PROPERTY VII

864 15 0
                                    

PROPERTY VII

Hindi niya alam ang nangyayari. Nakapikit lang siya habang hinihintay si Brent na magsabi na pwede na siyang dumilat, pero lumipas na ang halos kalahating minuto ay wala pa rin.

“B-brent?” Kinabahan na siya. Gusto na niyang dumilat, gusto na niyang umalis silang dalawa, pero nangako siya sa binata na hindi siya didilat hanggang hindi ito nagsasabing dumilat siya

“Y-you can now open your eyes Aria” naramdaman niya ang mainit na kamay na humawak sakanya at dahan dahan iyong inalis sa tenga niya

“Open your eyes now baby…. You're now safe” mahinang bulong ni Brent dahilan para dahan dahan siyang dumilat

Napatitig siya sa itsura ni Brent at natulala. Maraming pasa ang buo nitong mukha. Duguan at pumutok ang mga labi nito, magulo ang itsura habang tumatagaktak ang mga pawis sa buong katawan. Sira na din ang damit nitong suot

Sa kabila ng kaawa awa nitong itsura, nagawa pa rin niyang humanga dahil mas lalo lang itong naging gwapo sa paningin niya. Hinihingal ito at pawisan ang buong katawan, hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa napakakisig nitong itsura

“B-brent ayos ka lang?” Tanong niya at nag aalalang sinapo ang mukha nito. Nagpilit ito ng ngiti sakanya pero ramdam niya na masakit ang buo nitong katawan

“You're really are something Montero, of course, you can't enter the Viper kings organization if you're not good as this” napatingin siya sa nagsalita. Si Moreno

Tumingin siya sa nasa sahig. Nagulat siya nang makita ang napakaraming nakahandusay na mga lalaki. Tulog na ang iba habang namimilipit naman sa sakit ang iba, marami ito

Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Brent. Totoo ba? Ito ba ang may dahilan kaya nakahandusay ang halos lahat ng lalaking nasa sahig? Ito ba ang dahilan?

Hindi niya maiwasang mamangha at mapangiti. Sa kauna unahang pagkakataon, napuno ng tuwa ang puso niyang nakatingin sa binata na ngayon ay nakatitig sakanya

“But I can't let you escape either. Here, another 20 mens” lumabas mula doon ang dalawampung nakaitim na naman na mga lalaki. Nag tagis ang bagang ni Aria habang nakatingin kay Moreno.

Hindi na kakayanin ni Brent na labanan ang mga iyan. Ramdam niya na pagod na ito pero lumalaban pa rin para ipakita sakanya na ayos lang ito

“Hindi na siya lalaban—

“I can beat them…. Let me handle this baby” natigilan siya sa tinawag nito sakanya.

“Close your eyes again–

“No, hindi ka na lalaban. Brent marami ka nang pasa” nakokonsesya na siya dahil alam niyang dahil iyon sakanya, palpak ang misyon niya, at nadamay pa ito para lang iligtas siya

“It's okay. I can beat them just for you, para hindi ka nila saktan” napailing siya at agad na tiningnan nang matalim si Moreno.

“Ako nalang ang lalaban” alam niyang kalokohan ang pinagsasasabi niya. Humalakhak si Moreno na para bang napakalaking biro ang sinabi niya na ikinainis niya.

“Oh really? A girl like you? Okay, go boys!” Napahinga siya ng malalim at akmang susugod na pero naramdaman niya ang hawak ni Brent sakanya

“A-aria no…. Masasaktan ka….” Walang emosyon niyang tiningnan si Brent bago nagsalita

“Igaganti kita….” Walang emosyon niyang saad bago nakipaglaban sa halos 20 mga lalaki.

Hindi niya alam kung paano niya iyon nairaos at natalo lahat. Basta ang alam niya, kinapa niya lang ang galit niya sa puso, ang mga Galit na matagal na niyang kinimkim at inipon, ang galit niya sa mga taong naging dahilan ng paghihirap niya, at higit sa lahat, ang nanay niya na iniwan siya

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon