PROPERTY XIII

747 14 0
                                    

PROPERTY XIII

Natulala lang si Aria habang naglalaro sa isipan niya ang sinabi ng lalaki. Sa huli, inalis niya ang agam agam sa isipan niya. Kailangan siyang matulog ng maayos, iyon ang bilin sakanya ni Brent

Pumasok bigla sa isipan niya ang ginawa nila ng binata kanina. Nag init ang pisngi niya at pinigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi

Napabangon siya sa kinahihigaan saka parang tanga na nakangiti habang naglalaro sa isipan niya ang nakahubad na katawan ng binata

“Aria ano ba…. Tama na nga iyan, pinag nanasaan mo yung tao” mahina niyang saway sa sarili at agad na humiga saka pumikit, hindi niya alam kung bakit excited siya magising para bukas

Nag unat ng mga braso si Aria nang magising kinabukasan, agad siyang bumangon at nagbihis. Dapat gumawa din siya ng mga gawaing bahay, alam niyang hindi siya pinatira ng libre ni Gavin sa mansyon nito

Pumunta siya sa kusina at natigilan nang madatnan ang amo na nasa kusina. Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nauna pa itong nagising kaysa sakanya.

Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang mga niluto nito. Isang Italian carbonara ang niluto ni Gavin. Napalabi si Aria, gusto sana niyang humingi dahil nagugutom na din siya pero nakakahiya naman.

Akmang aalis nalang sana siya nang magsalita si Gavin

“Sir down Aria. I'm nearly done cooking” malamig na tawag nito sakanya nang akma siyang aalis.

“Don't you dare disobey me” humarap ang lalaki at agad na nilapag ang niluto nitong fried chicken. Iyon ang naamoy niya kanina na masarap “Sit” utos nito sakanya at saka nagsandok ng kanin.

Naupo naman siya sa upuan at walang imik na hinintay matapos si Gavin sa paghahain ng pagkain, napahinga siya ng malalim saka akmang kukunin ang sandok nang magsalita ang binatang nasa harapan

“Give me your plate” agad niyang binigay ang plato niya saka si Gavin na din ang nagsandok ng pagkain.

“Eat up” utos nito at nagsimula na ding kumain ang amo niya. Hindi niya maiwasang mapangiti ng palihim, kahit na medyo masungit ay alam niyang mabait ang lalaki

“Stop staring at me and eat” masungit nitong saad. Napahinga siya ng malalim at agad na nagsimulang kumain.

Masarap magluto ang lalaki, pareho pala sila. Si Brent kaya, marunong din ba kaya magluto? Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala si Brent, natutulog pa kaya ang binata hanggang ngayon? O katulad niya ay kumakain na ba kaya ito? Iyon ang gustong malaman ni Aria

Hindi niya pa nakakalimutan ang nangyari sakanilang dalawa kahapon.

Nang matapos kumain ay siya na ang naghugas ng pinggan at gumawa ng iba pang mga gawaing bahay.

“Boss, lilinisin ko din ba ang kwarto mo?” Tanong niya Kay Gavin. Wala naman siyang rason para mailang dito. Lalo na at amo lang ang Turing niya dito

“No. Wag mong papakialaman ang kwarto ko, and why the hell are you cleaning?” Tanong nito sakanya habang nakatitig sa kabuuan niya. Nakadamit siya pang katulong, hiningi niya pa ito sa isa pang katulong sa mansyon

“Dapat po magtrabaho ako dito. Nakakabagot kaya” saad niya at nginitian ang lalaki. Nagsalubong ang kilay nito

“Fine, you can clean but make sure you won't get hurt. Malalagot ako sa asawa mo” kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ni Gavin

“Po?”

“Nothing, you can clean the garden instead and plant some flowers there, iyan nalang ang gawin mo” tumango siya saka nagbihis para magtanim ng mga bulaklak

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon