PROPERTY X

3.2K 44 0
                                        

PROPERTY X

Walang buhay na nakatingin si Aria sa isang napakalaking tagong mansyon sa harapan niya.

“This is our hideout. Since you're one of our members now, you have an access in everything inside it” malamig na saad ni Gavin makalipas ang ilang segundo na pakikipagtitigan sa mansyon

Hindi ito madaling makita, liban nalang kung may magturo ng direksyon. “Come in, welcome to our kingdom” ramdam niya ang ngisi ni Gavin at nauna na itong maglakad. Nakita niyang sumunod si Xian dito

Akmang maglalakad na siya nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya. Napatingin siya dito at nakita si Drax

Nginitian siya ng lalaki dahilan para matulala siya

“Don't be nervous. I assure you, hindi ka masasaktan sa loob” malumanay nitong saad at hinigpitan ang hawak sakanya.

Wala siyang nagawa. Gusto niyang ialis ang kamay nito sakanya pero hindi niya magawa, hindi pinapakawalan ng binata ang kamay niya

Hanggang sa makapasok Sila sa loob ay hawak pa rin nito Ang kamay niya. Natigilan siya at napalibot ng tingin habang nakatitig sa iba't ibang tao na nasa loob, may mga nag eensayo, may naglalaban gamit ang matatalim na sandata, may mga taong abala sa pagpupunas ng baril, may mga taong may hinahandang kung ano

“Scared?” Bulong ni Drax sakanya pero hindi siya sumagot.

Pumasok sila sa isang pintuan, hindi niya alam kung ano ang nandun pero nang bumukas iyon ay doon niya nakita ang iba pang mga lalaki na katulad ng suot nina Gavin

Natigilan sa paglalaro ang mga nandun at napatingin sakanila. “Oh, I didn't know that you'll visit tonight Mr. Cavalcante” ngisi ng isang lalaki, gwapo din ito.

Nakita niya ang pasimpleng pagngisi ng mga nasa loob. “Yeah, how's the package? Did you already sent it to Mr. Sandejas?” Tanong ni Gavin at naupo sa Isang bakanteng upuan. Nakita niyang umupo si Xian sa kabila at saka humiga

“I already sent the package through our personal jet. Don't worry, we also paid military officials to secure that we can't get caught” doon napalunok si Aria. Hindi niya man naiintindihan lahat ng pinag uusapan ng mga ito, pero alam niyang ilegal.

“Your highness is always sleepy” mapang asar na saad ng isang matanda habang napailing iling na nakatingin kay Xian na ngayon ay nag uumpisa nang matulog

“Who is she? New bed warmer?” Nabaling ang tingin nilang lahat Kay Aria. Nakaramdam siya ng takot habang sinasalo ang mga mabibigat at malalamig na titig sakanya ng lahat sa loob.

“No. She's Aria. Our new member” saad ni Gavin habang nakatingin sakanya.

“Oh? A girl? That's new huh” saad ng lalaki at malagkit siyang tinitigan mula ulo hanggang paa

“Maybe I can have her? What do you think Cavalcante?” Ngumisi si Gavin at sinenyasan siyang umupo. Nakita niyang Wala na pala si Drax sa tabi niya, hindi niya napansing Wala na ito sa tabi niya

“Don't ask me that. Ask Montero first, I'm sure he'll never like it” makahulugang Saad ni Gavin.

Namutla ang lalaking nagsalita kanina at napatikhim. “So he already marked this girl?” Namamangha siya nitong tiningnan. Hindi niya naman alam ang pinagsasasabi nito

Tahimik lang si Aria. Wala naman kase siyang ibang kausap dahil abala na si Gavin sa pakikipag usap nito sa negosyo na hindi naman niya maintindihan, pero alam niyang ilegal ang mga iyon.

Napalibot siya ng tingin at maya maya lang ay may lumapit sakanyang Isang lalaki. Nginitian siya nito pero hindi siya komportable. Alam niyang nagpapanggap lang ito sa harapan niya

Montero's Property Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon