PROPERTY XXII

587 13 0
                                    

PROPERTY XXII

“Tell us Diane, why did you hurt Aria?” Malamig na tanong ni Gavin habang kinakausap silang dalawa.

“I didn't hurt her! I'm just trying to make friends with her but she refuses and even insulted me. Bakit ba? Because she's Brent's girlfriend? Ang kapal naman ng pagmumukha niya!” Maldita nitong saad at masama siyang binalingan ng tingin

Namumula ang pisngi ng babae at alam niyang masakit iyon. Medyo naaawa siya pero kapag naririnig niya ang boses nito ay pagkainis ang naramdaman niya para sa babaeng kaharap

“Are you sure?” Tanong ni Gavin kaya naman ay tumaas ang kilay niya

“Yes. Akala niyo ba magsisinungaling ako? No, you guys know me for over a years now—

“Yes, we knew you but we didn't care about you, so still we don't know you” malamig na putol ni Xian sa sasabihin ng babae

“Make that fast Cavalcante, naririndi ako sa ingay ng babaeng yan” malamig na saad ni Xian at pumikit ulit. Mukhang matutulog na naman ang lalaki.

“Hindi ako nagsisinungaling!” Giit ni Diane at tumingin sakanya

“You tell them the truth! Ikaw ang nanguna, ininis mo ko kaya nasabunutan kita—

“There!” Tumaas ang boses ni Brent at humarap kay Diane.

“Sabi ko nga ba! You started it first—

“N-no Brent…. Honey that's not true, hindi ako, nainis lang naman ako…. You know me right? Kapag naiinis ako, nawawalan ako ng kontrol sa sarili. I can't control my anger Brent that's why I need you because you can calm me down” nagmamakaawa ang boses ng babae

Hindi naman maiwasang mapahinga ng malalim ni Aria. Alam niya ang ginagawa ni Diane, sinusubukan nitong agawin at kunin ulit ang loob ng boyfriend niya para bumalik ito. Hindi niya maiwasang mapakuyom ng kamao. Malamig lang siyang nakatingin sa sahig at di niya namalayan na nakatingin si Gavin sa bawat galaw niya

“Don't make it as an excuse. You'll be punish for hurting my girlfriend” malamig na sagot ni Brent at tumingin sakanya

“B-brent no…. Please, don't choose her or else I will harm myself!” Banta nito pero hindi nakinig ang boyfriend niya at hinila lang siya doon paalis

Bumalik sila sa kwarto niya. Nakaupo siya sa kandungan ng binata habang abala ito sa pag gamot sa mga kalmot na nasa pisngi niya.

“Just tell me if it hurts okay? Dadahan dahanin ko lang” malambing na bulong ng boyfriend niya. Hindi naman siya umimik at hinayaan lang niya itong gamutin ang sugat sa pisngi niya

Marahan nitong hinaplos ang sugatan niyang pisngi. “That girl just ruined your beautiful face. But don't worry, maganda ka pa rin naman para sakin” dahil don ay di niya maiwasang mapangiti

“Salamat” iyon nalang ang naging tugon niya dahil wala naman siyang ibang masabi.

“Let's go to the kitchen, I'll cook some breakfast for you” hinawakan nito Ang kamay niya.

“Nagluto na ako para satin, nasa kusina” mahina niyang saad at hinigpitan din ang hawak sa mga kamay ng binata.

“Really? Then let's go now, I need to taste my girlfriend's cook. I'm sure masarap iyon, ikaw ang nagluto eh” napairap naman siya pero kinikilig naman

“Nang bobola ka lang eh” ngumuso ang boyfriend niya kaya hindi niya maiwasang pisilin ang makinis nitong pisngi. Ang cute ng lalaki kapag ngumunguso sa paningin niya

Nang makarating sila sa kusina ay wala na silang nadatnan ang pagkain. Kumunot ang noo ni Aria. “Nasan na iyon?” Tanong niya sa sarili at napatingin kay Brent na nagtatanong din ang tingin sakanya

Montero's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon