PROPERTY XVI

651 16 0
                                    

PROPERTY XVI

Napatingin si Aria Kay Brent at gulat na tumitig sa lalaki. Nakatingin lang din ito sakanya na para bang siya lang ang bukod tanging babae na nasa paligid. Napakurap siya at pilit na pinoproseso sa utak ang sinabi ng lalaki

Hindi naman siguro siya pinaglalaruan ng pandinig niya dahil rinig na rinig niya iyon

Hindi maawat sa pagkabog ang dibdib niya. Lumingon si Brent sa mga bata at agad na sumemyas na lumapit ang mga ito sakanila

“Kuya ito po oh! May anim akong kuha!” Bungisngis ng bata at agad na binigay sakanila ang mga printed na litrato

Kusa siyang napangiti nang makita ang iba't ibang kuha nila ni Brent, sa paglapat ng kanilang mga labi, sa pagtitigan nilang dalawa, sa pagtingala nila sa itaas ng kampana, at ang paghawak ni Brent sa pisngi niya nang hindi niya namamalayan

“Ang ganda naman ng mga ito, salamat ah?” Tumango ang dalawang mga bata

Akmang kukuha ng pambayad si Brent nang pigilan ito ng batang lalaki. “Wag na po kuya, sobra na po Ang binayad niyo samin ng kapatid ko. Basta, ingatan niyo nalang po si ate” ngiti nito sa binata

Mahinang natawa si Brent at ginulo ang buhok ng bata. “Aalagaan ko pa rin naman siya kahit hindi mo ibilin” tumango ang batang lalaki at tumingin sakanya saka nilapitan siya

“Ate” panimula nito at ngumiti sakanya. “Para po sainyo oh” may ibinigay ang bata sakanya. Sandali siyang natigilan nang makita iyon, isang kulang puting rosaryo. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maiyak nang mga sandaling napatitig siya sa Isang puting rosaryo na nasa kamay na niya

“Alam ko po marami kang pinagdadaanan sa buhay, tayong lahat naman meron, pero sana ate, wag mong ikulong ang sarili mo sa iisang silid na tanging kadiliman lang ang nandoon, lumabas ka po, magdasal ka sakanya kung masakit at mabigat na, wag po kayong mag alala, palagi ka po niyang naririnig, basta po” kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya nang marinig ang sinabi ng bata

Napatingin siya sa binti niya nang maramdamang may yumapos at yumakap doon. Ang batang babae. Nakangiti ito sakanya, masayang masaya ang mukha

“Ate ang ganda mo po, sana po hindi ka na malungkot at mahanap mo na ang kasiyahan sa iyong puso. Alam mo ba ate na nahanap mo na ang swerte mo?” Natawa siya sa sinabi ng batang babae at pinisil niya ang malambot nitong pisngi

“Nasan na ang swerte ko?” Pabiro niyang tanong sa bata. Gusto lang niyang sakyan ang sinabi nito

“Siya po” napatingin siya sa tinuro nito at natigilan. Natigilan din si Brent nang makitang siya ang tinuro ng batang babae. Napalunok siya at napaiwas ng tingin dahil sa titig na ibinigay ni Brent sakanya

“Siya po ang swerte niyo, wag niyo po siyang pakawalan ah? Nahanap mo na po ang taong bubuo sayo. Sana po maimbita niyo kami sa kasal ninyo ah? Sana dito kayo ikasal” napailing nalang siya ng mahina at pilit na itinago ang gulat sa dibdib

Napatingin siya sa picture na hawak niya. Ang gaganda ng kuha nun at lahat iyon ay nagustuhan niya. Parang isang professional photographer ang kumuha kahit alam niyang bata lang naman iyon

“I love your smile” napaangat ang tingin niya nang marinig ang tinig ni Brent. Tipid siyang ngumiti at ibinalik sa lalaki ang pictures na kuha kanina

Kinuha iyon ng lalaki at ibinulsa ang tatlo saka ibinigay sakanya ang natira. Kunot noo at nagtatanong siyang tumingin sa binata

“It's yours, keep it. When you feel sad or empty, just look at our pictures, sana makatulong sa pag gaan ng pakiramdam mo kahit papaano” nahihiya siyang inabot iyon at saka tiningnan iyon isa isa

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon