PROPERTY XXXIV

687 16 1
                                    

PROPERTY XXXIV

“She's okay now, don't worry about her. Na trigger lang ang utak niya kaya sumakit, normal po iyon sa mga taong nagkakaroon ng temporary amnesia”

Kahit nakapikit ang mga mata ay dinig ni Aria ang babaeng nagsalita.

“what should we do doc?” Rinig niyang tanong ni Brent. Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito sa kamay niya

“well, as much as possible, the patient's thinking cannot be forced. don't let her force her memory to come back, let her until he remembers it by herself because the patient will be triggered more, causing his head to hurt and his nose to bleed”

“May gamot ba sa pagsasakit ng ulo niya?” Seryosong tanong ng binata

“Yes Mr. Montero, I bet she's taking her meds already. Makakatulong po ito para mawala ang sakit sa ulo niya at ang pagdurugo”

Hindi niya masyadong napakinggan ang pag uusap ng dalawa. Naramdaman nalang niya ang pag alis ng doktor. Minulat niya ang mga mata at agad na nagtama ang mga tingin nila. Nakaramdam ng pagkabog ng dibdib si Aria habang nakatitig sa binata

“I'm glad you're awake. How's your feeling?” Masuyong tanong ng binata at umupo sa kama saka hinaplos ang pisngi niya. Napalunok siya nang makaramdam ng pagka komportable sa mga haplos nito

“Where am I?” Malamig niyang tanong dahilan para matigilan ito.

“You passed out. You're here in the hospital” napaiwas siya ng tingin sa lalaki saka bumangon

“Hey, you need to rest–

“I wanna go home” malamig niyang putol sa lalaki at tinitigan ito. Wala siyang tiwala dito, pero taliwas iyon sa sinisigaw ng puso niya. Ibang iba

“Hindi pa pwede” sumeryoso ang mukha ng binata at saka siya hinawakan sa magkabilang balikat

“Humiga ka ulit” tahimik siyang nagpaubaya at humiga saka iniwas ang tingin dito at tumingin sa kung saan

Ramdam niya ang titig sakanya ng binata, at ang titig ng lalaki sakanya ay nakapagbigay sakanya ng kilabot.

“I don't know what happened to you” naramdaman niya ang paghaplos ni Brent sa buhok niya.

“You can't remember me, but I make it faster for you to remember me” naramdaman niya ang paghawak ng kamay ni Brent sakanya

Inalis niya ang pagkakakapit ng binata saka ito malamig na tinitigan

“Magkakilala ba tayo dati? Mag kaano ano tayo?” Tanong niya. Gusto niyang malinawan kung totoo ba ang sinasabi nitong boyfriend niya ito noon gaya ng pagkakaalala niya

“I'm your boyfriend” hinaplos ng binata ang pisngi niya at agad siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya

“Why did you kiss me?” Ngumiti ang binata sakanya

“Because I'm your boyfriend” sandali niya itong tinitigan saka nagsalita ulit

“Wag mo na ulit gagawin iyon” napaseryoso ang mukha ng lalaki dahil sa sinabi niya at parang nagsisi siya dahil sa pandidilim ng mukha nito

“Bakit naman hindi? Boyfriend mo ko—

“Let's break up” mas lalo itong natigilan sa sinabi niya at kalaunan ay natawa saka siya nginisihan

“I remember, sinubukan mo rin na makipaghiwalay sakin noon, but I didn't let you break up with me” saad nito habang may pinapaalala sakanya.

Tinitigan niya ang taong kaharap. Maliban sa panaginip, ni katiting na alaala sa binata ay Wala siyang makapa. Bakit kaya?

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon