PROPERTY XXXVI

654 14 1
                                    

PROPERTY XXXVI

“Saan tayo pupunta?” Takang tanong niya kay Brent habang magkahawak kamay na naglalakad sa malaking pasilyo. Pakiramdam talaga niya ay pamilyar itong lugar sa loob

“Sa kwarto ng mama mo” Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ni Brent.

“Mama ko? May mama ako?” Hindi makapaniwala niyang tanong. Hindi sumagi ni minsan sa isipan niya na may nanay pa siya

“Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?” Mas lalo siyang nalito. Dito ba nakatira ang mama niya dahil boyfriend siya ni Brent? O dati ba niyang asawa ang lalaki?

“She lives here, she's my dad's wife” natigilan siya at napatitig kay Brent saglit. Ramdam ng binata ang pagtigil niya kaya naman ay tumitig din ito sakanya pabalik

“K-kung asawa ng papa mo ang mama ko…. Ibig sabihin magkapatid tayo?” Dahil sa sinabi niya ay di maiwasang mapangisi ng binata. Ngisi na pamilyar sakanya

“We're not siblings, Aria. Hindi tayo totoong magkapatid. Your mom is just my stepmother and my dad is your stepfather” naningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi ng lalaki

“So you're my stepbrother?” Dahil sa sariling sinabi ay hindi niya maiwasang mainis

“Ayokong maging kapatid ka!” Matigas niyang saad sa lalaki. Hindi talaga gusto ang katotohanang magkapatid silang dalawa.

“Of course baby, ayaw ko rin naman. But I am selfish, aalis ka? Tatakas ka ulit gaya ng ginawa mo dati? Iiwan mo ulit ako?” Malamig na tanong nito sakanya. Marahas siyang napailing at namewang sa harapan nito

“Hindi. At bakit ako aalis? Hindi ako aalis dahil paniguradong may umaaligid na higad sa paligid” nangangalaiti niyang bulong sa binata. Nagulat siya nang matawa ito ng mahina

“May nakakatawa sa sinabi ko Brent?” Mataray niyang tanong dito. Umiling lang ang binata saka siya niyakap at hinalikan sa labi na ikinatigil niya

“Nagseselos ka ba kay Diane?” Tumango siya dito. Wala naman siya dapat itago. Hindi siya pakipot pagdating sa binata

“Oo, nakita ko kung pano ka niya titigan! Subukan mong lumapit sakanya at malilintikan ka talaga sakin” imbes na matakot ay ngumisi lang ang binata

“Don't worry baby, sayo lang ako…. I love you” parang biglang nagising ang puso niya nang marinig iyon mula sa binata.

Nakita nito na natigilan siya kaya naman Isang mainit na halik sa labi ang binigay nito sakanya

“I'm willing to wait for your I love you too again. Maghihintay ako—

“I love you too, Brent. Mahal na mahal kita kaya wag ka nang lumandi dun sa babaeng iyon, okay na?” Ito naman ang natigilan dahilan para mapangisi siya at pilya itong kinindatan

“Nasan ang kwarto mo? Maglandian nalang tayo don” Saad niya at siya na ang lumingkis sa binata. Napailing ito at saka siya hinalikan sa noo

“Mamaya na, kanina pa nag aantay ang mama mo sayo” tumango siya at agad na sumunod kay Brent na ngayon ay hinihila siya

Kunot noong pinakatitigan ni Aria ang babaeng nasa harapan niya. Hindi niya ito maalala, at hindi niya alam kung bakit parang may parte sakanya na ayaw niya itong Makita. May masama ba ito g ginawa sakanya?

“A-aria anak….” Kusang tumaas ang kilay niya dahil sa narinig

“Nanay talaga kita?” Naniniguro niyang tanong sa babaeng kaharap. Natigilan ito at malungkot siyang tiningnan

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon