PROPERTY XV

666 11 0
                                    

PROPERTY XV

Ramdam pa rin ni Aria ang panginginig ng mga hita niya habang kasalo niya si Brent kumain.

Nagutom ulit siya bigla at humingi ng pagkain dito. Hindi siya makatingin ng diretso sa binata dahil sa nangyari sakanila kanina, pero di ba dapat ang binata ang mahiya dahil basta nalang siya inaangkin sa isang public restroom?

Napailing nalang si Aria at tumingin kay Brent na ngayon ay seryosong kumakain habang pasimpleng sinusulyapan siya.

Pagkatapos kumain ay kaagad siyang dinala ng binata sa isang napakagandang park. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro kasama ang mga magulang nito

Hindi niya rin maiwasang makaramdam ng lungkot sa kabilang banda. Buong buhay niya ay hindi man lang siya naipasyal ng mama niya kahit sa parke, palaging sa bahay lang sila at dinadalhan lang siya ng mga pasalubong ng mama niya at hindi siya hinahayaang lumabas o makipaglaro sa ibang bata, dahil na rin siguro sa sitwasyon nilang dalawa

Napahinga siya ng malalim at hindi alam kung bakit may halong kalungkutan ang kasiyahang namutawi sa puso niya

Naramdaman niya ang paghawak ni Brent sa braso niya. Umakbay ito sakanya kalaunan

“You want to ride a swing? Are you sure?” Tanong nito sakanya. Ngumiti lang siya at agad na umupo sa pang dalawahang swing sa may di kalayuan, walang masyadong bata ang naroon

Idinuyan niya iyon ng dahan dahan at hindi maiwasang hindi mapangiti, ganito pala ang pakiramdam. Sandali pa siyang umupo doon habang si Brent naman ay naupo rin katabi niya

“What's your favorite color Aria?” Tanong ni Brent habang pareho silang nag swing ng marahan

“Hmm, color black, Ikaw?” Tanong niya sa binata.

“I love color blue, it represents peace for me. How about you? Why do you prefer black?” Sandali naman siyang napaisip. Bakit nga ba kulay itim ang gusto niyang kulay? Kase sa totoo lang ito lang naman Ang kulay na palagi niyang nakikita

“Hindi ko rin alam. Siguro kase sa mga napagdaanan ko, kulay itim lahat ng kasangga ko. I mean, palagi akong nag iisa sa dilim, palagi akong umiiyak ng palihim, palagi akong galit sa mundo, at higit sa lahat, itim ang paborito ko dahil ito ang karamay ko sa lahat ng sakit” mahaba niyang saad at napahinga ng malalim

“Why don't you explore other colors then? Why always black Aria?” Sumeryoso ang tinig ni Brent pero hindi siya lumingon

“Siguro kase, walang halaga sa akin ang ibang kulay…. Wala namang kakulay kulay Ang buhay ko, kaya itim ang gusto ko kase pakiramdam ko, kapag nasa dilim ako, walang nananakit, walang humuhusga, walang nangdidikta, malaya ako sa dilim Brent, at kulay itim ang dilim hindi ba?” Nilingon niya ang binata na ngayon ay nakatitig lang sakanya

Napaiwas siya ng tingin dahil sa mahinang pagkabog ng puso niya.

“According to science, black and white is not a color, they're just lack of color that's why they're like that. Kung gusto mo ang itim, that means, your life has no color at all” sandali siyang natigilan sa sinabi ng binata at napalunok

“Hindi ka pwedeng masanay sa dilim at palaging itim ang piliin mo Aria. Explore the whole world, makikita mo kung gaano kaganda ang mundo…. Don't just focus on one thing, explore more at get out to your comfort zone, learn new things and experience those things that you're afraid to do” natahimik siya at hindi alam ang sasabihin

“Tama ka, masaya at makulay ang mundo, alam ko naman iyon” ngumiti siya ng mapait “Pero para sa katulad ko na pinagkait ang pagkakataong maging masaya, masakit at mahirap….” Tumigil siya sa pagsasalita dahil parang namimigat ang mga mata niya. Naiiyak siya

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon