PROPERTY XVIII

600 11 0
                                    

PROPERTY XVIII

“Let's watch some fireworks for a while, it looks beautiful” saad ni Brent at hinila si Aria papunta sa isang park kung saan may mga taong nanonood ng magagandang fireworks

Halos couples ang lahat ng kasama nila at ang iba ay nagyayakapan pa habang nakatingin sa magagandang fireworks.

“Let's sit here” hinila siya ng binata at naupo silang dalawa sa ikalimang baitang kung saan walang nakaupo, sa unahan nila ay may mag couple na magyakap. Napatitig naman si Aria sa mga iyon

“Ang ganda noh?” Biglang saad ni Brent habang nakatitig sa fireworks. Napatingin naman siya doon at tama nga ang binata, ang ganda ng mga iyon.

Habang nakatingin sa mga nag-gagandahang fireworks ay agad siyang nakaramdam ng saya sa puso, parang bago iyon sakanya, pero gusto niya ang ganoong pakiramdam

“I hope I can watch fireworks again together with you” naramdaman niya ang higpit ng hawak ni Brent sa kamay niya dahilan para mapatingin siya doon.

Hawak na hawak ng binata ang kaliwang kamay niya. Isa lang ang alam niya habang hawak ng binata ang kamay niya, masaya siya, komportable, higit sa lahat, payapa ang puso niya

“Ako rin” ngumiti siya dito at tumingala. Gusto niyang ipakita sa binata na gusto niya itong makasama, gusto niyang maramdaman ng binata na hindi lang ito ang masaya kapag magkasama silang dalawa

Bumaling ng tingin sakanya si Brent saka tumitig sa mga mata niya. Nginitian niya ang binata habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Ang malakas na kabog ng dibdib niya ay hindi nakahadlang para ngumiti siya

Kung kanina lang ay naiilang siya at nagugulat sa biglaang pagkabog ng dibdib, ngayon ay komportable na siya. Hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataong ito.

Inangat niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ng binata. Natigilan naman ito sa ginawa niya at napatitig sakanya.

“Brent, wag mo kong iwan ha?” Hinaplos niya ang pisngi ng binata na ngayon ay nakatitig sakanya. “b-balak ko nang magbagong buhay…. Kasama ka sana” napalunok siya nang makitang hindi man lang tumugon ang binata at nanatiling nakatitig lang sakanya

“G-gusto ko nang kalimutan lahat ng masalimuot na pinagdadaanan ko noon. Gusto ko nang maging maayos ang buhay ko Brent….” Mahina niyang saad. Naramdaman niya ang paghawak ng binata sa kamay niyang nakahawak sa pisngi nito saka iyon pinisil at masuyong hinalikan

“I will. Basta bigyan mo ko ng pagkakataon, patutunayan ko sayo” napangiti siya at napaiwas ng tingin. Napalunok siya dahil sa malakas na kabog ng dibdib.

Hindi pa nga niya nasasabi ang nais sabihin pero kinakabahan na siya sa magiging reaksyon nito. “N-nililigawan mo pa naman ako di ba?” Mahina niyang tanong at bumaling ng tingin sa binata na ngayon ay nakatitig lang din sakanya

“Oo, bakit? Nagbago ba ang isip mo? A-ayaw mo na ba akong manligaw sayo?” May pangamba sa mukha nito at parang natatakot, napahigpit din ang hawak nito sa mga kamay niya

“S-sinasagot na kita” mahina niyang tugon sapat na para marinig iyon ng binata. Hindi siya nakatingin dito, natatakot siyang makita ang reaksyon nito

Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin nagsasalita ang lalaki. Lumingon siya at nakita itong tulalang nakatitig sakanya.

“S-sinasagot mo na ko?” Hindi makapaniwalang tanong nito at parang hindi makapaniwala. Napaiwas siya ng tingin at napayuko

“Aria totoo ba?” Masuyong hinawakan ni Brent ang mukha niya. Magkaharap na silang dalawa

“Sinasagot mo na ba talaga ako? Hindi mo man lang ba ako papahirapan sa panliligaw sayo? Aria baka nagulat ka lang—

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon