PROPERTY XIX

574 11 0
                                    

PROPERTY XIX

Nang makapasok sila sa kwarto niya ay kaagad binaba ni Brent ang pinamili nila na para sakanya.

“Take a rest baby…” malambing na paalala ni Brent at hinalikan siya saka niyakap. Yumakap din siya ng mahigpit sa boyfriend niya at parang ayaw na niya itong bitawan

Humiwalay si Brent ng yakap at tumitig ng mariin sakanya. “I'll visit tomorrow okay? Pupuntahan kita” mahina nitong saad at inalis ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha niya.

“B-bumalik ka ah?” Mahina niyang paalala dahilan para mapangiti ang binata.

“Parang namiss mo naman ako kaagad. Babalik ako bukas para magkita tayo ulit” hinalikan siya nito sa labi na kaagad naman niyang tinugunan

“Damn, God knows how much I wanted to stay with you, kaso kailangan ko nang umalis. Sleep well okay? Good night and dream of me” ngumiti siya at tumango saka ito hinalikan sa labi.

Hinawakan ng binata ang mukha niya at tinanggap ang halik na binigay niya. Umabot ng ilang segundo ang halikan nila bago naghiwalay ang kanilang mga labi

“Baby…. Don't make this hard for me to leave you, stop teasing me….” Nagmamakaawa ang boses nito at parang hirap na hirap

Nangingiti naman siyang tumingin dito. “Pabaon ko yan sayo. Good night din, matulog ka ng mahimbing” saad niya habang magkadikit pa rin ang kanilang mga noo

Napaungot si Brent saka lumayo sakanya. “I will, matulog ka na okay?” Tumango siya. Hinalikan ni Brent ang noo niya saka ang leeg niya bago ito nagpaalam na aalis na.

Nang maisara na niya ang pintuan ay napahawak siya sa tapat ng kanyang puso habang may ngiti sa mga labi.

Naligo na siya at nagbihis na siya ng pantulog saka kinuha ang mga pinamili ni Brent para sakanya. Inisa isa niya iyon. Mula sa mamahaling jacket, pantalon, sapatos, sandals, bags, pampaganda at mga drawing materials dahil mahilig siyang gumuhit at magpinta.

Napailing siya nang makita ang mga mamahaling bra at panty. Napailing nalang siya at napangiti dahil alam niyang si Brent ang naglagay nun para sakanya. Hindi niya tuloy maiwasang na excite habang nakatitig sa mga damit na magaganda. Hindi niya maiwasang ma excite dahil susuotin niya ang mga ito kapag may date silang dalawa ni Brent

Inilagay na niya sa tamang lagayan ang mga damit at itinago iyon sa closet niya saka niya kinuha ang mga drawing materials niya. Bukas na siya magpipinta, mag do-drawing nalang muna siya sa sketch book na binili ni Brent para sakanya

Kinuha niya ang litrato nila kanina. Napangiti siya at inisa Isang halikan iyon saka inilagay sa isang diary notebook niya at doon inipit, bukas niya sisimulan ang pagsusulat ng diary niya. Hindi niya maiwasang kiligin habang nakatitig sa mga litrato

Hindi niya maiwasang mapangiti habang nakatitig sa mga drawing materials niya. Noon niya pa gustong magkaroon ng ganito kaso mahal at hindi niya kayang bumili kaya sa notebook nalang siya gumuguhit.

Gusto din sana niyang sumali sa mga paligsahan sa pag guhit noon pero natatakot siya na baka pagtawanan lang siya kaya hindi na siya sumubok

Kinuha niya ang mga kompletong gamit niya saka umupo sa Isang coffee table na malapit sa bintana at doon inilagay ang mga gamit saka nag isip ng pwedeng iguhit

Inikot ikot niya ang lapis saka abala pa rin sa pag iisip. Napangiti siya nang maalala si Brent at napagdesisyonan na ang mukha nito ang iguguhit niya

Hindi niya maiwasang kiligin at mapangiti habang ginuguhit ang napakagwapo nitong mukha. Halos buong pag guhit niya ay hindi mabura ang ngiti sa labi niya. Kuhang kuha niya ang gwapo nitong mukha. Hinalikan niya iyon ng buong puso saka nilagyan ng note sa ibabang bahagi.

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon