PROPERTY XXXIX

832 14 0
                                    

PROPERTY XXXIX

Ramdam pa rin ni Aria ang pananakit ng magkabilang balikat niya. Iginalaw niya ang kanyang katawan at napangiwi dahil sa sakit.

Nilingon niya ang pumasok. Ang mama niya. Bumadha ang pag alala sa maganda nitong mukha

“Aria anak, wag ka muna masyadong gumalaw. Sariwa pa ang sugat mo” mahinahong paalala nito sakanya. Napahinga siya ng malalim at sinunod nalang ang Ina

“M-ma…. Si Brent po? Kumusta? Kumusta ang asawa ko?” Naiiyak niyang tanong. Huminga ng malalim ang ina bago siya nito tinabihan

“Wala pang malay si Brent. Tatlong araw na” hindi niya maiwasang manghina dahil sa sinabi nito. Napaiyak siya at yumakap sa mama niya.

Ramdam niya ang paghagod nito sa likod niya. “Ligtas na si Brent anak, magigising din siya kalaunan. Natanggal na ang bala sa katawan niya, wag ka na umiyak” nakahinga siya ng maluwag pero hindi pa rin tumitigil sa pag iyak

“Ssh, tahan na anak…. Makakasama sa pagbubuntis mo kapag palagi kang umiiyak” napahiwalay siya ng yakap sa ina at tinitigan ito.

“B-buntis ako?” Ngumiti ang mama niya at hinaplos ang buhok niya.

“Oo, kaya wag ka umiyak, makakasama sa baby mo iyan” hindi niya maiwasang maiyak sa tuwa.

“M-mama buntis ako? Magkakaanak na kami ni Brent?” Tumango ang ina at siya naman ay nakangiti at hinahaplos ang walang umbok niyang tiyan

“B-baby…. Hello, ako toh, si mama mo” pagkausap niya sa tiyan at ngumiti ng mapait

“A-anak paniguradong matutuwa ang daddy mo kapag nalaman niyang nandito ka. H-hihintayin natin ang pag gising niya” naramdaman niya ang pagyakap ng ina sakanya

Maya maya pa ay pumasok si Romenick kasama si Xian. Lumapit si Romenick sa mama niya bago ito hinalikan sa noo at labi

“Sweetheart, sa labas muna tayo. May sasabihin lang si Xian kay Aria” tumingin sakin si mama at agad na nagpaalam

Nang makalabas sila ay tumingin ako kay Xian. “B-bakit Xian? Gising na ba si Brent?” Umiling ang lalaki at hinawakan ang tiyan niya na ikinagulat niya

“You're pregnant with your baby, you should take care of yourself and stop crying as always. Makakasama sa bata” tumango siya at nagpasalamat sa lalaki

“Anyways, the reason I am here is because of Diane” natigilan siya nang banggitin ng lalaki ang pangalan ng babaeng dahilan kung bakit namimilegro ang buhay nilang dalawa ni Brent

“Ang meron sa babaeng iyon? Nagtatago ba siya?” Hindi niya maiwasang umusbong ang galit. Umiling si Xian

“Well, she's dead” natigilan siya sa sinabi nito at hindi makapaniwala.

“A-anong? Paano?” Hindi niya maiwasang kilabutan nang malamang patay na ang babae

“Gavin decided to torture her, but the day before her torture, nagpakamatay siya. She also leave a note, she won't let anyone kill her, so she killed herself” hindi siya nakaimik at hindi maintindihan si Diane. Ano bang iniisip ng babaeng iyon? Hindi niya talaga alam kung ano pa ang laman ng isipan nito

“Binalik niyo ba ang katawan niya sa pamilya niya?” Umiling ang lalaki at tumingin sa kawalan saka ngumisi

“I feed her remains to the lions” hindi niya maiwasang matulala at kilabutan dahil sa sinabi ni Xian.

“A-anong—

“Don't tell this to Gavin. Ang alam niya, binalik ko ang katawan ni Diane sa pamilya niya, but he was wrong, pinakain ko sa mga leon ang katawan niya” hindi siya makapaniwala sa lalaki

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon