PROPERTY XI

775 13 0
                                    

PROPERTY XI

Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya alam ang sasabihin.

Hinawakan ni Brent ang panga niya at pinatingala siya ng binata. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. May kung anong emosyon siyang nababasa sa mga mata ng lalaki

“Papayagan mo ba ako?” Seryoso nitong tanong sakanya. Napalunok siya at nag iwas ng tingin

This is new for her. Hindi siya makapaniwala. Ito ang unang beses na may nanligaw sakanya, ito ang unang beses na may umamin sakanya. Ilag siya sa mga lalaki, ayaw niya sa mga ito dahil para sakanya, ang mga ito ang may kasalanan kung bakit sira ang buhay nila ng mama niya

“Hindi ko alam…..” iyon lang ang lumabas sa bibig niya at pasimpleng itinulak si Brent na nakayakap sakanya. Napatingin siya sa silid, abandonado iyon. Walang tao, hindi niya alam kung nasaan sila pero alam niyang nasa hideout pa rin sila

“Manliligaw pa rin ako” seryosong saad ni Brent na ikinatigil niya.

“I know that you're afraid Aria. I can see it in your eyes” napatingin siya sa binata na ngayon ay ilang dipa ang layu sakanya

“But don't be…. I'm harmless, I won't hurt you” saad nito at inisang hakbang ang pagitan nila saka siya nito hinawakan sa bewang

Hindi niya alam kung bakit kusa siyang nagpaubaya na yakapin siya ni Brent. Naramdaman niya ang haplos ng binata sa buhok niya at ang pasimpleng paghalik nito sa ulo niya

“Don't worry Aria, I'm here, ready to fix the broken you” mahinang bulong sakanya ni Brent saka siya pinakawalan. Hindi niya alam kung bakit kusang sumusunod sa binata ang katawan niya. Kinarga siya nito

Dahan dahan siyang niyakap ni Brent at naghanap ng bakanteng pwesto. Nang makakita ito ng pwesto ay dahan dahan siya nitong ibinaba habang nakatitig sa mga mata niya

Itinukod ng binata ang dalawa nitong kamay sa magkabilang gilid, habang ikinukulong siya ng matitigas nitong bisig

“You're so beautiful Aria….” Itinaas ni Brent ang kamay niya at pasimpleng hinaplos ng daliri nito ang makinis niyang pisngi bago siya nito hinalikan.

Natigilan si Aria. Nakatulala lang sa kung ano ba ang dapat gawin. Ramdam niya ang malambot at basang labi ni Brent na nakadampi sa labi niya.

Idiniin ng lalaki ang halik sakanya habang ginagalaw ang labi nito, hinahalikan siya. Si Aria naman ay hindi alam ang gagawin, kusa nalang tumulo sa pisngi niya ang luha sa mga mata.

Natigilan si Brent at agad napatitig sakanya. Napalunok ito at agad na pinahiran ang luha sa mga mata niya. “S-sorry, I just can't help it baby…. Hindi ko napigilan ang sarili kong halikan ka, I'm just tempted to taste your lips” mahinang bulong ng binata habang masuyong pinapahiran ang luha sa mga mata niya.

Napatitig siya Kay Brent. Wala namang masama kung susubukan niya di ba? Wala namang masama kung pagbibigyan niya ito.

Kusang tumaas ang kamay niya at hinawakan ang mukha ni Brent, halatang natigilan ang binata sa ginawa niya at natigil sa pagpahid ng luha sa pisngi niya.

Hinaplos niya ang gwapo nitong mukha saka agad na hinila para halikan. Ramdam niyang natigilan si Brent pero kalaunan ay tumugon na rin sa halik na ibinibigay niya.

Hindi siya marunong humalik, pero susubukan niya. Gusto niyang matuto. Wala na siya dapat ikahiya at Wala na siyang karapatang mag inarte dahil hindi naman na siya malinis na babae.

Alam niya ang mga lalaki, alam niya kung ano ang gusto nila. Pero sa sitwasyon nila ngayon, susubukan niyang ibigay ang sarili Kay Brent. Hindi naman niya alam kung bakit niya gagawin iyon. Basta ang gusto lang niya, gusto niyang maramdaman si Brent, gusto niyang maranasan kung papaano nga ba siya nito aangkinin

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon