PROPERTY XXI

582 13 0
                                    

PROPERTY XXI

Pasado hating gabi na nang magdesisyon silang lahat matulog.

“I have five guest rooms here, kayo na ang bahala kung san kayo papasok. I'll go to my room” Saad ni Gavin. Pasuray suray ang lalaki at medyo lasing na habang sina Drax at Xian naman at medyo lasing na rin

“Let's go, kailangan mo nang magpahinga” saad ni Brent at hinawakan ang kamay niya saka akmang papasok na sila sa kwarto nang humarang si Diane

“Brent, can I sleep with you? Please….” Gusto ni Aria na magtaas ng kilay dahil sa sinabi ng babae.

“You can sleep with Brent, may girlfriend na yan, panigurado sa girlfriend siya tatabi at hindi sayo” ngisi ni Drax at inakbyana si Diane. “You can sleep with me instead” ngisi ng lalaki. Inalis naman ni Diane ang pagkakaakbay ni Drax at tumingin kay Brent

“Brent please—

“Sorry Diane, sa kwarto ako matutulog kasama si Aria” Saad ni Brent at hinila siya para hawakan sa bewang

“W-what? But I'm scared being alone…. Brent…” hindi niya alam kung bakit nawala ang antok niya at napalitan ng inis dahil sa babaeng madrama na nasa harapan niya

Bakit Kay Brent ito lalapit? Bakit sa boyfriend niya pa? Hindi niya maiwasang mainis sa babae. Ngayon lang siya nainis sa kapwa babae ng ganito, hindi niya alam na kapag pumasok ka sa isang relasyon ay makaka-encounter siya ng ganito

“It's not my problem at all Diane. We should go now” hinila na siya ni Brent at agad silang pumasok sa kwarto nila. Pero bago iyon ay lumingon muna siya kina Diane at Drax

Nagulat siya nang hawakan ito ni Drax at halikan. Hindi nalang niya iyon pinansin, Wala naman siyang pakialam kay Diane, bahala na ito sa buhay niya

“Let's sleep” malambing siyang niyakap ni Brent at isinubsob ang mukha nito sa leeg niya.

“Sweet dreams baby…” bulong nito. Napayakap siya sa binata at mahigpit itong niyakap, natatakot na baka may umagaw mula sakanya

Nang magising siya kinabukasan ay tuloy pa si Brent. Napangiti siya habang nakatingin sa payapa at gwapo nitong mukha saka kinantilan ng halik ang mapula itong labi. Hinalikan din niya ang pisngi at leeg nito

Umungot ang binata at mas lalo pa siyang niyakap. Nang masigurong tulog na ito ulit ay kaagad niyang inalis ng dahan dahan ang mga braso nitong nakayapos sakanya saka siya bumangon

Naligo siya at planong maghanda ng pagkain. Tatapusin din niya ang portrait ni Gavin ngayon. Inilugay lang niya ang basa niyang buhok saka bumaba sa kusina

Natigilan at napaatras siya habang tulala nang madatnan sina Drax at Diane na naghahalikan sa kusina. Nakahubad ng pang itaas si Drax habang si Diane naman ay nakasuot ng puting t-shirt, natulala siya nang maalalang damit iyon ni Drax kagabi

Hindi niya maiwasang mapangiwi Kay Diane. May asawa na itong tao pero kung makapaghabol kay Brent at makipaghalikan Kay Drax ay parang dalaga pa siya at walang asawa.

Walang emosyon lang niyang nilagpasan ang dalawa at pumunta sa kusina, magluluto na siya

Habang nagluluto siya ay hindi niya maiwasang mapangiti. Paniguradong magugustuhan ni Brent ang niluto niyang steak. Sasarapan niya ang pagluto para sa boyfriend niya

Dinamihan na niya dahil hindi naman siya madamot pagdating sa pagkain.

“Oh? So, why the hell are you cooking? As if you're a wife material, pasikat ka talaga!” napalingon siya kay Diane na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatingin sakanya. Iba na ang suot ng babae. Masama ang timpla ng mukha nito

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon