PROPERTY XXIV

560 9 0
                                    

PROPERTY XXIV

“I want you to prepare yourself, We'll go to our house, ipapakilala kita sa mommy ko” gulat siyang napalingon kay Brent.

Nandito sila sa garden sa labas ng mansyon at nag uusap. “S-seryoso ka?” Tanong niya, hindi pa rin makapaniwala. Ngumiti ang lalaki sakanya at inayos ang iilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha

“Yes, after all you're my girlfriend, baka sabihin mong itinatago kita kaya ngayon, ipapakilala na kita kay Mommy” napangiti siya at parang natuwa ang puso niya

Hindi niya aakalain na ipapakilala siya ni Brent sa pamilya nito. Ito ang unang beses na makikita niya ang mommy nito, hindi niya aakalain na masaya pala kapag ang taong mahal mo ay ipapakilala ka na para bang handa kang ipagsigawan sa buong mundo

Pero hindi niya rin maiwasang malungkot. Hindi naman siya ang babaeng mahal ni Brent, bakit siya nito ipapakilala? Bumalik sa alaala niya ang pag uusap nilang dalawa ni Diane kanina, sa kwento nito, alam niyang mahal na mahal ni Brent ang babae

“Hey, what's wrong? Bakit ka malungkot?” Tanong nito at hinawakan ang pisngi niya. Malungkot siyang ngumiti.

“B-bakit mo naman ako ipapakilala? Hindi mo naman ako mahal tapos girlfriend mo lang naman ako” hindi niya maiwasang masaktan sa mismong sinabi niya. Totoo naman, boyfriend niya lang si Brent at alam niyang hindi naman talaga siya mahal ng lalaki. Gusto lang siya nito

Kumunot ang noo ni Brent at halatang hindi nagustuhan sa sinabi niya. “Who told you that I don't love you?” Taka nitong tanong. Napayuko siya at hindi nakaimik agad

“H-hindi mo naman kase sinabing mahal mo ko eh, ang sabi mo lang kase non ay gusto mo ko” lumamlam ang mga mata ng binata dahil sa sinabi niya

“Aria….” Naging mahinahon at malambing ang boses ng binata

“Mahal kita….” Hindi nlya maiwasang matigilan. Naramdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib niya.

“A-ano?--- hindi niya natapos nang putulin iyon ni Brent sa pamamagitan ng masuyong halik sa labi.

Hindi siya nakagalaw. Naramdaman niyang hinapit nito ang katawan niya papalapit sa binata. Nang maputol ang halikan nilang dalawa, ang magandang mga mata nito na punong puno ng pagmamahal ang nakita niya

“Mahal kita Aria…. Mahal na mahal kita” masuyong hinalikan ng binata ang kamay niya habang hindi pinuputol ang titig nito sakanya

“Handa akong gawin ang lahat, makulong ka lang sa bisig ko habang buhay. I want to make love with you forever baby…. Handa akong manatili sa tabi mo, let you experience different things, be with you everyday and fight for you until death kung kinakailangan” natulala siya sa sinabi ng binata. Ang naririnig niya lang, ang malakas na tibok ng puso niya

Nakatanga lang siya at walang masabi, walang kahit anong boses na lumabas sa bibig niya.

“Wala ka bang sasabihin?” Seryosong tanong ni Brent sakanya. Unti unting pumaskil ang maliit na ngiti sa labi niya. Para siyang nabunutan ng tinik sa narinig, humupa ang pag aalinlangan sa dibdib

“M-mahal din naman kita….” Mahina niyang pag amin at napapikit nalang. Nahiya siya bigla. Hindi naman niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Siguro kase iyon naman talaga ang sinisigaw ng puso niya at iyon naman talaga ang nararamdaman niya

Inangat ni Brent ang mukha niya. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. “Talaga? Mahal mo rin ako?” Naniniguro nitong tanong sakanya. Tumango siya at nag iwas ng tingin sa binata

Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi bago siya nito bigyan ng isang mainit na halik na buong puso naman niyang tinanggap

“I'm glad knowing that my girlfriend also felt the same way. Masaya ako Aria, masayang masaya” bulong nito sa pagitan ng halikan nilang dalawa

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon