PROPERTY XIV
Nakatingin lang siya kay Brent na kinukumbisi si Gavin na lumabas silang dalawa. Hindi niya maiwasang mapangiti
“Oh c'mon man, give us at least ten pm, ihahatid ko naman pauwi dito” saad ni Brent. Malamig lang siyang tiningnan ni Gavin
“Ten pm in the evening is too much Montero, hanggang hapon lang kayo” nagpapadyak si Brent at napahawak sa buhok nito.
“Damn, Cavalcante naman, I can't do that, really? Hanggang hapon lang? Naman eh!” Nagpapadyak si Brent na para bang batang hindi nabigyan sa gusto nito
“You'll disobey me? Then don't bring Aria outside” masungit na saad ni Gavin at tumayo. Para talaga siyang tatay ko dahil sa asta niya
“Okay fine, hanggang hapon nalang” tumamlay ang mukha ni Brent at tumingin sakin
“Let's go baby, maliit na oras lang ang meron tayo” saad niya at hinawakan ang kamay ko
“I'm just kidding Montero, you can send her until ten pm. Kapag lumagpas hindi ka na makakaulit” nagliwanag ang mukha ng binata dahilan para mapangiti rin siya
“Yes, thanks dad, I promise to take care and protect your daughter at all cost” hindi niya maiwasang matawa sa sinabi ni Brent. Nalukot ang mukha ni Gavin at masama nitong pinukulan ng tingin ang kaibigan
“Do I look like a dad to you?” Ngumisi ang magaling na binata bago tumango
“Oo, sugar daddy” humagalpak ito ng tawa nang makitang hindi na maipinta ang mukha ni Gavin at dinaluhan na siya saka ninakawan ng halik
“Halika na, I can't wait to be with you” bulong nito sakanya. Napakagat siya ng labi at pinipigilan ang kilig na naramdaman
“I'm telling you Montero, iuwi mong buhay at walang sugat yan, kundi malilintikan ka sakin” tumango si Montero saka tumingin kay Gavin
“Don't say that man, I'm starting to get jealous. Aria is mine only” ngumisi si Gavin nang marinig iyon mula kay Brent
“Ganyan dapat, wag basta basta papakawalan ang teritoryo” makahulugan nitong saad at tinapik siya
“I'll keep that on my head, thanks” tumango ang lalaki at tumingin sakanya
“Enjoy yourself there Aria. You need to refreshen your mind” ngumiti siya Kay Gavin at nagpasalamat
Nang makaalis na ang sasakyan nila ay saka nagsalita si Brent
“Wag ka na ulit ngumiti ng ganun Kay Gavin ah? Nagseselos kase ako” seryoso nitong pag amin dahilan para makagat niya ang pang ibaba niyang labi saka tumingin kay Brent
“Siraulo” iling iling niyang saad at tumingin sa harapan.
“Saan tayo?” Ngumiti ang lalaki
“Motel” natulala siya at napatitig sa seryosong mukha ni Brent
“Kidding, I'm going to bring you somewhere. Saan mo gusto? Sa park? Manood ng cine? Kumain sa restaurant? Mag shopping? Just tell me, gusto ko Ikaw mag decide” sandali siyang napaisip
“Talaga? Pwede akong pumili?” Hinawakan ni Brent ang kamay niya at masuyo itong hinalikan
“Sure baby, Ikaw naman masusunod kase Ikaw ang prinsesa ko today” napaiwas siya ng tingin para itago ang kilig na naramdaman
“Ahm, gusto ko Kumain sa restaurant, and gusto ko mag shopping, gusto ko din pumunta sa park, gusto ko rin manood ng cine” Nagniningning ang mga mata niya, kahit isa kase sa pagpipilian hindi pa niya naranasan sa buong buhay niya kaya Ngayon na mangyayari na, lulubos lubusin na niya
BINABASA MO ANG
Montero's Property
Romansa"Don't worry Aria, I'm here, ready to fix the broken you" -Brent Lincoln Montero BOOK COVER NOT MINE, CEEDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: PINTEREST
