dito

Ito ang gusto niya, ang purihin siya dahil sa magaling siya. She needs it para mapag igihan pa ang trabaho niya. Hindi niya dapat i-dissapoint ang mga masters niya

“Well, I was on my way when I saw her, her mouth is covered with blood. Her clothes is messy when I found her. She said someone r*ped her” malamig na saad ni Gavin.

Nakita kong natigilan sila at napatitig sakin.

“Are you okay?” Tanong ng lalaki na kanina pa nakatitig sakanya at tanging kumakausap sakanya maliban kay Gavin. Tumango siya dito

“Don't worry about me. Okay lang ako” sagot niya. Parang may kung anong dumaang emosyon sa maganda nitong mata. Parang hindi naniniwala sa sinabi niya

“Who r*ped you then?” Malamig na tanong ng isang lalaki. Napahinga siya ng malalim at sandaling napatingin sa baba

“Yung lalaking bumili sakin. Siya yung g*m*h*sa sakin. Pero wag kayong mag alala, Wala na siya. Pinatay ko na” ngumiti si Aria sakanila na ikinatigil niya

“Is she your lost sister Gavin? Or Xian? Bakit kaugali niyo ang babaeng yan?” Tanong ng isa pa na hindi niya kilalang lalaki

Ngumisi si Xian saka tumingin sa isang lalaki na nagngangalang Brent

“Well, she isn't. But I think we can get though together. Magkakasundo kami nito. I can make her my wife if ever I wanted to” ngumisi ng nakakakilabot sakanya ang lalaki. Tinitigan niya lang ito

Montero's Property Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon