PROPERTY XXXVII

692 14 0
                                    

PROPERTY XXXVII

Nang makapasok silang dalawa sa kwarto ay kaagad siyang hinila ni Brent at kinandong saka sumiksik ito sa leeg niya. Niyakap siya nito ng mahigpit

“B-brent–

“Damn, I thought you leave me again” umalis ito sa pagkakasubsob sakanya at doon niya nakita ang nangangamba nitong mga mata.

Napalunok siya at natigilan.

“I though I'm gonna lose you again. Ayoko nang bumalik ang araw na iyon” mahina nitong saad at yumakap ulit sakanya.

“Hindi na ako mawawala sayo” hinawakan niya ang pisngi ng binata bago ito halikan ng marahan.

“Huwag ka nang umalis” nakikiusap nitong saad. Ngumiti siya bago bumulong sa pagitan ng kanilang halikan

“Hindi ako aalis Brent. Dito lang ako….” Panigurado niya. Naramdaman naman niyang nakahinga ng maluwag si Brent. Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya, may pangamba pa rin sa mga mata nito

“Akala ko talaga tumakas ka. Nagmamadali akong lumabas nang makitang wala ka na sa tabi ko. Thank God…” kinuha nito ang kamay niya saka hinalikan ang palad nito

“Magpakasal na tayo” natigilan siya sa sinabi ng lalaki.

“M-magpapakasal?” Ulit niya sa sinabi nito. Sumeryoso ang titig nito sakanya at napahigpit ang hawak nito sa kamay niya

“Bakit gulat ka? Ayaw mo ba akong pakasalan?” napailing siya dahil sa sinabi ng binata at niyakap ito ng mahigpit

“Gusto. Kailan tayo magpapakasal? Bukas na ba?” Hindi niya alam kung bakit siya nasasabik at tila nagmamadali. Natigilan ang binata sa sinabi niya

“You want it tomorrow?” Tumango siya. Wala nang patumpik tumpik pa

“Oo, para hindi na makalapit pa si Diane sayo at para may karapatan na ako sayo” natawa ng mahina ang lalaki at napailing

“My baby is so possessive” kumunot ang noo niya. Ayaw ba nito?

“Ayaw mo?”

“Gusto….” Ngumisi sakanya ang lalaki at tinitigan siya ng mariin

“Kung magpapakasal ka sakin, pag aari na kita. Sa akin ka na habang buhay. Hands ka bang matali sa akin?” Walang pagdadalawang isip siyang tumango

“Oo Brent. Kahit pa ikaw na ang magdesisyon sa buhay ko ayos lang. Wala na akong pakialam. Mahal natin ang isa't isa, at kapag dumating man ang araw na mag aaway tayo at hindi na tayo magkakaintindihan, babalikan natin ang mga araw kung bakit tayo umabot sa ganito” lumamlam ang tingin ng binata at puno ng pagmamahal siya nitong ginawaran ng matamis na halik sa labi. Ang simpleng matamis na halik ay nauwi sa mainit na pagtatalik

Pero ito ang gusto ni Aria. Gusto niyang angkinin siya ni Brent dahil buong puso na niyang inialay ang sarili para sa binata

Ang tibok ng puso niya ang tangi niyang nararamdaman at ang pagmamahal para kay Brent. Mahal na mahal na talaga niya ang lalaki, at gusto na niya itong makasama habang buhay

“I swear! Hindi kayo magiging masaya! I won't let you two to be happy!” Walang buhay siyang nakatingin kay Diane na ngayon ay umiiyak habang nasa labas ng mansyon

“Don't be so desperate Diane” malamig na saad ni Brent sa babae. Naiiyak naman itong nakatingin sa binata

“B-brent…. Ako nalang ulit please…. Mahalin mo ulit ako gaya ng dati… please” napahinga siya ng malalim at tumingin kay Brent

Sa katunayan, naiintindihan niya si Diane kung bakit nito gusto ang boyfriend niya. Maski siya ay mababaliw kapag nawala sakanya si Brent

“Magpapakasal na kami ni Aria. Don't just focus on me Diane, marami ka pang lalaking matatagpuan. Stop loving me, love yourself instead” umiling ito at umiiyak pa rin sa harapan nila

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon