PROPERTY XXVIII

573 13 1
                                    

PROPERTY XXVIII

Pasado alas onse na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Aria. Magkatabi silang dalawa ni Brent. Nakayakap sakanya ang lalaki at halatang ayaw siya nitong pakawalan

Mahimbing na ang tulog ng kasama niya habang siya naman ay dilat pa rin ang mata

Inalis niya ang pagkakayapos ng lalaki at nakahinga ng maluwag dahil hindi ito nagising. Agad siyang bumangon para magtimpla ng gatas

Alam kase niyang makakatulog siya agad. Isang napakadilim na hallway ang bumungad sakanya. Wala man lang kailaw ilaw ang magandang mansyon

Mabuti nalang at sanay siya sa madilim kaya hindi na siya nahirapan pang bumaba. Nahanap din naman niya kaagad ang kusina dahil medyo nakabisado niya ng kaunti ang mansyon

Nagtimpla siya ng gatas at ininom ito. Nang maubos ay kaagad niyang hinugasan ito sa lababo at aalis na sana nang may tumakip sa bibig niya

Marahas niyang hinawakan ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya pero malakas ang taong nasa likuran. Nagpapasag pasag siya para makaalis pero di niya magawa

“Don't shout Aria…. They might hear us” bulong ng kung sino sa likuran. Nawala ang kaba sa dibdib niya nang marinig ang pamilyar na boses

Nilingon niya ito saka nagtatanong na tiningnan

“Anong ginagawa mo dito, Gavin?” Bulong niya sa lalaki. Nakasuot ito ng itim. Hinubad ng lalaki ang bonnet dahilan para bumungad kay Aria ang napakagwapo nitong mukha

“I'm here to save you” seryoso nitong saad at hinawakan siya sa braso.

“B-bakit?” Ngumisi si Gavin sakanya

“I'm here to save your ass off, ilalayo kita sa siraulo mong kapatid”

“S-saan mo ko dadalhin?”

“Babalik ka sa mansyon. Brent is insane, alam kong magkapatid kay yet he still force you to have a relationship with him” kumunot ang noo niya

“Pano mo nalamang magkapatid kami?”

Napasuklay ang lalaki sa buhok nito bago siya tingnan ng seryoso. Kahit na madilim ay aninag niya pa rin ang mukha nito. Ganun katalas ang paningin niya

“He told me before he courted you. Saka na raw niya sasabihin na magkapatid kayo para hindi ka mabigla. Nagulat ako nang malaman kong kayo na pala”

Sandali siyang napaisip. Kung ganun, matagal na palang alam ni Brent na magkapatid sila?

“Kailan niya nalaman?”

“Well, he made an investigation about you and found out that you're his sister, Akala ko pa naman walang gagawin ang tarantadong iyon but look at you now, having a relationship with your own brother” hindi niya maiwasang mapahinga ng malalim

Humarap siya sa lalaki. “Bakit hindi mo sinabi sakin ito noon? Alam mo palang magkapatid kami, bakit di mo sinabi?” seryoso niyang tanong sa lalaki dahilan para matigilan ito

“Saji niya siya na ang magsasabi sayo. I don't want to meddle with his business so I let him, hindi ko naman alam na magiging ganito ang kahahantungan ng pananahimik ko” napailing ang lalaki saka siya hinawakan sa braso

“Umalis na tayo bago pa niya tayo mahuli” Wala siyang nagawa kundi ang sumunod Kay Gavin. Gusto niyang makaalis at makalayo kay Brent pero hindi niya alam kung bakit parang may parte sakanya na nagdadalawang isip

“Pano ka nakapasok dito?” Bulong niya sa lalaki. Sa pagkakaalam niya ay may mga bantay ito pero hindi naman masyadong mahigpit

“Well, I have connections” ikli nitong sagot saka siya hinila paalis. Dahan dahan silang lumabas dalawa at halos hindi na siya humihinga habang nakasunod kay Gavin

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon